CHAPTER 8
Delaney’s POV
Huh? Ano daw? Baliw na ba tong Zeik na ‘to?
“Anong sabi mo?” gulat kong tanong sa kaniya. Grabe bakit biglang nag init ang pisngi ko.
“Wait hwag dito tara” sabi niya sabay aya sakin at pilit pinapasakay sa koyse niya.
“Teka nga Zeik ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?” pagalit na tanong ko.
“Basta” sagot niya
“E di aabsent na ako sa first period natin” pagdadahilan ko.
“Hwag kang mag alala ako bahala sa atin tinext ko na si tita yung nanay ni Blake at pinaexcuse tayo”sagot naman niya. Nakalimutan kong may koneksiyon pala tong taong ‘to.
“Basta chill ka lang diyan at hwag ka munang magsalita at magpapaliwanag ako mamaya” dagdag pa niya.
Hinayaan ko nalang siya magdrive. Saan naman kaya ako dadalhin ng taong ‘to? Iniisip ko parin yung sinabi niya kaanina totoo kaya yun. Gusto ko rin siya pero iniisip ko paano na si Blake. Anong mararamdaman niya? Di ko namalayang nakatulog pala ako.
Zeik’s POV
“Nandito na tayo” pagtawag ko sa kaniya.
Binalingan ko siya ng tingin at ayun tulog na tulog pala. Habang nakatulog siya ay tinititigan ko lang ang mukha niya. Ang ganda niya para siyang anghel hindi ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan ehh basta noong first encounter namin na starstruck na ako sa kaniya. Palaban kase siya tapos matalino pa. Noong groupings kinausap ko yung prof. namin para kami yung magkapair. Sinadya ko din siyang papuntahin dito sa bahay ewan ko ba sa sarili ko. Noong pumunta siya ng bahay ang ingay niya haha ayaw ko ng maingaay pero kapag si Delaney ang nagiingay gustong gusto ko. Di ko napansin hulog na hulog na pala ako sa kaniya. Yung tipong pagpasok sa umaga inaabangan ko siya sa gate. Kaya nga palagi kong sinusungitan kase ayaw kong makahalata siya at baka iwasan niya ko. Okay na ako kahit sigawan niya ako. Sapat na sakin yung ganito, yung lihim ko siyang pinagmamasdan pero bigla akong natakot ng bigla niya kong tinext na manliligaw daw si Blake sa kaniya. Doon ako naalarm, doon na ako nagisip. Agad ko noong kinausap si Blake.
*FLASHBACK*
“Blake” pagtawag ko sa kaniya
“Ohh bakit pre” tanong niya.
“Totoo bang liligawan mo si Delaney” seryosong tanong ko
“Liligawan ko sana kaso ayaw niya eh” sagot niya
Huminga ako ng malalim….
“Blake gusto ko rin si Delaney” pagtatapat ko. Napabaling siya sa akin at gulat na gulat.
“Talaga?” gulat na tanong niya“Oo gusto ko rin siyang ligawan kung bibigyan niya ako ng pagkakataon” sabi ko.
“Sige pre wala naman akong magagawa eh kung ikaw ang gusto niya at bibigyan ka ng chance ay okay lang sa akin” aniya . Sobrang bait talaga ng kaibigan kong ‘to.
“Sige pre salamat” sabi ko.
*END OF FLASHBACK*
Delaney’s POV
Nagising ako sa paggising ni Zeik sa akin.
“Halika na” pagtawag niya sa akin.
Nilibot ko ang paningin ko wow!! Ang ganda. Hindi ko alam kung saang lupalop nya ako dinala pero ang ganda naman dito. Ang presko ng hangin, may bench sa ilalim ng puno tapos napapaligiran ng bulaklak mga iba’t ibang klase ng bulaklak basta ang linis ng paligid nakakarelax.
“Upo na” aya niya saking umupo. Pagkaupo namin sa bench ay sumipol sa dibdib ko ang ibang klaseng kaba
“Zeik abo nga ulit yung sinabi mo kanina?” tanong ko. Huminga siya ng malalim.
