CHAPTER 13
Delaney’s POV
Nandito na ako ngayon sa bahay kasama si mama nang bigla siyang nagtanong.
“Oh musta na si Zeik?” mama asked
“Ayon ma hindi parin siya nagiging okay hanggang ngayon sabi ng doctor nasa kritical daw ang kondisyon niya ngayon” naiiyak kong sagot sa tanong ni mama.
“Hayyy, sana naman magiging okay na siya, pag dasal nalang natin na gumaling siya, may awa naman ang Diyos” sabi ni mama
“Sige po ma, punta muna ako sa aking kwarto” sagot ko sa kanya. Andito na ako ngayon sa kwarto at umiiyak, pinipigilan kong marinig ang hagulgol ko ngunit di ko mapigilan dahil sa kakaisip at pag aalala sa kanya.
“Tama na Delaney gagaling din si Zeik” sabi ko sa aking sarili ng biglang pumasok si mama sa aking kwarto.
“Anak okay ka lang ba?” tanong niya na mas lalong nag paiyak saakin, lumapit siya saakin at niyakap ako. Sabay sabing “Kain na anak.” Akala ko pa naman dadamayan niya ako yun pala aayahin lang pala niya akong kumain.
“Kayo nalang ma wala akong ganang kumain”
*Fastforward*
Dito sa kusina, ayaw ko sanang kumain kaso pinilit ako ni mama sabi niya baka mag alala si zeik pag di ako kumain. After thirty minutes bumalik ako sa aking kwarto para matulog. Ngunit hindi ako makatulog kaiisip ko kay Zeik umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.
“Anak Delaney” napabalingkwas ako ng marinig ang pag katok ng pagtawag sakin ni mama
“Kanina pa kita tinawag akala ko kung napano ka na” sabi ni mama. Ang bilis naman ng tulog ko sabagay late naman ako natulog dahil ka Zeik. Nagtungo ako sa banyo para maligo para madalaw ko si Zeik baka sakaling gising na siya. Binilisan kong mag palit at di na ako nakapag suklay, patakbo akong lumabas ngunit pagbaba ko nandoon pala si Leigh.
“Ohh leigh bakit ka naparito?” tanong ko sa kanya
“Magpapasama sana ako sayo kung pwede” biglaan naman ‘tong bruhang to
“Pero… may pupuntahan kase akong Leigh eh” sagot ko
“Kailangan ko lang ng kasama sige na Delaney tara na” sagot ni Leigh itetext ko nalang mamaya si Blake or si tita na may pupuntahan ako saglit.Leigh's POV
Habang palabas kami napapaisip ako kung saan ko ipupunta tong bruhang to
“Leigh saan ba tayo pupunta?” tanong niya. Saan nga ba? Nako Leigh isip ka isip…….
“Ahhh basta” sabi ko sabay ngiti sa kanya. Paano ko ba to mapapasaya? Si tita naman kase tatanggihan ko sana ehhh kaso naaawa na ako dito .
*Flashback*
Papunta na ako sa school ng biglang tumawag si tita
“Hello tita, bakit po?”
“Leigh si Delaney kase hindi pa kumakain nasa kwarto siya palagi, pwede mo ba siyang ilabas minsan? Nag aalala na din kase ako ehh” sabi ni tita hayysss pano ba to? Sabay hinga ng malalim
“Sige tita bukas nalang po”
“Sige anak salamat ingat ka “ paalam ni tita saakin.
*End of flashback*
Pinunta ko si Delaney dito sa mall wala kase akong maisip na pupuntahan namin eh.
“Delaney tara kain tayo gutom na ako nagmamadali kase ako kanina” sabi ko sa kanya with matching pa cute
Hooo tumalab ka ngunit hindi ata to nakikinig saakin eh panay tingin niya sa kanyang cellphone nako Delaney
“Huuuuuuyyyy” tawag ko sa kanya sabay hampas sa kanyang braso
“Sabi ko kain muna tayo kase sobrang gutom na ako” sabi ko sa kanya
“Ahhh sige tara na” nagtungo kami sa isang restaurant pag pasok namin ay dumiretso nalang siya sa upuan. Nag order nalang ako ng makakain namin pag dating ko sa kinaroroonan niya ayyy nakayuko lamang siya
“Huyy ang pangit itsura mo umayos ka nga” pabirong sabi ko sa kanya
“Kumain ka na nga”
“Leigh uwi na tayo di pa kami nagsisimulang kumain nag yayaya na ito, nakita ko sa kanyang naluluha siya kaya tumayo ako at niyakap siya
“Magiging okay din siya Delaney” pag alo ko sa kanya ngunit lalo siyang naiyak
“Tara na iuuwi na kita” umuwi kaming malungkot siya.