CHAPTER 02

452 11 0
                                    

Gen Iris' POV

"HUY! AudieCricket's tayo later?" pag-anyaya sa akin ni Kirtsen.

"Ahh, no thanks. May aasikasuhin pa kami ni Goldiever mamaya pagka-tapos natin dito."

"Teka nga... Ka ano-ano mo ba si Mr. Perfect Nickel? Hmmm... Isa kang malaking sana all besh!" nanunuksong tanong niya. Natawa nalang ako sa kanyang inaakto.

"Dr. Nickel is a dermatologist. He's my----"

"Hey, Nurse Iris..." naputol ang ibig ko sanang sabihin kay Kirsten nang tawagin ako ni Dr. Simon.

"Good afternoon Doc. What can I help you?" paggalang kong tanong sa kanya.

"Ah nothing... I'm just going to ask if you're free later? I mean... yeah?" tugon niya.

Nagka-tinginan pa kami ni Kirsten na parang nag-tatanong sa isa't-isa. Saka binalingan ko ang Doktor na nasa harap ko.

"Is it somehow important doctor? is it about work?" naiilang kong sabi pero naiinis na ako.

"Actually no, I'm gonna ask if you can come with me. Dinner something... like that."

Nag-buntong hininga nalang ako. Ever since I worked here in Moridalé Medical Center.

Nanliligaw na itong doctor na ito. Pero ang kinaiinisan ko ay noong tinanong palang niya akong pwede niya ba akong ligawan ay kinabukasan noon ay may party sa isang bar dahil birthday narin ng kasamahan kong nurse. Ay hindi ko inaasahan na nandoon din siya sa bar pero hindi namin siya kasama. May babae siyang kalandian na naka patong pa sa kanyang lap habang nag-hahalikan. Yucks!

Mabuti nalang noong nag-tanong palang siya kung pwede niya ba akong ligawan ay hindi na ako pumayag.

Gwapo naman siya... I mean sobrang gwapo!

He has this light brown honey eyes, sharp pointed nose, maninipis na mga labi, matangkad, maganda ang pangangatawan... Ah basta!

Ang kaso lang kahit sobrang gwapo niya ay hindi ko siya type. Iyong parang ang choosy ko sa part na yon?Hahaha! pero anong magagawa ko? ayoko eh!

At noong first palang ay naka-sense narin ako ng aura niya na hindi maganda, I don't like it.

Marami siyang Hoes.... It's been a hundred times.... Well not litteraly hundred, but I always coincedentally see him with girl... girls!

Kasi as I observed iba-iba kasi sila eh... Every month, every week, or even every night. Pfft.

Pero hanggang ngayon nangungulit parin siya sa akin. Baka akala niya makukuha lang niya ako sa patingin-tingin niya sakin. So wrong! Edi sana ex ko na rin siya ngayon.

"Oh. Haha! I'm sorry Doc but I have an appoinment with 'My' derma doctor later." ginamit ko nalang ding palusot si Goldiever. HAHAHA! charot! Appoinment daw.

"Really. So can I just atleast take you to your doctor's appoinment?" palusot niyang sabi.

Of course NOT! The derma doctor himself will pick me up later. BWAHAHAHA!

Ito rin! Kaya ayoko rin sa kanya dahil pure swiss siya at puro English amp!

"No thanks, someone will pick me up later." walang pag-alinlangan kong sabi.

"I see. See you tommorow then." tumango lang ako sa kanya at tinalikuran niya kami at nag lakad patungo sa kaniyang office.

"Huy. Naasar siguro yon si Doc. Haha! binasted mo eh!" natatawang sabi ni Kirsten sa akin.

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now