Chapter 15
Delaney’s POV
Hindi ako makapag salita hinndi parin ma process ng utak ko patuloy paring nagsasalita si tita sa kabilang linya habang ako nakatulala lang. inaalo rin ako nila Chelsea at leigh pero parang wala na akong naririnig
“Delaney di na niya nakayanan lumaban siya pero sumuko na katawan niya” mas lalo akong napa hagulgol dahil sa sinabi ni tita
“Pero alam mo bago siya nag paalam ikaw muna yung inaalala niya. Palagi niyang sinasabi na gusto ka na niya Makita na gusto na niyang maramdaman mga yakap at halik mo na gusto na niyang makita mga ngiti mo pero Delaney wala kaming magawa kase ayaw ka niyang pabisitahin dito sa hospital kase ayaw ka niyang nakikitang umiiyak at nahihirapan” babe bakit naman ganon handa namn kitang damayan ehh handa naman kitang alagaan sana hinayaan mo nalang ako sana mas naka sama pa kita ng matagal.
“ Delaney nagpapasalamat parin ako dahil nandiyan kaparin para sa anak ko basta lagi mong tatandaan na ikaw lang ang minahal ni zeik, salamat delaney pero wala na siya wala na ang anak ko wala na si zeik”
Mas lalo akong napa hagulgol at patuloy akong inaalo ni Chelsea at leigh
“Chelsea, Leigh iwan niyo muna ako gusto ko munang mapag isa” sabi ko sa kanilang dalawa
“Sige pero please Delaney tawagan mo lang kami pag may kailangan ka” tumango na lamang ako sa kanilang dalawa. Ang unang lugar na naisip kong puntahan ay sa favourite place namin ni Zeik. Lutang akong sumakay sa taxi para makarating doon. Kalaunay nakarating na ako pero pag upo ko palang ay napahagulgol nanaman ako. Naalala ko lang yung mga memories na ginawa namin dito yung mga time na sabay kaming gumagawa ng assignment yung paglalambingan namin pag nandito kami at yung pagaalaga niya sakin. Nakakalungkot lang kase di na ko na siya makikita at mahahawakan.
“Babe bakit namn ganoon, bakit bigla bigla ka nalng nangiiwan?” umiyak na tanong ko para sa kanya kahit na di ko siya nakikita. Kung sana hinayaan mo akong alagaan ka e di sana nakasama pa kita. Tahimik lang akong naka upo ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong tiningnan at nag chat ang mama ni zeik saakin “Delaney ito yung mga records ni Zeik para sayo. Ginawa niya yang mga yan habang nasa hospital siya” May tatlong record siya para saakin at agad ko tong binukasan at agad tumulo ang mga luha ko.
From my babybabe Delaney
“Hi babe kamusta ka na sorry ahh dahil nagkasakit ako pero lalaban ako para sayo babe lalabanan ko tong sakit na to. Babe mahal na mahal kita noong una palang tayo nag kita naalala mo babe nung natapakan ko cellphone mo? Haha nakakatawa itsura mo non galit nag alit ka pero babe di ko alam kung bakit nahulog agad loob ko sayo. Nung una di ko kayang maamin hahah pero habang tumatagal mas lumalalim na pagtingin ko sayo. Miss na miss na kita babe. Gusto na kitang makita at mayakap pero hindi muna pwede kase ayaw kong makita mo akong nahihirapan at ayaw rin kitang nakikitang umiyak. Babe hintayin mo lang ako huh lalaban ako lalaban ako para satin I love you so much” mas lalo akong umiyak pero binuksan ko parin ang isa pang record nanginginig ko itong pinindot
“Baby babe ang hirap palang labanan itong sakit ko hirap na hirap na ako kinakaya ko lang para sayo kaya sana okay ka lang diyan ingatan mo sarili mo I love you” nahihirapan na pala talaga siya may isa pang record kaya ummiyak ko itong pinindot
“Babe Delaney di ko na kaya gusto ko pang lumaban pero di ko na kaya gusto pa kitang makasama babe pero feeling ko anytime ay kukunin na ako basta babe kahit wala na ako mahal na mahal parin kita walang araw na hindi kita minahal. Salamat sa pagmamahal kahit maikling panahon lang. siguro hindi talaga tayo ang para sa isat isa may darating pang ibang lalaki na mamahalin ka tulad ng pagmamahal mo yunjg lalaking di ka niya iiwan sorry babe kase di ko na tupad ang pangako ko. Paalam “Ang sakit sobrang sakit kase di na namin matutupad yung mga pangarap naming mag kasama. Tumayo ako at di alam ang pupuntahan basta tumatakbo ako kahit wala akong pupuntahan.tumigil ako at nagsisigaw
“ZEIK PLEASE BUMALIK KA NA BABE DI KO NA KAYA” sigaw ko. Sigaw lang ako ng sigaw hanggang napagod
Wala sa sarili akong nag lalakad. Patuloy akong naglalakad hanggang di ko namalayang may paprating na bus kung saan ako nakatayo. Agad akong nasilaw sa ilaw nito at nabingi sa lakas ng busina di ako maka galaw parang namamanhid mga paa ko. Zeik magkakasama na tayo ulit susundan kita. Patuloy parin sa pag lapit ng bus ang lakas ng impact dulot ng pagkabunggo saakin hanggang sa tumilapon ako. Sorry mama, Chelsea, Blake at Leigh. Zeik magkakasama na tayo. Hanggang sa nandilim ang paningin ko dahil di ko na rin kaya.