Chapter 14
Apat na araw na simula noong na receive ko yung text sa akin ni Blake na wala na daw sa hospital si Zeik. Tinanong ko kung saan siya pinunta pero walang sagot na galing sa kanya. Walang oras, araw akong hindi umiiyak.
“Kamusta kaya siya?” at humagulgul nanaman ako sa iyak
“Anak okay ka lang ba? Kain kana ‘di kapa kumakain” sabi ni mama pati si Leigh at Blake.
Minsan na ding pumunta dito para kamustahin ako pero diko sila pinagbubuksan… Tinignan ko mga picture namin na magkasama ng maalala ko na may number pala sa akin si tita at agad agad kong tinawagan si tita pero nakailang tawag na ako hindi parin nila ito niya sinasagot hanggang sa umiyak nanaman ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.Pag-gising ko lumuluha nanaman ako kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko ulit si tita.Sa wakas sinagot din, huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
“Hello po tita, si Delaney ito, si Zeik po? Okay na po ba siya? Magaling na po ba siya?” sunod na sunod na tanong ko kay tita ngunit narinig ko sa kabilang linya na umiiyak si tita.
“Sorry iha” sabi ni tita habang umiiyak.
Nabitawan ko ang aking cellphone at humagulgul ako ng iyak. Bakit? Tanong ko sa sarili ko. Wala akong magawa para mabawasan ang sakit ng aking nararamdaman. Dalawang linggo akong nakakulong sa aking kwarto. Lalabas lang ako kapag kukuha ako ng inumin ko at paminsan minsan lang din ako kumakain. Hanggang sa naisipan kong lumabas ng bahay.
“Anak saan ka pupunta? Kumain ka muna.” Sabi sa akin ni mama pero hindi ko sinagot nagderetso lang ako. Habang naglalakad ako naisip ko siya, yung mga time na masaya kaming magkasama. Naluluha na naman ako dahil sa mga naiisip ko.
Hindi ko namalayan nasa park na pala ako. Naupo muna ako at nagmuni muni at hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Blake.
“Alam mo Delaney, ayaw ni Zeik na malungkot ka kaya ngumiti ka na” sabi sa akin ni Blake.
“Matagal ko ng alam na may sakit si Zeik at ayaw niyang sabihin sayo kasi ayaw niyang magalala ka sa kaniya at….”
Hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni Blake.
“Ano? Matagal mo na palang alam bakit di mo sinabi sa akin.” Sabi ko kay Blake habang umiiyak.
“I’m sorry Delaney” sabi ni Blake pero hindi ko siya sinagot. Umalis nalang ako at umuwi sa bahay. Lumipas ang mahabang araw,buwan at taon.
Dalawang taon na ang nakalipas nawalan ako ng komunikasyon sa pamilya ni Zeik pati na rin dalawang taon akong naghintay. Nagtanong ako non kay Blake pero di niya din daw alam kung ano ba talagang nangyari kay Zeik walang nakaka alam kundi ang pamilya lang niya. Basta ang last na komunikasyon namin sa mama ni Blake nong tumawag siya once sinabi niya sakin na ipupunta daw sa ibang bansa si Zeik kase di kayang sagutin dito sa pilipinas. May tithird year college na kami ni Leigh. Nakakalungkot lang isipin kase kasama ko sana ngayon ni zeik. Ang dami pa sanang memories at ang dami pa sana naming pagsasamahan. Kung nandito lang sana siya. Sa dalawang taon na yun habang wala si Zeik naging miserable buhay ko ang lungkot.
“Ohh Delaney nakatulala ka nanaman diyan” pag agaw ng pansin ni Leigh at Chelsea saakin.
Naging magkaibigan narin si Chelsea at Leigh, nagpapasalamat nga ako kase nandiyan silang dalawa para saakin. Sila yung nadiyan para icomfort ako.
“Ahhh wala naiisip ko nanaman kase Zeik ehh” wala ngang araw na di ko siya naisip
“Besh magtiwala ka lang kay Zeik di yun susuko at di ka nun iiwan” sabi ni Leigh saakin
“Pero Leigh yung sakit ni Zeik wala pang cure yun” nawawalan ng pag asang saad ko
Pero kahit na alam kong wala pang lunas yung sakit ni zik di parin ako nawawalan ng pag asa na makaka discover ng lunas para don araw araw nagdadasal ako kahit araw araw ring walang balita sa kanya di parin ako nawawalan ng pag asa. Wala ehh mahal ko ehh.. ganon naman talaga pag mahal mo yung isang tao di ba di mo siya basta basta kayang sukuan kahit ang sakit na kahit nahihirapan ka na nandon ka parin lumalaban. Kahit magpaka martir na ako basta ang gusto ko lang bumalik na si Zeik.
“Chelsea tara na uwi na tayo” aya ni Chelsea at Leigh saakin. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila, habang naglalakad pauwi ay biglang nag vibrate ang cellphone ko agad ko itong kinuha at tininganan kung sino ang tumatawag. Nanlamig ako ng nakita kung sino ang tumatawag. After how many years, ngayon lang ulit tumawag si tita ang mama ni Zeik. Nanginginig ang mga kamay kong sinagot ang tawag.
“H-ello p-o tita” nauutal na pag sagot ko sa tawag. Agad na napatulo ang luha ko ng marinig ko ang hagulgol ni tita sa kabilang linya.
“Tita bakit po?” nanginginig na tanong ko. Biglang tumigil ang ikot ng mudo ko sa balita ni tita
“Sorry Delaney iha pero wala na si zeik, di na niya nakayanan.