#INL
~~~
Higaa'y nakalubog mula sa maayos na pagkakahiga
Ang isang kamay ay inaabot ang supot ng kilalang chicheria
Di man lang napansin na ito'y ubos naDamit na suot ay pagkaluwang-luwang
Nakaukit sa mukha ang halatang pagkalibangBuhok ay hindi naayos ang pagkakatirintas
Nahuhulog tuloy sa mukha at ang iba'y tumakasDi nya alintana ang kalat sa kwartong tila dinaanan ng bagyo
Patuloy na hinahayaang lamonin ang kanyang mundo
Ng kanina pang hawak hawak na libroBawat paglipat ng pahina ay sadyang kapanapanabik
Wala naman syang kasama ay parang kinikiligLumamig na ang kapeng di man lang natikman
Mga susunod na pangyayari ay pilit inaalamTiyan ay kumukulo dahil hindi kumain nong tanghali
Hindi parin tapos nong sumapit ang gabiGalit na sa labas ang kapatid na matagal na syang sinisigawan
Pero sagot nama'y,
"Wag mo muna akong pakialaman!"Sa ilang sandali,
Sya'y nagmistulang bingi
Ng kanyang ilipat sa huling bahagiNakakapagtaka kung bakit sya'y lumuluha
Libro'y binalik kung saan nya ito kinuha
Pinikit ang mata at napagtantong napakalungkot pala na estorya ang kanyang nabasa
❤
BINABASA MO ANG
ITUTULA NA LANG (Poetry Compilation)
PoezjaEnglish and Tagalog Poetry Compilation. Itutula Na Lang ©2020 - Lucedelle Cover image not mine.