CHAPTER 10
Delaney’s POV
10 months na kami ni Zeik at ngayon nandito kami sa mall. Wala lang gusto lang naming magshopping madami namang pera ‘tong si Zeik. HAHAHA pero hindi ko piniperahan haa… mahal na mahal ko kaya ‘tong bugok na ‘to.
“Babybabe” tawag sakin ni Zeik sabay hawak sa aking kamay.
Talagang ‘tong lalakeng ito…. Kaya ako naiinlove araw-araw eh haha! Kahit ang dami kasing tao hindi siya nahihiya na tawagin akong babybabe.
“Ohh,,Bakit babybabe?”sagot ko naman.
“Saan mo gustong kumain babybabe? Gutom na kasi ako, kanina pa tayo palakad- lakad hehe….”
Aba! Syempre pabebe muna ako.
“Kahit saan babybabe”sagot ko,tara!!
“Hanap tayo ng pagkakainan natin babybabe”sagot niya sa akin at nagpatuloy na kami sa paglalakad at malayo palang kami tanaw na tanaw ko na agad yung bruhang si Leigh hahahaha at di inaasahang nakita niya rin ako.
“Hoyy bruhang Delaney” Sigaw niya saakin habang tumatakbo sya papalapit saakin.
Grabe naman tong babaeng to, kala mo naman sampung taon niya akong hindi nakita.HAHAHA
“Ohh.. Leigh anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Ahh, may binili akong……..” sabi niya
“Oh bakit parang gulat na gulat ka beshy?” takang tanong ko
“May kasama ka pala? Oh may gosh… baka may sabihin o ikuwento ka sa akin? Kalat na kalat sa kampus natin ehh, pero hindi parin ako naniwala na kayo na pala. Delaney!! Hindi talaga nanahimik tong puwet ko hangga’t ‘di ko kayo nakikitang magkasama. Oh ano teh?” sunod sunod na tugon sa akin ni Leigh.
“Hay nako! Umayos ka nga diyan mamaya kona sasabihin sumama kana muna sa amin”sagot ko.
*kringggg* nang biglang tumunog ang cellphone ni Leigh.
“Kailangan ko ng umalis tinatawagan na ako ni mama, oh paano ba yan Delaney ‘di mo na kailangang sabihin sa akin alam ko na rin naman eh HAHA bye enjoy guys” tugon ni Leigh saamin
“Sige ingat ka bruha” sagot ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad nang makaalis na si Leigh
“Babe doon nalang tayo oh” sabi ni Zeik sabay turo
“Tara baby” tingin ko sa kanya at mukhang matamlay sya. Pagod na siguro ‘tong bugok na ito
“Babe okay ka lang ba?” tanong ko
“Oo naman babe tara na nga” sagot niya sa akin baka gutom lang siya. Hayst tama na nga yan Delaney kung ano ano iniisip mo.
After namin kumain ay nagkwentuhan muna kami pero pansin ko parang nababagot na si Zeik. “Babybabe uwi na tayo hatid na kita sa inyo” sabi ni Zeik
Tinignan ko kung anong oras na ba.
“Maaga pa naman babybabe” sabi ko
Usually kasi pag gumagala kami late na kami umuuwi. Sa katunayan ngayon lang kami maagang uuwi. Parang may mali talaga kay Zeik eh pansin ko lang parang ang tamlay niya ngayong araw. Baka may problema na ‘to hindi niya lang sinasabi.
“Ah eh babybabe kailangan daw ako ni mama ngayon” sagot ni Zeik
“Zeik tapatin mo nga ako, may problem aka bang hindi sinasabi sa akin?” seryoso kong tanong. Biglang nagulat si Zeik sa tanong ko.
“Ano ka ba babe kung ano ano talagang iniisip mo wala ‘to talagang hinahanap lang ako ni mama” pagkumbinsi niya sa akin.
Dumeretso na kami sa parking lot kung saan nakapark yung sasakyan ni Zeik. Kalauna’y nakarating na kami sa bahay at pinagbuksan ako ni Zeik ng pintuan ng sasakyan. Papasok na sana ako pero nagulat ako ng biglang yumakap ng mahigpit sii Zeik sa akin.
“I love you. See you tomorrow” pagpapaalam niya sa akin.
“I love you too” sagot ko saka ako kumaway.