“G-u-s-t-o ki-t-a Delaney” utal niyang pagkakasabi.
Wala akong masabi. Napamulagat nalang ako. Seryoso? Yung lalakeng kinaiinisan ko magkakagusto sa akin? Just wow! I cant imagine.
“Zeik nagbibiro ka ba?” tanong ko
“Mukha ba akong nagbibiro Delaney?” pabalik na tanong niya sakin. Parang hindi kapani paniwala.
“I don’t know how, I don’t know why but I love you Delaney please give me chance to prove it to you” aniya. Wait parang hindi pa naprocess ng utak ko.
“Pero paano si Blake?” tanong ko
“Sinabi ko na kay Blake okay daw sa kanya kase nasa sayo ang desisyon” sagot niya. Sobrang bait talaga ni Blake. Masaya ako kase pareho lang kami ng nararamdaman ngayon selfish na kung selfish gusto ko ring sumaya kaya kukunin ko na ‘tong pagkakataon na ito.
“Zeik mahal din kita” pagtatapat ko. Namilog ang mga mata niya at bakas ang tuwa.
“Talaga?” tanong niya
“Oo hindi ko na alam kung bakit at paano” sagot ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin ng napakahigpit.
“Oh di tayo na?” masaya niyang tanong
“What? Di ako papayag no. manligaw ka muna” sabi ko.
“Ano?di ba mahal mo din ako? Tapos gusto mo ligawan pa kita?” naguguluhang usal niya
“Ehh gusto ko munang maranasan yung nililigawan” sabi ko. Napahinga siya ng malalim.
“Delaney hindi yung panliligaw ang pinapatagal. Relasyon ang pinapatagal.” Pagpapaliwanang niya.
“Sige na nga” sagot ko“Talaga? YES!!” masaya niyang tanong.
Para siyang tangang nagtatatalon. Totoo na talaga ‘to boyfriend ko na siya. May boyfriend na ako.
“Iloveyou Iloveyou Iloveyou” paulit ulit niyang sabi habang yakap niya ko
“I love you too Zeik” madamdamin kong sagot. Binitawan na niya ang pagkakayakap niya sakin.
“Ang ganda dito paano mo nalaman tong lugar na to?” nagtatakang tanong ko
“Ahh favourite place ko to. Bored na bored ako noon tapos nagdrive lang ako at dito ako dinala ng kotse ko” pagpapaliwanag niya
“Kaya simula noon pag malungkot ako dito na ako tumatambay” dagdag pa niya. Humarap siya saakin at hinawakan ang mga kamay ko
“Simula ngayon to na ang magiging favourite place natin” sabi niya.
“Oo naman nagsisimula ko ng magustuhan ang lugar na to eh” sabi ko. Sinipat ko ang relo ko halla 9:30 am na pala absent na kami sa first at second period.
“Zeik tara na para mahabol natin yung third period natin” pag aya ko sa kaniya
“Sige” sagot naman niya.
“Saang lugar pala to?” kyuryusong tanong ko
“Part lang ‘to ng Marikina” sagot niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at nakakapanibago talaga tong mga aksiyon ni Zeik. Hindi ako sanay na mabait siya. Sanay kasi ako sa masungit na bersiyon ni Zeik eh kaya kailangan kong mag adjust. Kalaunan ay nakarating na kami sa school. Habang naglalakad ay hinawakan niya ang mga kamay ko. So bale HHWW kami ngayon(holding hands while walking) kaya pinagtitignan kami ng mga estudyante buti nalang di karamihan ang estudyante sa parking lot kase nasa kani kanilang classroom na yung iba. Ano ba yan nakakahiya. Pinilit kong alisin ang kamay ko pero mas lalong hinigpitan ni Zeik ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Patuloy lang kami sa paglalakad ng namataan ko si Blake na paparating at patungo sa amin. Nakakahiya paano ko siya pakikisamahan. Haysstt bahala na….