HANGGANG ngayon, iniisip ko parin yung sinabi ni dada kanina. Paikot ikot ako sa kama at sinasabunutan ang sarili.
"Hindi pwedeee! Ano nalang sasabihin ni myles?! Lagi nalang siya ang nasusunod! Kung gusto niya siya ang makipag-landian kay myles!" mahinang sigaw ko at umikot ikot ulit.
Nang hindi makatulog ay kinuha ko ang cellphone ko para i-chat si sheena.
Ailee Alcamez: Sheena.
After I sent the message, naghintay ako nang ilang minuto. Sana gising pa toh!
"Sheena Roberts: oh?"
"Ailee Alcamez: Gising ka pa?" Biro ko.
"Ailee Alcamez: call, important" dagdag ko pa nang i seen nya lang ang message ko.
"Sheena Roberts: k."
Cold naman.
Tinawagan ko siya at sinagot naman niya.
"Hello?" sagot niya na halatang nagising mula sa paghimbing dahil alas dose na rin nang hating gabi.
"Sheena"
"Oh bakit?! Gabing gabi na!" nailayo ko sa tenga ko ang cellphone dahil sa sigaw niya, naiinis.
Chill!
"May sasabihin ako."
"Siguraduhin mong importante yan ha! Kokotongan talaga kita kapag nagka eye bug ako!"
"Si dada."
"Oh ano meron?"
"Diba kanina kausap niya si myles?..... Sabi niya... Ano...." kinakabahan ako kung sasabihin ko ba dahil baka tawanan niya ako.
"Ano sabi?"
"A-ano, ah-ahh a-"
"Puro ka ano diyan! Paano ko malalaman?"
Shit naman ai! Simple simple lang hindi mo pa masabi!
"Dad, want myl-"
"OMG! BAKLA ANG DADI MO?!" sigaw nanaman niya. Hindi nako magtataka kung mabingi ako nito! Punyeta... Sana kase patapusin muna ako diba? Letse.
"Gaga hindi yon, dad want myles for me." tumahimik siya pagkatapos kong bitawan ang mga katagang iyon.
"Paki ulit nga?" sabi nito at tila nagugulumihanan.
"He want myles for me." ulit ko. Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit iyon pumasok sa utak ni dad.
"Hala ka! Eh mas babae pa yun sayo ah?"
"Oo nga pero kase, kapag nalaman ni dad na beki si myles, paniguradong sasabihin niya yon sa mga magulang niya..... Si dad pala ang naging abogado nila noon nung minsang mag karoon nang kaso yung tatay niya." Eksplinasyon ko. Ikinuwento iyon sa akin ni mama kanina.
"Paano yan? Anong gagawin natin?"
Natin?
"Anong natin? Problema ko toh okay?"
"Gaga! Syempre damay kami!"
Oo nga pala! Natural na madadamay sila dahil magka-kaibigan kami.
"Bukas nalang natin yan pag usapan.... May naisip ka na bang regalo kay heart?" She asked... Speaking of that, wala pa akong naiisip..
"Ano kayang magandang iregalo sa kanya?"
"Aba malay ko, ako meron na... Omorder nalang ako online. Baka sa wed dating non."
"Ah ganon ba? Sige sige. Bye na."
BINABASA MO ANG
The Man I Loved (COMPLETED)
Teen FictionTo the man I loved. © 2020 agl_writesz All Rights Reserved