Si Duwag

64 4 0
                                    

Goodmornight.
Gusto ko ng matulog, pero ang dami ko pang gagawin 😭
Tas di pa gumagana utak ko...

So this is it!

Background Music: Death By A Thousand Cuts - Taylor Swift

~~~

Nakasanayan ko nang maging tulay para sa ikakasaya ng iba,

Nasanay na akong maging takbohan ng mga taong nangangailangan ng solusyon sa kanilang mga problema,

Nasanay na din akong gamiting pansamantala
Tapos lalayuan pagkatapos makuha ang mga gusto nila

Sanay na sanay na ako

Minsan iniisip ko,
Hanggang kailan kaya ako magiging ganito?
Kailan ako susuko?
Hanggang kailan ko pa ba sila hahayaang saktan ako?

Sa totoo lang,
Hindi porke’t pumayag ako sa lahat ay okay na,
Pumayag lang ako dahil ayokong magalit sila,
Pumapayag lang ako dahil baka ako nanaman ang magmumukhang masama.

Hindi ko sila magawang tanggihan,
Dahil umaasa akong sana pagkatapos ko silang matulungan
Tatanggapin na nila bilang totoong kaibigan
Pero hindi lahat totoo
Mabuti pa yung mga libro nakakapagpasaya pa saakin kahit papaano
Malayo sa katotohanang magulo 'tong mundong 'to

Sabi ko sa kanila noon,

Handa akong maging tanga,
Handa akong maglaan ng oras kahit para sa sarili ko’y wala na,
At handa akong malugi makita lang kayong nakangiti.”

Pero napakasakit lang dahil kahit konting pasasalamat lang ay di nyo pa magawa tapos iba pa talaga ang nakakuha.

Hindi ako masaya sa mga oras na to,

Kung sana’y hindi ako duwag

Kung sana’y kaya kong isumbat sa kanila ang lahat

Kung sana’y naging matapang akopero hindi eh

Duwag parin ako,
Hanggang dito lang talaga ako.

Idadaan ko nalang sa simpleng iyak
Idadaan ko na lang sa mga walang kwentang mga sulat
Siguro makakalimutan ko rin kahit papaano ang lahat.

ITUTULA NA LANG (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon