"We need to tell this to ai, as much as possible." Ani ko kay ate amira nang marinig ang buong kwento.
"Ikaw.. ikaw ang magkwento... Kaya ko sinabi sayo para ikaw ang mag-kwento." Tugon niya. Kaagad na gumapang ang kaba sa aking katawan. Wala pa man, naiisip ko na kaagad ang magiging reaksyon niya.
"Please jude." Dagdag pa niya.
"O-okay." Sagot ko saka siya iniwan dahil magdarasal pa'raw siya. Dumeretso ako sa kwartong sinabi ni ate amira saka pumasok. Naabutan ko doon si tito at tita na nag uusap.
"Hello po.." Bati ko sa kanila. Kaagad naman silang humarap sa akin saka ngumiti. Nag paalam rin sila na kakain muna tsaka sinabing ako na muna ang magbantay kay ailee.
Hindi parin siya gumigising. May mga naka kabit na kung ano ano sa kaniya. Kung hindi dahil sa akin... Wala siya rito...
"L-love..." Tawag ko sa kaniya na para bang naririnig niya iyon. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniyang kamay saka iyon hinalikan.
"Please wake up... Please." Bulong ko sa kaniya. Nagsimula nang tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Kinuwento ko rin sa kaniya lahat. Lahat lahat... Umaasa na para bang naririnig niya iyon.
Maputla ang kaniyang labi, ganon din ang kaniyang mukha. But she's still pretty. This is the girl I love.
She's the reason why I keep fighting everyday.
She's my everything...
----------------------------------
AFTER 4 YEARS~AILEE
NASA kalagitnaan ako nang pakikipag usap sa blockmate ko nang marinig kong maghiyawan ang mga kaklase ko mula sa aking likod but I didn't mind them. We kept chitchatting about something.
Kaagad na sumakit ang aking tenga nang marinig ko nanamang maghiyawan ang mga ka block mates ko kaya lumingon na ako but.... Nagulat ako nang makita si jude sa likod ko.
He's wearing a button down polo tucked in on a black slacks. May hawak rin siyang isang bugkos ng bulaklak sanhi para bumilis ang tibok ng puso ko.
"L-love?.... Omg! Love?!!!!" Sigaw ko saka patakbong lumapit sa kaniya para yumakap... Kababalik lang niya galing sa ibang bansa.. Doon siya nanatili for one year but naguusap parin kami.
Yes, kami parin. After the challenges and problems came through our life... We're still together.. Both reaching our dreams.
"I missed you!!!!" Ani ko pa. He didn't tell me na uuwi na siya! Like fuck! Nag usap lang kami kanina para batiin ang isat isa dahil fourth aniv na namin ngayon. But looked, nandito siya sa harap ko!
"Happy anniversary.." aniya tsaka hinalikan ang noo ko. Ughh... I missed this. I missed being with him. Mula nang mangyari ang insedente noon, hindi na niya ako iniwan.. kahit nga malayo siya, hindi parin niya ako pinapabayaan kahit ang pamilya ko.
Kahit hindi ko sila tunay na kadugo... Mahal na mahal ko sila. They never let me feel sad kapag naaalala ko ang lahat. Nanatili sila. Simula nang malaman ko ang lahat, mas nagkaroon ako nang dahilan para manatili sa tabi nila.
And also my friends.. kahit magkaka layo layo kami ngayon.. Alam kong gagawa at gagawa kami nang paraan para magkita kita ulit. Myles and sheena was in london while heart was in japan. I'm so happy for them.
"Happy anniversary.. I love you" bulong ko. Hindi ko iniisip ang mga tao sa paligid na puro hiyawan.
" I love you too." Bulong niya.
Wala na akong maihihiling pa. Siya, kaibigan at ang aking pamilya ay ayos na sakin. Bastat masaya ako..
Keep fighting self!
THIS IS AILEE LAURENT ALCAMEZ, THANK YOU FOR READING MY STORY.
BINABASA MO ANG
The Man I Loved (COMPLETED)
Teen FictionTo the man I loved. © 2020 agl_writesz All Rights Reserved