KABANATA 02

47 10 0
                                    

"Ai, san ka bang school galing?" tanong sa akin ni heart.

"Homeschooled lang ako noon, mula bata"

Napatitig sa akin ang mga kasama ko dahil sa naging sagot ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa field habang naka silong sa ilalim ng malaking puno. Maganda, malaki, maaliwalas ang kanilang field dahil hindi sya masyadong mainit dahil may malalaking puno sa bawat gilid nito.

"So this is your first time?"

"Nako heart, narinig mo naman diba? Mula bata sya homeschooling lang ang naranasan nya! Asan ba utak mo? MAYGHAAD!"

"Bakit ba? Bawal ba magtanong ha?"

"Pag sinabi ko bang bawal titigil yang butsi mo kakaputok?"

"Anong butsi?" singit ni sheena.

"Yung kinakain na may sesame seeds? Pumuputok pala yon?"- heart

"Jusko ang mga babaeng ito! Wit lang ai ha? Nahulog lahat ng brain cells ko!"

Natatawa ako sa kakulitan ni heart at myles pero si sheena ay nanatiling tahimik lamang.

Kalahating oras din ang itinagal namin rito sa field dahil wala namang ginagawa at nakakatamad talagang bumalik sa room.

Muli kong pinagmasdan si sheena na habang naka sandal sa puno at nakatingin sa kawalan. Maganda sya OO sobra! Ang mahahaba niyang pilik mata, mapupulang labi at matangos na ilong ay ang nagdadala sa kanyang kagandahan. Wala syang make up, simple lang pero may dating.

"Wag mokong tingnan baka malusaw ako niyan?"  Nagulat ako sa sinabi nito kaya napaayos ako at humingi ng paumanhin.

"Oy mga inday! Bibili lang kami ng pudams dahil umiiyak na ang bituka namin, babalikan namin kayo dyan ha!"

"Sige" sagot ko kay heart at myles. Naiwan kaming dalawa ni sheena kaya sobrang weird.Matapos ang limang minito ay nagsalita ito kaya nagulat ako rito.

"Alam mo ba kung bakit sa ilalim ng puno kami madalas tumambay?"

"H--ha?"

"Alam mo ba kung bakit sa ilalim ng puno kami madalas tumambay?"ulit pa nito.

"Bakit?"

"Kase nakakarelax. Masarap mag aral lalo na magpahinga."

"Ahh o-ok-okay."

"HABULIN MOKO ELIZEEEER!!!! HAHAHAHHA!"

Napatingin ako sa pinagmulan ng malakas na sigaw na yon kaya naman napalingon ako kay sheena na naka tingin din sa kanila.

"Kilala mo ba yan?"

"Oo, si Jude yung tumatakbo at yung humahabol naman ay si Elizer."

"Nitong nakaraan pa sila ganyan, Madalas ko silang makitang naghahabulan"

"Ganyan talaga sila, ang totoo tatlo sila. Ewan ko lang kung nasan si Nathan."

"Mababait ba yan?"

"Bakit interisado kaba?" bulong nito.

"Ha?" pagkukunwari kong hindi narinig ang kanyang binulong.

"Oo naman. MINSAN"

"Minsan?" naguguluhan kong tanong rito.

"Kung mabait ka naman sa kanila hindi ka naman nila gagawan ng masama,pero pag trip ka talaga nila ay wala kang magagawa."

"So,ibig mong sabihin silang tatlo talaga ang bullies dito?"

"Hindi,dalawa lang sila."

"Akala ko ba tatlo sila?"

"Tatlo nga,mabait kase si Nathan"

The Man I Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon