[KRISTINE]
Its 7 in the morning nung magising ako, tinawag ko si Dora para magpa prepare ng breakfast pero nung bumaba ako, may nakita akong note sa ref,
"Madam, umalis po ako para hanapin ang kayamanan, salamat po sa information at sa mapa, wag po kayo mag alala, babalik ako pag nahanap ko siya.
-Dora, with love ♥"
Yung feeling na, aga aga sira na yung araw mo dahil sa katimangan ng katulong mo. Hay nako naman!
Kumuha na lang ako ng juice saka yung pasta kagabi. Nakaka imbyerna naman yun, di manlang nagluto bago umalis.
*phone rings*
"Hello?"
[Uy, gaga! San ka na?!]
"Bahay, kumakain."
[Bilisan mo, magbihis ka na. 8 ang start niyo ni seatiel dito sa gym, actually andito na ako, gusto kita ipag cheer noh!]
"Oo nga pala! Am foot ah!"
[Bilisan mo ha? Byiie!]
*ends*
Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto para maligo. Ano ba naman yan!
"Dahan dahan sis, magiba bahay mo ng di oras,!" Sabi na naman ng epal kong konsensya. Di ko na lang pinansin dahil nagmamadali nga ako.
After ilang minutes,
"Aaaaah!!!!!! Dora! Bakit di mo hinanda damit ko?!"
"Wala na sya, remember. Anobayan?! Naligo ka lang at nabasa yang ulo mo, kinalawang agad!" Sabi na naman ni konsensya ko.
"Oo nga pala. Hay! Tsk.!"
Pumunta agad ako sa walk in closet ko at nag suot ng jogging pants, Nike tshirt at yung jordan shoes ko. Tutal, sa gym naman ako pupunta
Pumunta na agad ako sa garage pagkabihis at nag drive. Iba nga palang car itong dala ko, ginagawa pa yung isa sa shop eh.
Gym 8:00am
"Oh, anjan na pala ang pa VIP kong trainee" salubong ni seatiel saken, wow ha? Diba pwedeng good morning, bakit hinihingal ka?
Timang nito! Di manlang tinanong eh, siya kaya umakyat sa hagdan na pagkataas taas?
"May elevator naman gaga! Bakit mukang napagod ka?" Pag aalala ni Rose. Buti pa ito, concern eh, sabagay kaibigan ko naman ito.
"Tuwing sasakay ako ng elevator nitong building na to, laging nakalagay "full".. nakakatimang diba? " inis na saad ko.
"Kita mo na, pati elevator namin, nagsasabing kelangan mo talaga nito" singit ni seatiel. Foot ah! Natimang na nga ako sa pag akyat, inaasar pa ako eh kay aga aga.
"Mabuti pa guys, mag start na kayo."
"Oo nga.! Sayang oras ko!" Sabay na sabi namin ni seatiel.
"Fine. Mag start tayo sa warm up para di naman mabigla yung tab-- este, buto at katawan mo"
Nag warm up nga kami, or should i say p.e ng elementary?
Una, jogging na hindi umaalis sa isang place
Pangalawa, jumping jacks.
Pangatlo sit and reach.
Pang apat curl ups.
Panglima push ups.
"Warm up palang di mo pa magawa ng tama?" -seatiel.
Di ko muna siya pinansin, ano kaya ang pwede na nickname nito. Haba haba eh... seat, tiel, seati, sati... satty! Nakakasayang kasi ng laway yung haba ng pangalan niya.
Ayun! Satty nalang!
"Eh naman, satty! Nakaka imbyerna mga pinapag---"
"What did you call me? Satty?"
"Oo.! Haba ng seatiel eh."
"Tss. As I was saying, dapat warm up ay magawa mo na, paano na sa susunod na exercises? Eh wala pa nga tayo sa mismong activity eh"
"Eeeeh, paano ba naman kasi, dapat very very light lang yung pinapagawa mo!!"
"Eh, pinaka simple na nga yan, wala nang mas dadali pa.saka wag ka mag reklamo, tandaan mo para sayo din to pareho lang tayong makikinabang"
Napakamot na lamang ako sa batok ko at sumunod sa inuutos niya na gawin kong exercise.
"Gaga! Someone's calling!!!" Sigaw ni Rose kaya tumakbo ako sa may pwesto niya kung saan nakalagay yung bag ko..,baka work to eh.
"Hello?"
[Hello, mam! Mam kristine?!]
"Oh?"
[Miss ko na po kayo]
"Tss."
[May tatanong po pala ako mam]
"What?"
[Diba po, yung kayamanan yung kulay blue?"
"Bakit ba?"
[Edi mam! Andaming kayamanan nito? Andaming blue eh!]
"Bz ako, mamaya ka na tumawag"
Sabay end ko ng call, hay nako si Dora, ano bang nalaklak niyan at ganyan? Nakakain siguro ng paa ng manok eh!
[SEATIEL]
Nag isip ako ng madaling exercises para kay kristine, grabe naman kasi hirap na hirap mag warm up. Imagine sa curl ups nakahiga lang at ulo lang niya ang nai aangat niya. Malala na rin ito.
Ah! Treadmill na lang kaya muna ngayon? Sa bagay pinakamadali na naman siguro yun diba? Lalagyan ko na lang ng twist.
"Kristine!"
"Oo, sandali. Uso magpahinga diba?"
"Wala pa tayo masyadong ginagawa pahinga agad?!"
"Napapagod na nga ako eh!!!!"
"Edi sana di ka na lang pumunta dito para hindi nasasayang oras ko sa kakapahinga mo!"
"Oo nga naman sheng, sayang bayad ko kay seatiel." Singit ni Rose
"Edi kayo na.! Tsss. Bakit ba kasi ang hirap hirap eh"
Pumunta kami sa may part ng treadmill.
"Eto lang muna ngayon, pero ingat ha, baka masira mo." Pang aasar ko sa kanya.
"Che!! "
"Habang nag tumatakbo ka, kailangan mo lang ilipat lipat itong maliit na barbell.kaya mo na yan diba?"
"Ok. Shooo."
"Gagawin mo yan for 45 minutes ha?"
"WHAT?! NO WAY!"
"Yes way!"
Iniwan ko na siya since nag start na rin siya. Titigil din naman yun after 45 minutes. Haha ('^_^')
BINABASA MO ANG
My XL wish
Teen FictionTUMABA ang isa sa ayaw ng mga babae, pero kay Kristine wala itong problema lalo na kung Brokenhearted ka. pero, ayaw na niya. paano siya magbabago? at sino ang makakapagbago sa kanya?