2

0 0 0
                                    

Alex Pov

"Alex gising na." dinig kong sabi ni kyla

"Kyla ano ba?" inis na sagot ko sankaya

"Girl may trahabo ka pa, late ka na ng 10minutes." sagot ni kyla sa akin

Sht late na pala ako kaya bumangon agad ako tapos deretso na agad ako sa banyo.

"Ano ba kaseng ginawa mo kagabi at puyat ka na naman." tanong sa akin ni kyla habang naliligo ako

"Wala, natulog agad ako pag pasok ko ng kwarto kagabi." sagot ko

"Weh?parang hindi naman." pangaasar sa akin ni kyla

"Hoy di ako gaya mo na nakikipagpuyatan pa, tsaka pagod ako kahapod kaya natulog na agad ako." sabi ko

Totoo nama kase talaga na pagod ako kahapon, tsaka di ako nagpuyat at wala akong dapat pagpuyatan, di gaya niya na may ka late night talks pag gabi.

"Maghanap ka na kase ng jowa mo girl para may kapuyatan ka na rin." sabi ni kyla habang tumatawa

"Hoy wala pa sa isip ko yan tsaka puro problema lang yan, kayo nga ng jowa mo parang walang araw kundi kayo mag away, pati pa ata yang paglipad mo sa hangin pinag aawayan niyo." sigaw kong sagot kay kyla

"Hoy mahal lang talaga namin ang isa't-isa kaya palagi kaming nag aaway." paliwanag sa akin ni kyla

"Nako kyla yan mga rason mo talaga di kapanipaniwala." sabi ko sa kanya

"Tigilan mo ko ako alex umagang umaga ah." sagot niya sa akin

"Eh ikaw nga nagsimula ikaw rin mapipikon." sigaw ko sa kanya

Pagkalabas ko ng cr nakita ko si kyla na nanonood ng tv sa sala.

"Hoy ano ba lagi ka na lang dito tumatambay ah, buti sana kung nagbibigay ka rin ng renta dito." sabi ko kay kyla

"Girl naman alam mo naman diba na ayokong makita ang nanay ko." sagot  niya sa akin

"Hay nako kyla, ang gulo mo talaga, pati kayo ni brent ang gulo niyo." sabi ko sa kanya yung jowa niya

"Eh girl alam mo naman na mahal na mahal ako nun kaya palaging nag-aalala pag lumilipad ako." sagot niya

"Nako kyla dapat tanggap niya na iyon ang gusto mong trabaho." sabi ko sa kanya

"Tanggap niya, kaso palaging nag-aalala sa akin." sagot niya uli

"Siguraduhin mo lang talaga na hindi ka niya hihiwalayan kyla." sabi ko

"Syempre naman mahal ako ni brent kaya malabong hiwalayan niya ako." kinikilig na sabi ni kyla

"Sige na, magbibihis pa ako." sabi ko

Pagkapasok ko ng kwarto agad akong pumili ng susuotin ko. Habang nag-aayos ako ng mukha ko pumasok si kyla sa kwarto ko.

"Ano naman kyla?" tanong ko sa kanya

"Girl wala ka bang balak mag ka boyfriend?" tanong niya sa akin

"Kyla umagang umaga yan na naman ang tanong mo." inis na sabi ko sa kanya

"Eh girl pano naman kase ang dami kong pinapakilala sa iyo na ka trabaho ko wala kang nagugustuhan." sabi niya sa akin

"Eh anong gagawin ko wala akong magustuhan sa mga nilalakad mo sa akin." sagot ko

"Nako girl tatanda kang dalaga kung ganyan ka palagi." sabi niya sa akin

"Anong ganyan palagi?" takang tanong ko sa kanya

"Palagi ka na lang walang nagugustuhan sa mga nilalakad ko sayo." nakangusong sabi ni kyla

"Eh anong gagawin ko sadyang wala talaga akong matipuhan sa kanila eh." sagot ko

"Ewan ko ba sayo alex, bilisan mo na lang diyan at late ka na." sabi na lang ni kyla

Pagkatapos ko mag-ayos nagpaalam na ako kay kyla para pumasok.

