#INL
Listen to: Lights On- Maggie Rogers
~~~Ilang taon din naging mahina
Ilang taon ding hinayaang manatili sa mababa
Hindi kayang lumaban ng harap harapan
Sa takot na pumalya ang bibig na ilahad ang mga salitang may halong hinanakitNong mga panahong sinubukang kong maging matapang at hayaang pasayahin ang sarili'y
Konting lingon mo lang at puna sa akin
Ako'y tiklop na
Tila isang rosas na handa na sanang mamulaklak
Subalit iyong pinitas bigla,
Tinapon sa lupa
Nawalan na ng siglaPatawad ngunit iba na ngayon
Mga sandaling ganon ay di na mababalik pa
Ang lahat ay nagbago isang araw nong ako'y nagising
Nagising sa katotohanang ang mga salitang lumalabas sa bibig mo'y walang kwenta
Mga salitang basuraAkala ko'y nakakamatay ang magbingibingihan
Pero bunga pala nito'y payapa at katahimikanMga mata mong mapanghusga
Binabantayan ang mga kilos ko't galaw
Kahit wala ka namang matatamo't makukuha
Umani ako ng kantyaw
Nong sandali mong mapansin ang aking kamalianPaminsan minsan nagiging clown
Napapahiya sa harap ng madla
Pinagtatawanan hanggang sila'y magsawa
Laway na tumatalsik,
Bunganga'y kita ang ngiping meron pang tipikPatawad ngunit iba na ngayon
Mga sandaling ganon ay di na mababalik pa
Ako'y taas noo'ng maglalakad at kayo'y lalagpasan
Tititigan nyo ako hanggang sa kayoy magsawa
Sabay sabay nyong masasaksihan ang tagumpay na aking makakamtan
At kayo'y nakatadhana lang sa kabiguan
Mag isang maiwan sa mundong hinaloan mo ng sariling mantsa
Mga tao'y pagod na sa kakarinig ng iyong mga litanya
Paulit ulit paring sinasambit ang linyang "Hindi mo kaya"Patawad ngunit iba na ngayon
Mga sandaling ganon ay di na mababalik pa.❤
BINABASA MO ANG
ITUTULA NA LANG (Poetry Compilation)
PoetryEnglish and Tagalog Poetry Compilation. Itutula Na Lang ©2020 - Lucedelle Cover image not mine.