Kakapagod

37 1 0
                                    

#INL

Background Music: All the kids are depressed - Jeremy Zucker

~~~

Tumatagaktak na pawis,
Mga paang binibilisan ang paghakbang
'Di pinapansin ang pagod na iniinda
Sa kanya, bawat minuto ay mahalaga

Binubuhos ang lahat ng oras sa kanyang ginagawa
Di magawang kumain sa kakaisip na bukas na ipapasa

Mga matang nilalabanan ang antok
Lutang ang utak
Tuloy napagalitan  ni guro

Katawa'y sumusuko na
Di na kaya ang mga gawaing tila parusa
Tila mga parusang sabay sabay na binabagsak sa kanyang balikat

Walang ni katiting na saya ang makikita sa kanyang mukha
Walang silbi ang lahat, para sa kanya

Pinaghirapang gawin,
Pagkatapos ay basta basta nalang itatapon
Sinayang ang oras sa pakikinig, ibabaon lang din ang lahat sa limot

Kapagod masaksihan ng paulit ulit ang mga ganong eksina
Nakakapagod pero wala kang magawa

💔

ITUTULA NA LANG (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon