KABANATA 17

9 3 0
                                    

HINDI ko alam kung tama ang ginawa ko. Hindi ko 'rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko kung bakit ko sinabi ang mga katagang iyon, basta ngayon... Gumaan na ang pakiramdam ko. Wala na yung bigat sa pakiramdam ko tuwing kasama ko siya.

Sarap pala umamin sa taong gusto 'mo... Sa kusina BWAHAHAHHAHA!

I watched her play the game, the challenges. Parang ang galing galing niya sa bawat pagsubok na ginagawa namin. Wala siyang arte. Kanina, may bulateng mula sa kabilang Tupperware at kailangang ilipat iyon sa kabila. Malalaki  gusto kong tumabi sa kanya ngunit lumipat siya ng pwesto, ngayon ay nasa kwarto siya at mukhang nagpapahinga.

Hindi niya rin ako kinakausap, at sa tuwing magtatanong ako, lilingon siya kila sheena at magsisimulang makipag usap.

Syempre masakit sa 'yon sa parte ko pare. Ikaw ba naman iwasan ng babaeng gusto mo? Tapos pagkatapos 'mong umamin......

Iiwasan ka.

"Oy,ano tuloy ba tayo sa falls?" tanong ni heart habang nandito kami ngayon sa tinutuluyan namin at nagpapahinga. Ala-una palang dahil maaga kaming natapos kanina. Mamaya pang gabi ang activity kaya nakatengga kami.

"Hoy anong falls 'yan? Bakit wala kaming alam diyan? Nagsasarili kayo, 'ha!" Asik ni eli.

Ang hilig magsarili nitong mga 'toh! Kahit ako ngayon ko lang 'rin nalaman na maliligo pala sila? At may falls ba dito? Tsaka bakit sila lang ang nakaka alam? Ibang klase!

"Weh, wala na. Hindi 'man lang kayo nagsabe. Isama niyo kame!" dagdag ko. Dapat isama kami! Lalo na ako! Sa gwapo kong 'toh? Hindi nila ako isasama? Nako nako.

"No! It's just for us! Right?" Ani eriza habang nakatingin kila heart. Kung maka asta akala mo close sila! Parang nung nakaraan lang hinila niya ang buhok ng babae ko! Hmpf!

"Babe,isama niyo kami please?" Dagdag pa ni nate habang naka kandong sa kanya si heart.

Ang clingy naman nito sa isa't isa! Kapag ako nagka jowa, hindi lang kalong gagawin ko.

"Oo naman, sige sumama kayo." Tugon ni heart sa kanyang nobyo.

"Ano tara na?" Yaya ni sheena nang matapos kaming lahat sa pag aayos. May banyo 'raw roon kaya nagdala na 'rin kami ng damit. Pagkain at kung ano ano pa.

"Hey, hindi 'daw sasama si ai." Ani heart nang makalabas siya sa kanilang silid.

Hindi sasama? Bakit? Akala ko ba nakapag plano na sila kahapon tapos ngayon hindi siya sasama? Ano bayan! Edi walang silbi ang pagsama ko doon!

"Bakit 'raw?" tanong ko.

"Ewan, ayaw niya lang 'daw. Pinipilit nga namin kanina kaso ayaw talaga."

"Ang pabebe ni mama mo ha!" sagot ni myles sa sinabi ni heart.

"Kailangang may maiwan dito para may kasama si ai." Saad ni nate. Nagkanya kanya namang reklamo ang mga kasama namin kesyo gusto 'raw nila sumama at ienjoy ang pananatili namin dito. Kahit ako ay gusto ko 'ring sumama pero walang kasama si ai...

"Ako nalang." Seryosong sagot ko.

"You, sure du-"

"Oo." Putol ko sa kanya tsaka ako dumeretso sa aming kwarto.

Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Dati ay wala akong pakialam sa mga babaeng nakaka landian ko. Iba si ai, hindi ko naman siya naka landian. Iba talaga ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Tama ba 'to? Parang sumusobra naman ata... Diba dapat hindi ako ganoon magpapansin sa kanya dahil hindi naman kami? Ang bobo ko.

The Man I Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon