CHAPTER 11
Delaney’s POV
Maaga akong pumasok sa aming silid-aralan at nagulat ako dahil may mas maaga pa pala sa akin at yun ay si Zeik. May dala dala siyang pagkain.
“Ehem!” pag agaw ko sa atensiyon niya kaya agad naman itong napalingon sa akin.
“Oh bakit ang aga mo ngayon babybabe?” takang tanong ko sa kanya.
“Ah eh wala lang gusto lang kitang makasama ngayon” tugon nito sabay yakap sa akin. Okay na sana kaso naramdaman kong mainit siya. Napatingin ako sa kaniya.
“Oh babybae anong ibig sabihin ng mga tingin mong mga yan para namang mangangain ng tao” sabi nito sabay tawa na para bang nangaasar.
“Bakit ang init mo?” takang tanong ko sa kaniya
“Kasi ang hot ko” pabiro pa niyang sabi. Kinapa ko ulit ang noo niya at mainit nga talaga siya.
“Nagawa mo pang magbiro may sakit ka na nga. Siguro gusto mo akong maatake sa puso bakit hindi mo agad sinabi sa akin. Sana tinawagan mo nalang ako para maalagaan kita. Bakit ba kasi pumasok ka pa?” tuloy tuloy na sermon ko sa kaniya
“Ba’t naiiyak ka lagnat lang ‘to malayo ‘to sa bituka” tugon niya
“Eh sino bang hindi magaalala sayo paano kung may dengue ka or what” dagdag ko pa
“Ang oa mo masyado babybabe. Mabuti mamasyal muna tayo wala naman yung prof. natin ng first period eh” tugon niya
“Okay fine basta uminom ka muna ng gamot bago tayo mamasyal” pag utos ko sa kaniya
*Fast forward*
Nandito na kami ngayon sa mall sa may gamezone. Katabi ko si Zeik habang bumibili siya ng token. Iss ayAaw ko sanang sumama kaso pinagbigyan ko lang ang bukgok nato teka bat parang kakaiba itsura ng boyfriend ko ngayon? Bakit namumula mula siya na parang naluluha luha, parang matamlay din hindi gayang dati.
“Babybabe okay ka lang ba talaga” tanong ko sa kanya na may kasamang pagaalala
“Okay lang ako babybab huwag mo nalang ako alalahanin at ang isipin mo makapag bonding tayo ngayon. Halika doon tayo oh kukunin ko ang bear para sayo” Pagaanyaya niya saakin. Lord sana naman okay lang talaga siya kase para talagang okay eh habang tinitingnan ko siya.
“Yehey! Nakuha ko na babe tingnan mo oh ang cute” baling ni Zeik saakin habang siya ay parang bata na talon na talon sa tuwa.Zeik POV
Sobrang saya ko kase nakasama ko si Delaney na kahit may iniinda akong sakit parang nakakalimutan ko dahil kasama ko siya pagkatapos kong nakuha yung bear para sa kanya ay nag laro naman kami ng basketball pagkalagay ko ng token ay binaling ko kay Delaney ang aking tingin nag taka ako dahil parang natataranta siya
“Ohh bakit ganyan yang mukha mo may problem aba baba?” tanong ko sa kanya at gulat na gulat din ito.
“Hah?” parang wala sa sariling tugon niya
“Ang sabi ko anong problema bakit natataranta kaa?”
“Kailangan ba talaga nating maglaro diyan?” tanong ni Delany kaya napatawa ako
“Bakit babe di mo ba alam mag laro?”
“Hindi nga eh doon nalang tayo sa iba babybabe” tugon nito na mas lalo pang kinatawa ko
“Huwag kang mag alala babe tutulungan naman kita eh” sabi ko sa kanya.
Ngunit hahawakan ko n asana siya ng biglang lumabo ang aking paningin kaya napa hawak ako sa kanyang balikat kaya nag taka siya.
“Babe may problem aba?” pag aalalang tanong niya
“Ahh wala nahihilo lang ako tara mag…..” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong natumba.
May sinasabi pa si Delaney pero di ko na ito narinig dahil nanlabo na ang aking paningin at tuluyan ng nawalan ng malay.