HINDI ma proseso sa utak ko ang aking nakita, ano ang ibig sabihin 'non?! Di-nm ko si jude para magtanong na kaagad naman niyang sinagot.
@Its_ailaurent: hey...
@Jdwl: yoooow!🤪
Nakakahiya.. dapat ko pa bang itanong 'yon? Baka naman yung background talaga tinutukoy niya at hindi ako? Baka nagpi feeling lang ako?
Hindi ko na siya nireplyan dahil ayoko nang humaba ang usapan namin. Chinarge ko nalang ang phone ko tsaka lumabas. Habang pababa ako ng hagdan, narinig kong may kausap si ate sa telepono..
"What? Akala ko ba okay na?! Tapos ngayon kinukulit niyo nanaman ako!" mahinang sigaw niya pero narinig ko.
Anong pinag uusapan nila?
Imbes na pansinin pa, bumaba na ako at kumain. Habang nasa gitna ako ng pagkain, pumasok si ate sa kusinang seryoso ang itsura.
"Are you okay?" tanong ko rito. Sanay naman ako na ganyan siya simula pa date pero ngayong okay na kami, malamang may pake na ako.
"Yes."tipid niyang sagot.
"You sure?"
"Yes."
Tiningnan ko siya ng may pag aalala pero maya maya, hindi ko na iyon pinansin pa. Mukhang bad mood baka madamay pa ako.
----------------++-------------------
AMIRA
[I told you.. be careful with your actions amira! Kapag nalaman nila na okay na kayo, paniguradong... Sisimulan ka nanaman nila.] Saad ng nasa kabilang linya.
"What? Akala ko ba okay na?! Tapos ngayon kinukulit niyo nanaman ako."ani ko. Matapos ang ilamg taon kong nanahimik dahil ayoko na, ngayon nag uumpisa nanaman sila!
[Bantayan mo nalang maigi ang kapatid mo amira.."] at doon namatay ang linya.
Lahat naman na ginawa ko, kagaya nung sinabi nila.. saktan ko si ai, pahirapan ko siya.. ginawa ko na.. kahit labag iyon sa loob ko. Bugbog, tutukan ng kutsilyo, pakainin ng kung ano anong madumi, gupitin ang buhok at diinan iyon hanggang magsugat..at pagtangkaan ang buhay niya na hindi ko ginawa.. ano pa bang gusto nila? Bakit ayaw nilang ipaalam na si ai ang...
"Are you okay?" rinig kong tanong ni ai. Ni hindi ko namalayan na nandito na ako sa kusina...
"Yes." Tipid kong sagot.
"You sure?" Paniniguro niya. Halata sa kanyang itsura na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya lahat pero.. natatakot ako, hindi para sa sarili ko ngunit para sa kanya..
"Yes." tsaka ako ngumiti ng pilit.
Hindi ako makapaniwala na kahit sobrang sakit o hirap ng ginawa ko sa kanya noon, nagawa parin niya akong patawarin.. isang hingi ko lang ng tawad, niyakap na niya kaagad ako...
Sadyang kay bait talaga nitong taong 'toh.. tapos sinaktan ko lang? At sasaktan ko ulit kapag nalaman na niya ang lahat? Hindi sa paraang pisikalan, pero ano nalang ang mararamdaman niya?
Malalaman mo 'rin ang lahat ai......
Sobrang lapit na...
-----------------++-------------------
AILEE
BUKAS na ang camping, nakapag-handa narin ako, kinakabahan at excitement ang nararamdaman ko dahil first time kong gagawin ito.
"Tingnan kaya natin yung mga magkakasama sa isang grupo?" suhestiyon ni heart. Lahat kaming mag kakaibigan ay kasama, pero hindi lahat sa aming room ay sumama.
BINABASA MO ANG
The Man I Loved (COMPLETED)
Teen FictionTo the man I loved. © 2020 agl_writesz All Rights Reserved