[KRISTINE]
*kriiiiingggggg kriiiiiinggggg
Ayyyy! Nubanamandis?! Inaantok pa ako eh.. Tumingin ako sa clock and its 7:45 am. Lagot!! Late na naman ako sa training namin. Bumangon na ako at agad na naligo. Pagkatapos ko ay kinuha ko na yung bag ko at pumunta sa may kusina para kumuha ng gatas at bread dun ko na lang kainin sa car.. magagalit na naman siguro si Satty. Pero kung minamalas ka nga naman, traffic pa.!
*phone rings*
"Hello?"
[Nasaan ka na ba????!!!!]
"on the way na ako, ang traffic kasi eh"
[Bilisan mo! Kapag di ka naka abot ng 8:30 icancel ko to for today]
"Eto na nga binibilisan na eh. Uso ang salitang patience Satty"
[Tss. Hurry!]
"K.bye"
Alam naman na nag dadrive ako eh. Paano kung mabangga ako? Timang talaga tong si Satty. Kay aga aga eh.
Habang nag iintay ako na umusad tong mga sasakyan sa paligid ko dahil nga sa traffic, may kumatok na batang babae na may hawak na baby sa bintana ko.
"Mam, mamamalimos lang po. Pangkain lang po namin ng kapatid ko"
Kumuha ako ng pera sa wallet ko saka napatingin sa dala kong pagkain.
"Eto hija oh, ipambili mo to. Tapos kainin niyo na rin muna eto ha? Ingat kayo"
"Maraming salamat po mam! Pagpalain po kayo! Alam ko pong matutupad kung ano man ang hilingin niyo"
"Sige. Salamat" saka siya umalis.
[SEATIEL]
Maaga akong nagising para pumunta sa subdivision ni kristine, hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos dahil naalala ko sa kanya si Daniella,.
Nagpark ako dito di kalayuan sa bahay niya. Malapit na mag 8 am ah? Ang plano ko kasi dapat ay sunduin siya kaso, mukang tulog pa ata?
Maya maya ay umalis na siya at mukang nagmamadali pa. Pag kaalis ng sasakyan niya ay sumunod na din ako, at tinawagan siya, sinabi kong ipapa cancel ko ang training namin pag hindi siya nakarating ng 8:30 pero eto ako sumusunod sa kanya,
Nakita ko din yung batang papalapit sa sasakyan niya, mukang mga batang naligaw dito na may karga pang baby. Kumatok ito at mukang manlilimos.
Nako! Baka isnobin lang siya ni ---
"WEH?!" malakas na sigaw ko ng makitang binigyan ito ni kristine ng pera at pagkain. Akalain mo yun? May tab- este puso din pala yun, akala ko kasi napilitan lang din siya sa mga bata kahapon..
Walang duda, parehas nga sila ni Daniella, mapagmalasakit. Hayyy,,
*flashback*...
Noong highschool pa lang ako, malaki na yung paghanga ko kay Daniella, cheerleader siya at isa sa pinaka sikat na babae sa campus namin. Bestfriend din siya ng best friend kong si Dexter. Hindi ako masyadong kilala dahil, nerd ang tawag nila sakin dahil sa salamin at mga libro ko at sa payat kong katawan.
"Seatiel,! Kumain ka na? Pasabay nga ako." Sigaw niya mula sa may hagdan.
"Oo, si-sige! Wa-wala nam-an ak-ako kasab-ay"
Pumunta kami sa isang kainan sa labas ng school. Habang kumakain kami ay may nakita siyang nakatitig samin na tatlong bata, umalis siya at pinapaupo ang mga bata sa table namin.
"Wait ah, order ko sila."
Nagulat ako sa nakita ko, dahil bihira lang din ako ma amaze sa mga ganun kabait na tao.
"Bakit?.." tanong ni Daniella sa akin.
"Wala. Ang bait mo naman.he-he"
"Matagal na kaming nag a-out reach sa mga batang ganito, like sa batang ampunan or sa mga matatandang iniwan ng family nila. Tuwing malungkot ako, dun ako pumupunta kasi sumasaya na din ako pang ngumingiti sila pero mas naaawa ako sa mga bata sa kalye, imagine hindi sila nakakatulog at nakakakain ng maayos while us, sarap buhay pa. Kaya hindi ako nagsasawang tumulong sa kanila kahit sa pinaka maliit na paraan."
Natahimik ako sa sinabi niya. At dahil sa isang di maipaliwanag na emosyon, may nasabi akong dapat sinarili ko na lang.
"Daniella, pwede ba kitang maging girlfriend?"
"Hah? Haha. Ikaw Seatiel ah?"
"Seryoso ako."
"Tae mo! Di ba sinabi ni Dexter sayo na nanliligaw na siya sakin?"
"Hindi eh.. hehe. Joke lang yun ah? Baka seryosohin mo."
"Hahahahaha! Alam kong joke yun. Hahahaha!"
*end of flashback*
Nanligaw si Dexter sa kanya hanggang maka graduate kami and nabalitaan ko lang two years ago, sinagot na siya ni Daniella.
Sinundan ko na yung sasakyan ni Kristine at nagpark din ako.
"Oh? Satty?! Bakit andito ka?"
"Ewan ko sayo! Hindi ba halata sumunod ako?"
"Ahhhhhhh. Owkey! Pano ba yan? 8:20 pa lang, tuloy yung training!!"
"Oo na lang."
Sumakay ako sa elevator at iniwan siya dun. Naalala ko yung unang punta niya, pinasadya ko talaga na lagyan nila ng "full" yung elevator na sasakyan niya. Wala lang, napag tripan ko lang...
Nakarating na kami dito sa taas and sisimulan na yung first exercise, napagkasuduan naming dalawa na isang exercise lang araw araw para hindi sumakit buong katawan niya, warm up muna ginawa namin and next yung exercise.
"So yung gagawin natin ngayon is, Dumbbell chest press on stability ball" pagpapaliwanag ko.
"Paano yun?"
"Sandali, makinig ka muna."
"Ok."
"Una, kelangan mo ng dalawang dumbbell and iposition mo yung back mo dito sa stability ball, which is yung kulay violet. Bent your knees 90 degrees, feet flat on the floor. Hold the weights by your chest, elbows bent and palms facing forward, get it?"
"Akala mo naman sakin di nakakaintindi ng english? Aba! Oo naman.! Nakuha ko"
"Remember this, 1.) Press them toward the ceiling until your arms are straight. 2.) Then lower back to start. Then repeat na lang"
"Ok get it!"
![](https://img.wattpad.com/cover/27292762-288-k668871.jpg)
BINABASA MO ANG
My XL wish
Teen FictionTUMABA ang isa sa ayaw ng mga babae, pero kay Kristine wala itong problema lalo na kung Brokenhearted ka. pero, ayaw na niya. paano siya magbabago? at sino ang makakapagbago sa kanya?