CHAPTER 7
Delaney POV
“Wait Blake paki ulit nga” naguguluhang tanong ko sa kanya
“Gusto nga kita” panguulit niya.
Wait baka panaginip to. Kinurot ko ang kamay ko. Ouch masakit hindi ito panaginip.
“Bakit ako?” tanong ko
“Bakit naman hindi ikaw?” balik niya sakin
“Ang dami naman kaseng mas magandang babae diyan, mas mayaman.” Sabi ko
“Ano namang pinagsasabi mo? Maganda ka naman at tsaka di ko kailangan ng babaeng mayaman gusto ko simpleng babae lang at ikaw yun Delaney” aniya.
Im speechless. Delaney diba crush mo naman siya pero bakit natatahimik ka ngayon? Oo crush ko siya pero bakit parang may mali. Bakit parang may iba naman akong gusto naguguluhan ako.
“Blake salamat hah pero di ko kasi kayang…”
“Sinasabi ko lang ito para aware ka na gusto kita ‘di ko naman inaasahang suklian mo eh” agad na sabi niya sa akin. Bait talaga netong si Blake eh.
“Salamat blake hah” sabi ko.
“Tara na hatid na kita hapon na eh” aya niya sakin.
“Sige bye salamat.” Pagpapaalam ko
Finally im home! Hayst parang sobra pagod ko ngayon dahil sa nalaman ko. Bzz bzz *arrogant Blake sent you a message* oh nagtext si Zeik. Parang lately lagi na akong tinitext nito.
“Nasaan ka kaninang last period bat wala kayo ni Blake?” laman ng message niya.
Its none of your business bitch arot hahaha. Ano sasabihin ko ba? Sabihin ko nalang deserve naman niyang malaman bestfriend niya naman si Zeik kaya dapat alam niya.
“Manliligaw daw sakin si Blake” pabirong reply ko sa kaniya.
Bzzzzzzz bzzzzz ay si Zeik tumatawag. Sinagot ko ang tawag at kinausap siya.
“Anong sabi mo?!” gulat niyang tanong
“Liligawan daw ako ni Blake” sagot ko
“Eh anong sabi mo?” tanong niya
“Sabi ko hindi pwede kasi ayaw ko pa” sabi ko.
“Yes buti nalang” magulong dinig ko sa kabilang linya.
“Hah? Anong sabi mo?” tanong ko.
May nasabi kasi siya eh di ko narinig kase tumahol yung aso ng kapitbahay.
“Wala sabi ko buti nalang kase di mo deserve si Blake” bulyaw niya.
Kahit kalian talaga tong taong ‘to.
“E di wow! Hwag mo na akong tawagan!” naiinis kong sabi.
Nakakaasar talaga tong lalakeng to. Pinatayan ko nan g tawag si Zeik at saka natulog.
Hindi ako makatulog. Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama. Iniisip ko si Zeik eh oo na inaamin ko na gusto ko so Zeik. Binasted ko si Blake kase ayaw kong umasa siya. Ayaw kong saktan siya kase yung gutso ko talaga is yung bestfriend niya. Hindi ko naman alam kung bakit ko nagustuhan yung Zeik na yun. Ang yabang, arogante, nakakabwisit haysst… Delaney naman kase ba’t ba kase siya pa. Nakakainis namang buhay ‘to oh… ngaayon na ngalang ako magkagusto sa mayabang pa nay un. Sabagay di naman natuturuan yung puso. Saying si Blake nalang sana kase ehh. Inaamin ko na gusto ko si Zeik ay hindi pala mahal ko na pala, tatlong buwan palang ako sa Massachusett University ganito na kahihinatnan ng lovelife ko. Nakakaasar di talaga ako makatulog ng maayos. Bukas ang haggard kong papasok sa school. Delaney tulog na zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.Nagising akong haggard. Ang laki ng eyebags halatang puyat. Kasalanan ng Zeik na yun eh. Napatigil ako ng naisip ko si Blake. Paano ko na pakikisasamahan yun ang awkward na. Sige Delaney ganito nalang kausapin mo siya na parang walang nangyari. Yung parang di mo siya binasted. Haysst napakahirap naman nun. Bahala na nga mamaya basta go with the flow nalang. Bzzz bzz *Leigh sent you a message*
“Besh sabay tayo papasok” sabi niya
“Sige besh see yah later” reply ko matagal ko na rin kaseng di nakakasabay si Leigh eh.
“Mama pasok na po akong school” paalam ko kay mama. Pagkalabas ko ng bahay ay namataan ko si Leigh doon
“Tara na babaita” pagtawag ko sa kanya. Ang dami naming napagkwentuhan ni Leigh talagang namiss namin ang isa’t isa. Kalaunan ay nakarating kami ni Leigh sa school. Laking gulat ko ng namataan ko si Zeik at titig na titig sa akin.
“Ahh Delaney una na ako” paalam ni Leigh
“Sige Leigh bye.” Pagkaalis ni Leigh ay nilapitan agad ako ni Zeik. Ibang iba si Zeik ngayon ah.
“Bakit titig na titig ka?” tanong ko
“Delaney mahal na yata kita” what? Ano daw???????????