"You look so gorgeous ai!" puri ni amira habang inaayos ang buhok ko. Totoo naman atang maganda ako ngayon dahil hindi ko inaakalang may kakayahan pala siya sa mga ganitong bagay pero, naiilang parin ako sa kanya.
Kanina pa kami nakarating dito sa alumna hotel at maya maya pa'y magsisimula na ang selebrasyon. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Messy bun ang ginawa niya sa buhok ko at kinulot-kulot ang mga nakalaylay na buhok. Mayroon ding gold na headband siyang inilagay sa buhok ko at nagdala naman ng kagandahan nito.
"There! Perfect!" Papuring sigaw niya ulit pagkatapos niya akong lagyan ng make-up. Bagay na bagay sa mukha ko ang kulay at mga kung ano pang inilagay niya. Tamang tama rin ang kulay ng aking labi. Natakpan niyon ang namumutla at walang buhay kong kulay ng mukha.
"Maiwan na muna kita ha? Aasikasuhin ko muna ang sarili ko." At doon iniwan niya ako sa aking silid. Malaki ang suit na kinalalagyan namin dahil mayroong dalawang kwarto at sala. Mayroon ding veranda kung saan mo matatanaw ang asul na asul na dagat kasama ang kumukutitap sa puti nitong buhangin.
I didn't expect na ganito kayaman sila heart.
Tumayo ako at tiningnan ang buo kong repleskyon sa napakalaking salamin. I was wearing a white fitted long sleeve dress paired with a high heels. Lumabas ang kurbada ng aking katawan dahil sa damit na ito.Medyo malalim rin ang hati sa gitna kaya medyo kita ang dibdib ko. Backless rin kaya bumagay ang ayos ng aking buhok rito. May mga palamuti ring bumabalot sa sleeves nito at sa itaas na parte ng gown. Above the knee kaya bumagay sa sandals na soot ko.
Pero ang mas ikinapagtaka ko ay ang kung paano ako tratuhin ng aking nakakatandang kapatid.
Nakakapanibago, Nakakapagtaka, Nakakagulat.
Parang hindi siya ang kaharap ko mula kahapon. Parang may sumanib na kaluluwa kanya kaya nagbago ang kanyang ugali, ngunit kung ako ang papapiliin.... Mas gugustuhin kong sumanib nalang ang kaluluwang iyon sa kanya habang buhay.
Medyo mahaba pa ang oras kaya kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang mga social media accounts ko. Dine-activate ko ang twitter ko kaya hindi ko ito medyo ginagamit. Sa ig naman ay wala namang importante maliban sa pagfollow ng mga kaklase ko sa akin kaya finallow back ko sila. I opened next my facebook account and open the notifications bar. Puro tag lang nila heart at sheena kaya chineck ko muna. After doon naman ako sa friend requests. Habang nagscro scroll ay may nagpatigil sa akin.
JUDE EOWEL SENT YOU A FRIEND REQUEST.
HALA? pinatay ko ang cellphone ko pagkatapos kong iaccept ang friend request niya. Tumingin ako sa digital clock. Sobrang aga pa! May isa't kalahati pang oras bago magsimula ang party. Malayo ang suit nila sheena at myles dito. Nandoon sila kay heart samantalang ako dito, nabuburo kakahintay. Kanina, nagkita na kami at inaya nila akong sumama papunta kay heart para ayusan kami doon but I refused.
Sinabi kong nasa kwarto na si ate at siya ang mag aayos sa akin. Nung una ay tinanong pa nila ako kung okay lang ba sa akin na magkasama kami sa iisang silid at kung gusto ko daw ay doon ako sa kanila pero tumanggi ako ulit kaya wala silang nagawa.
Sa sobrang kabagutan ay tumayo ako at naghanap ng mapagkaka-abalahan. Hinubad ko muna ang heels ko at nagsuot ng tsinelas. Sa totoo lang gusto ko munang hubarin itong damit na suot ko at mag roba muna pero baka mahirapan akong soutin ito ng mabilisan mamaya kaya pumunta muna ako sa kwarto ni amira at sinilip siya doon.
Abala siya sa paglagay ng kung ano ano sa mukha niya at nakaroba palang siya. Pumasok ako ng walang pasabi at lumapit sa kanya.
"Pwede ko bang hubarin muna ito?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at tumango. Kaya dali dali akong bumalik sa kwarto ko at hinubad ang dress. Pumunta ako sa cr at binuksan ang isa sa cabinet dito. Kinuha ko ang pink na roba at isinuot sa sarili. Lumabas ako papunta sa mini sala at umupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
The Man I Loved (COMPLETED)
TeenfikceTo the man I loved. © 2020 agl_writesz All Rights Reserved