"YES" sagot ko kay jude. Pinag buksan niya ako nang pinto sa shotgun seat. Siya na 'rin ang nagsara tsaka siya umikot papunta sa drivers seat.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko kay jude habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri.
"Amusement park." Sagot niya. Amusement? Anong akala nito sa'kin bata? Pero nabuhay ang excitement sa loob ko. Ngayon nalang ulit ako makakapunta sa amusement park. Ang huli ko kaseng punta ay noong bata pa ako.
Kung ano ano ang pinag-usapan namin ni jude. Tulad nang course na kukunin niya, and anything tungkol sa personal life naming dalawa.
Medyo malayo 'rin ang binyahe namin kaya wala konti nalang ang liwanag mula sa kalangitan. Inalalayan niya ulit ako pababa saka siya bumili ng tickets. Siya na ang nagbayad dahil siya naman ang nag aya.
"Saan mo gusto sumakay?" Tanong niya nang makapasok kami. Maraming rides sa paligid, marami 'ring tao.
"Ikaw bahala." Tugon ko habang pinapalibot parin ang paningin.
"Vikings?" Aya niya kaya sumang ayon ako.
Mahaba ang pila kaya nag hintay pa kami bago makasakay. Pinili niya ang gitnang parte kahit ang gusto ko ay sa likod. Baka 'raw kase ay masuka siya.
Siya ang nag-aya rito tapos..takot naman pala, amp.
Naka yakap siya sa braso ko habang ang mukha ay naka siksik sa aking leeg. Nakapikit pa at pinag papawisan kahit malakas ang hangin na sumasalubong sa amin. Natatawa naman akong bumaba habang siya ay nakahawak sa kanyang ulo.
"Okay ka lang?" Pigil na tawa kong tanong. Huminga siya nang malalim tsaka tumango. Nag pauna siya sa paglalakad kaya sumunod akong tumatawa pa'rin.
Ibang klase, nakaka tatlong rides palang kami ay nanghihina na si jude! HAHAHAHA! Gusto niya 'raw muna magpahinga kaya umupo kami sa bench. Binilhan ko siya nang tubig tsaka inabutan nang malinis na panyo.
"Grabe! Hindi ko inexpect na nakakatakot pala ang mga rides na'yon!" Aniya matapos maubos ang isang bote ng tubig.
"Ang lakas mong mag aya tapos takot ka naman pala!" Pang uuyaw ko rito.
"Anong malay ko, eh first time ko 'toh!"
First time?
"What do you mean na first time?" Kunot noong tanong ko rito.
"Dati kase, wala kaming oras para sa ganito. My parents are always busy kaya ayon."
"Eh bakit ngayon mo lang naisipang pumunta? Eh pwede mo namang isama ang mga kaibigan mo."
"I want to experience new things with the woman I love." Diretsang aniya na nagpabilis nang tibok ng aking puso.
Lord.
"And that was you." Dagdag pa niya.
Lord naman eh! Bakit ganitooo? Napaka straight to the point naman nito ehh! Lord konting tulong naman diyan ohh... Huhuu.
"Gusto mo bang kumain?" Pag iiba niya nang usapan. Tumango naman ako saka kami pumunta sa stall ng pizza. Umorder kami ng isang box na may limang laman. Two bottled water tsaka donuts.
Sumakay pa kami nang ibang rides bago ang Ferris wheel. May fireworks display 'raw ngayong gabi kaya pinag usapan talaga namin ni jude kanina na ihuli ang ferris wheel.
"Ai, kung papaliliin ka, sa dalawa lang ha." Ani jude nang mag umpisa nang umangat ang ride.
"Okay, what is it?"
Huminga muna siya nang malalim tsaka hinawakan ang kamay ko. Malapit na kami sa tuktok at anumang segundo, mag sisimula na ang pagputok ng fireworks
BINABASA MO ANG
The Man I Loved (COMPLETED)
Teen FictionTo the man I loved. © 2020 agl_writesz All Rights Reserved