CHAPTER 4
Delaney’s POV
Paano na yan? Paano ko pakikiusapan yung Zeik na iyon? Magmemeryenda nalang ako. Tumayo na ako at akmang kukunin ko na sana yung bag ko pero nakatali naman. Sino namang demonyo ang magtatali nito kainis!! Nagugutom nako. Napatingin ako sa likod ko ng may narinig akong tumawa. Sinasabi ko na nga yung demonyong mayabang na Zeik ang may gawa nito
“Talagang wala kang magawa sa buhay mo ah” sigaw ko sa kanya
“Miss I don’t care who you are. Tinali ko bag mo kase ang cheap haha” mas lalo akong nagalit at dumiretso sa kanya at walang sabi kong tinapakan ang sapatos niya ng pagkalakas lakas “ouch” sabi niya
“Sorry Mr. Arrogant ang dirty kase ng sapatos mo eh!” sumbat ko.
Akmang papatulan niya ako ng pigilan siya ni Blake “Bro stop it tara na sa cafeteria nagugutom na ako” haayyyy my super hero ang cute niya at ang bait pa pala
“Pasalamat ka” usal ulit ni Zeik.
Inirapan ko siya at pumunta narin ako sa cafeteria. Habang papunta ay nakasabay ko si Chelsea.
“Buti ka pa kapair mo si Blake” sabi ko, ngumiti naman siya kaya mas lalong sumingkit mata niya
“Oo nga eh pati rin naman ikaw ang pogi nung kapair mo” sabi niya
“Swerte? malas kamo tara na nga”.
Ang sosyal naman ng cafeteria dito, sarap pa ng pagkain. Yung canteen namin dati paulit ulit yung putahe puro pansit at lomi haha anyways afford ko naman mga pagkain dito sa cafeteria pero yung mga mura lang
“So Delaney kalian niyo balak simulant ni Zeik yung reporting?” tanong ni Chelsea habang nagmemeryenda kami
“Ewan ko di ko nga alam kung paano ko pakikisamahan yun” kung bakit ba kasi ako yung malas na nakapair nun
“Ay ganun ba kami kasi ni Blake magkikita kami sa café eh dun kami tatambay” nakakainggit naman
“Alam mob a na crush ko si Blake” pa gamin ko kay Chelsea
“Talaga?” gulat niyang sabi
“Oo ang bait niya eh bukod doon cute pa”
“Akala ko si Zeik yung crush mo kase mukhang nagulat ka nung pumasok siya sa room” sabi niya huh? Naku Chelsea kung alam mo lang, kung alam mo lang talaga
“Nagulat ako kase ang yabang niyang tignan” saad ko
“Girl alam mo bang sobrang yaman ng pamilya nila Zeik” siyempre nakapagaral nga siya dito tulad mo eh. Mayaman din kasi si Chelsea may boutique sila at may iba pang business.
“Gaano kayaman?” curious kong tanong
“Pamilya sila ng doctor tapos may hospital sila at sobrang laki na nun. Yung Dizon Medical Hospital” napahanga naman ako
“Paano mo nalaman?” tanong ko ulit
“Kaklase ko sila since senior high school ako” ahh kaya pala “Bukod sa hospital may pharmaceutical din sila Zeik” dagdag pa niya
“Eh si Blake mayaman din ba?” tanong ko ulit
“Oo naman no. Kaibigan ba ni Zeik kung hindi mayaman.”
“Eh ano namang business nila?” tanong ko
“Si Blake lang naman ang may ari ng University na to.” Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko dahil sa pagkamangha.