"Hoy kyla wag na wag mong papapuntahin si brent dito ahh." sigaw ko kay kyla

"Gaga may trabaho yun ngayon tsaka may lipad ako mamayang tanghali kaya aalis na rin ako mamaya." sabi niya

"Sige na, lock mo condo ko pagkaalis mo." paalalang sabi ko kay kyla

"Oo kanina ka pa alex, umalis ka na nga." inis na sabi sa akin ni kyla

Pagkalabas ko ng condo dumeretso na agad ako sa parking para kunin yung sasakyan ko, buti na lang hindi coding yung sasakyan ko ngayon kaya liliparin ko na talaga papunta sa opisina para di na ako maabutan ng manager ko na late. Nakakainis rin kase yung manager ko na yun, akala mo naman kung siya ang may ari ng opisina, kung makasigaw ng employado akala mo kung sinong boss.

Kung di lang talaga ako nangangailangan ng trabaho matagal na akong nag resign sa trabaho ko ngayon. Pero kailangan kong mag-ipon ng pera para masimulan ulit yung pinapagawa kong restaurant, tapos na siguro yun kung hindi namatay si papa, isang taon pa naman ako nagkulong sa condo ko para malimutan yung trahedayang iyon.

Habang nagmamaneho ako tumawag si belle sa akin yung officemate ko.

"Oh bakit ka napatawag?" tanong ko kay belle

"Eh girl kanina ka pa hinahanap ni Mrs. Santos." sagot ni belle

"Malapit na ako, ganyan na ba ako ka miss ni tabatchoy at pinatawag pa talaga ako." naiinis na sabi ko kay belle

"Alex kanina pa yan sumusigaw dito, hinahanap ka niya tsaka kukunin niya raw yung pinagawa niya sayo kagabi." sagot ni belle

Sht oo nga pala may pinagawa siya sa akin, pero paano ito hindi ko nagawa, bahala na mamaya bwicit.

"Sabihin mo sa kanya hintayin niya ako andito na ako sa parking lot." sabi ko kay belle

"O sige bye." sagot ni tsaka pinatay yung tawag

Pagkalabas ko ng kotse nag-iisip na agad ako kung ano ang idadahilan ko kay Mrs. Santos. Hindi ko talaga naalala kagabi na may gagawin ako, eh pano naman kase ginulo na naman ako ni kyla kagabi kaya ayun wala akong nagawang report ko.

Pagkadating ko sa opisina lumapit agad si belle sa akin.

"Alex deretso ka na raw sa office ni tabatch—— ay ni Mrs. Santos pala." sabi ni belle sa akin

Muntik pa niyang masabing tabatchoy si Mrs. Santos buti na lang walang nakarinig sa kanya.

"Sige punta na ako sa office niya." sabi ko kay belle

Pagkatalikod ko kay belle pumunta na agad ako sa opisina ni tabatchoy, bahala na kung sigawan niya ako bahala na talaga.

"Why are you late Ms. Castro hindi mo ba alam na ang ayaw ko sa lahat ay yung nalalate." mataray  na sabi ni tabatchoy sa akin

"Mrs. Santos traffic po sa edsa kaya late ako, tsaka ngayon lang po ako nalate." mahinahong paliwanag ko sa kanya

"At sumasagot ka pa talaga ah " sigaw niya sa akin

"Hindi naman po ma'am hehe sinasabi ko lang po yung totoo." sabi ko sa kanya habang ngumingiti ng plastic

"Btw did you finish the report that i told you yesterday?" tanong ni Mrs. Santos

"Hmmm yun po pala hehe." bwicit di ko alam sasabihin ko

"Ano Ms. Castro tapos na ba?" tanong niya ulit

"Sa totoo po niyan ma'am hindi ko pa po talaga nasisimulan." sagot ko

"Ang simple simple ng pinapagawa ko sayo di mo pa nasisimulan." sigaw na sabi sabi niya

"Sisimulan ko na po mamaya hehe." sabi ko sa kanya

"Labas, siguraduhin mo lang mamaya na bago ka umuwi tapos mo na yan ah." sigaw niya ulit sa akin

"Yes ma'am no problem." sagot ko sa kanya at pilit ngumimgiti ng peke

"Siguraduhin mo lang." sabi niya sa akin habang tinatarayan ako





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected DestinedWhere stories live. Discover now