Chapter 02

53 3 0
                                    

[KRISTINE]

as usual, nagpark na ako sa parking area sa basement saka pumunta sa office ko, naabutan ko pa si mang janitor na nag lilinis.

"good morning kuya! makikitapon ah!" sabay hulog ko ng wrapper ng chocolate bar sa garbage bag na dala niya.

"sandali mam!" may iniabot siya sa aking papel.. "inyo po ata.! alis na po ako,"

binasa ko naman ang nakasulat sa papel,

gusto mo bang pumayat? sawa ka na ba sa pangungutya ng tao sa paligid mo?ayaw mo na bang ma offeran ng XL sizes na damit? gusto mo bang bumalik sa pagiging balingkinita mo?

napatango ako.

kung oo ang lahat ng sagot mo, baliktarin mo ang papel!

agad kong sinunod ang nabasa ko.

pwes! wala ka nang pag-asa lalo na kung nasobrahan ka! ipush mo nalang at wag na maging assuming!

nailukot ko agad ang bwisit na papel na yun! wala akong ganung papel na natanggap. hay! bigla akong nanliit sa sarili ko. pumasok ako sa opisina ko at tumitig sa full length mirror, sabay sabing

"mirror,mirror,on the wall , whos the fattest of them all?" sabay nalaglag ang isang picture, aba! picture ko ito ah! nakadikit iyon sa taas ng salamin. ganun na ba ako kataba at pati salamin kinukutya na ako?

konsensya 1: ang taba mo na talaga.

konsensya 2: di ah! okay lang katawan mo para sa isang sumo wrestler.

konsensya 3: sexy ka! kaya sarilinin mo nalang ha?

amfuts naman oh! sariling konsensya ko kinukutya din ako?

watudu?

biglang lumitaw ang isang babae, maganda at may magandang pangangatawan,

"omaygash! omaygash! alam ko to, kay cinderella to eh, FAIRY GODMOTHER? ikaw ba yan?"

"gaga! umayos ka nga sheng! aga aga eh.." akala ko yun na yun eh! panira naman ng moment tong si Amor.

"eto yung business proposal na hindi pa na aaprove, i review daw muna sabi ng secretary ni boss para pag abot sa kanya okay na.."

"okey sige. "saka umupo ako ng bagsaka balikat at nakapangalumbaba..

inhale.. exhale.. saka na nga ang problema sa weight, trabaho muna kristine! GOOOOO!

[AMOR]

napaaga ako ng gising dahil wala akong gana matulog ng mahaba, ewan ko ba.. napaaga din tuloy ang pasok ko sa office.

nasa table ko yung mga files na kelangan ibigay kay kristine kaya pinuntahan ko siya sa office niya. di na ako kumatok since kaibigan naman niya ako, at ang gaga! naglulupasay at napagkamalan pa akong fairy godmother. ewan ko ba dito? dalawang taon na simula nung iniwan siya ni dexter pero mukang broken hearted pa din at laging pagkain ang hinuhugutan eh.

kaklase ko si kristine nung fourth year college. natatawa na lang ako pag naaalala ko yung first na pagkikita namin,

flashback..

second sem ng lumipat ako sa Brickstone University, lumipat ako dahil lumipat din kami ng subdivision eh.

pumunta ako sa CR para sana mag retouch ng may marinig ako sa isang cubicle.

"ahuuhuhu.. walang hiya kang kalyo ka,!. i give you all of me.. but you dont give all of you. " mukang babaeng umiiyak.. hay nako NBSB ako kaya di ko alam ang feeling eh.

"sayang yung ipanema at loombands ko Dexter! sayang yung mga inorder ko. dahil sayo nagkaroon ng sugat ang paa ko, dahil sayo ! dahil sayo. kundi mo lang ako iniwan sa dinner date natin sa karinderya sa saktong anniversary natin,"

"i will make you the happiest man alive on earth but what you did is enough to show to me how crazy i am Dexter! you've hurt me that much"

"huhuhu. T_T pero, pwede bang bumalik ka sakin? mahal na mahal na mahal pa rin kita kahit sobrang sakit na eh"

matapos kong marinig ang mga hinanakit nung nasa cubicle, bigla siyang lumabas.

nagulat ako sa nakita ko, butas butas ang kanyang damit, ang dungis dungis niya at sabog ang buhok niya, nangangamoy na din siya, kalat kalat ang makeup at ang lalim ng eyebags,

"He-he-he.. narinig mo ate?"

"yes.. sorry ah, nag retouch kasi ako. ako nga pala si Amor Andag"

"ako si kritine. hehe. iniwan niya ako, huhuhu. may kasama ka ba? pwede bang sumama sayo? "

"ah.fine sige okay lang. pero maghilamos ka muna tapos eto ang suklay at extrang damit oh," binigyan ko siya nung dala kong green lace na dress na extra ko sana ..muka namang nahihiya siya sa una pero tinanggap na din niya.

pagkatapos niyang mag ayos, nagulat ako, ang ganda niya pala kaso muka lang talagang broken hearted eh at may konting ka chubby-han.

inaya ko siya sa canteen dahil nagugutom na kami parehas. sabi ko treat ko na kaya umorder siya ng pagkain, ayy mali! MGA pagkain. pinagtinginan kami ng mga tao dahil tatlong tray ang na order niya. pero okay lang saken na tutuwa pa nga ako sa kanya dahil ang inosente niyang tingnan tapos iniwan lang siya nung ex niya. hay nako, mga lalaki talaga.

"ehehe---*burp*" parehas kaming tumawa ni kristine dahil sa kabusugan niya.

"baka maimpacho ka jan ha?"

"hindi naman, sanay na ako kumain ng ganto. simula ng iwan ako ni dexter, ipinagpalit ko siya sa pagkain no" pero may mga luha na naman na tumulo sa kanyang mata.

"hayaan mo na ang ganung lalaki, he's not worthy for your love."

pagdaan ng panahon, nakagraduate kami at nagkatrabaho. dahil sa hard work niya, napromote siya agad. pero isa ang gusto kong baguhin sa kanya, ang magpakatotoo siya.

end of flashback...

agad kong tinawagan ang isa naming kaibigan na si Rose, sa naisip kong idea.

[hello?]

"hello, Rose.. may kilala ka bang gym instructor?"

[hmm. oo!]

"Great! paki forward naman sakin number niya ha?! thankies!"

[wait, ano bang pinaplano mo?]

"basta. para kay kristine to noh!"

[goodluck kung mapapayag mo si kristine. ciao!]

oo nga.!sana mapapayag ko si kristine dahil sa lahat ng nirecommend ko sa kanya, tulad ng pampapayat na pills, juices, cream at mga equipment na pang exercise, kahit nga pagsali sa zumba, aerobics, ayaw niya talaga.. kesyo daw may trabaho siya, may projects, may meeting, may business proposal, may business trips.. andaming excuses diba? pero ito na ang last, kung di na siya pumayag, hayyy. suko na kami ni Rose.

My XL wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon