"LORD, parang awa niyo na po... Huwag niyo naman po sana hayaang mawala ang babaeng mahal ko...Nakikiusap po ako..." Lumuluhang ani ko habang naka luhod sa chapel ng hospital.
This is all my fault. Kung hindi ko siya iniwan mag-isa, hindi iyon mangyayari sa kaniya. Hindi ko matanggap na nangyari iyon sa maikling minuto lamang. Dapat ay hindi ko siya iniwan.
Hindi dapat siya nabaril...
Hindi dapat siya nandito ngayon...
Hindi dapat siya nawalan ng maraming dugo...
Hindi dapat siya nakikipaglaban sa kamatayan ngayon...
"Please, I'm begging. Huwag niyo siyang kuhain sa akin.... Minsan nalang po ako maging masaya,,, huwag niyo naman na po sana tanggalin ang kasiyahan ko." Bulong ko.
I don't want to lose her....
"Jude." Rinig kong tawag sa pangalan ko.
Nang lumingon ako, nandoon si ate amira. Her hair was messed and her eyes have this red thing, maybe because of crying. She walked towards me tsaka umupo.
"How's ai?" Iyon kaagad ang unang lumabas sa bibig ko.
"She's okay now. Inilipat na siya ng kwarto." Aniya. We've been here for 13 hours. Tila lumundag ang puso ko sa saya, tsaks tumayo para puntahan sana siya ngunit pinigilan ako ni ate.
"I need to talk to you."
"About what?" Kunot noong tanong ko.q
"About ailee." Tugon niya. Umupo ulit ako saka nakinig.
"What about her?"
"I know everything."
"Everything? What everything?" Naguguluhan na ako.
"I know why ailee's here. I know who's the one who almost killed her...."
"S-sino?" I stuttered.
"Alam mo ba kung bakit kita pinayagang ligawan ang kapatid ko kahit mag-pinsan tayo?..."
"W-why? Deretsuhin mo nalang ako. I want to see her already!" Asik ko. Gusto ko na siyang makita at bantayan. Gusto ko 'ring ako ang makikita niya kaagad kapag dumilat na siya.
"Because... Adopted lang siya nila mom." Aniya na ikinagulat ko.
"Hindi talaga kami magkapatid. Hindi kami magkadugo. Kahit konti wala." Saad niya.
"W-what?"
"Iniwan siya sa amin ni lola mel.... Inilayo ng katulong ng pamilya ni ailee si ai. Namatay yung tunay na magulang ni ailee on their way to london. Si ailee lang ang nakaligtas non. Sobrang yaman nila. Mas mayaman pa sa pamilya natin."
Si lola mel yung lola namin sa province. She's the one who bring ailee to our lives? Pero bakit hindi nalaman ng pamilya namin yon?...
"Bakit inilayo? Bakit sa atin? Bakit hindi namin alam? Bakit hindi niyo pinakilala si alee no-"
"Isang anak lang si ai. So sa kanya mapupunta ang mana, lahat lahat. But, her family was sick of her. Galit sa kaniya ang mga kapatid ng namayapa. They can't accept the fact na kay ailee lang mapupunta." She cut me.
"They tried to kill ai, para sa kanila mapunta lahat ng yaman. But luckily... One of their maid saved her life. Bago pa matuloy yung plano, naitakas na si ailee. Dinala nung maid kay lola si ai."
"But, bakit kay lola?" I asked, full of curiosity.
"Kakilala ni lola yung maid. Kinuwento niya lahat nang nangyari kay lola. Hindi naman pwedeng yung maid yung mag alaga diba? Mas lalong hindi si lola...So lola helped that maid. Ibinigay kay mama si aliee. Nung una nga dapat sa inyo pero tumanggi kaagad ang dad mo dahil hindi naman daw kaniya iyon at mas lalong hindi kaano ano."
Dad knows about this?!
"Tinry den ni lola sa ibang anak niya but she failed. Si mama lang ang pumayag. Siya lang dahil gusto na niya akong sundan. And I always want to have a baby sister pero may diperensiya sa matres niya. Gusto rin naman ni dad kaya kinupkop na namin si ailee."
"Inalagaan, binihisan, tinuring na kapamilya. Pero one day, we received an email from nowhere. Nakalaad doon na itago namin si ailee. Syempre nung una hindi kami naniwala but we received another.... Kukunin raw nila si ailee kapag hindi namin siya itinago."
"Doon palang, pinatigil ni dad si ailee sa school. Mas pinili nilang i homeschool para mas safe. Lumipat rin kami para hindi kami kaagad mahanap. But one night, a girl came to our house. Sabi niya na kung hindi namin sasaktan si ailee, kami ang papatayin ng mga kamag anak niya. We need to send evidence. Dad's need to be cold and rude pagdating kay ailee. Ako ang naatasang manakit sa kaniya. Ayaw ko man, pero may nakabantay sa akin."
"Nalilito ako... Bakit kailangang saktan si ailee?" Bumuntong hininga siya saka nagpatuloy ng kwento.
"They want ailee to experience hell from our owm hands. Dahil kung hindi kay ailee, hindi mamamatay ang mga magulang niya. Ako man ay nalilito din kung bakit... Mas pinili kong hindi maki alam."
"Kaya rin ako nawala nang mahabang panahon dahil nagtago ako. Umalis ako. Dahil ayoko nang saktan si ailee. Ayoko na siyang makitang nagmamakaawa saakin... Ayoko na siyang makitang nahihirapan sa sarili kong kamay... Bumalik lang ako nang malaman kong pinapayagan na nila dad si ai na pumasok... I came back to protect her. Natakot man ako na hindi niya patawarin, mas pinili ko yung kapakanan niya... Ailee forgave me... She's our little angel... Kaya ayoko na siyang makitang nahihirapan." Aniya saka pinunasan ang luhang kanina pa tumutulo.
Maski ako ay lumuluha narin dala ng emosyon. Hindi ko akalaing, ganon kagulo ang buhay niya. Naaawa ako sa kaniya... Kaya kailangan kong manatili sa tabi niya... Kailangan ko siyang bantayan...
Hindi bale, hinding hindi ko siya pababayaan...Hindi ko ipaparanas sa kaniyang masaktan. Dahil siya ang nagbibigay lakas sa akin.
Ngayon, mas binibigyan pa niya ako nang dahilan para mas protektahan at mahalin siya....
I love you, ailee.
--------
A/N;Epilogue next :)
BINABASA MO ANG
The Man I Loved (COMPLETED)
Teen FictionTo the man I loved. © 2020 agl_writesz All Rights Reserved