CHAPTER 03

331 11 0
                                    

Gen Iris' POV

8:15 in the morning... Switzerland time.

Nakarating ako sa ospital. Nag lalakad ako sa hallway patungong station ko at ipina-check ko na rin kay Kirsten ang Hospital chart sa kahapon at ng mga pasyente.

Pumunta ako sa sarili kong table ng marating ko ang station namin. Ibinaba ko ang bag ko at ipinatong ang dalawa kong siko at sinapo ko ang aking ulo.

Hindi na maganda ang pakiramdam ko mula nang magising ako nitong umaga. Medyo masakit ang ulo ko at nanghihina ako.

"Hey Nurse Iris, are you alright? you look quite pale?" tanong ng isang kasamahan kong nurse sa station at medyo lumapit sa akin.

"I'm okay sky, it's just I feel dizzy." tipid ko siyang nginitian.

"Have you taken a med Nurse Iris?"

Tumango lang ako sa kanya at isinigurado ko sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala. Kaya ko namang mag-trabaho kahit mabigat ang katawan ko. It's not the first time happened to me.

Ako kasi ang nangunguna sa mga nurse dito sa Moridalé. I'm the head nurse. Kaya maayos lang din na if tinatawag ko sila sa kanilang pangalan dito sa station namin.

Sa station namin dalawa lang kami ni Kirsten ang pinay, ang lahat ay swiss na. Halos lahat sa kanila dito ay one or two years younger than us. Kaya para lang ding mga nakababatang kapatid ang mga ito.

"Huy! kumain ka na?" tapik sakin ni Kirtsen sa braso. Hindi ko man lang namalayan ang pag-lapit nya.

Tumango lang ako sa kanya at kinuha ang cooling menthol oil para ipahid sa sentido at singot-singhotin ang menthol.

"Lah! Ayos ka lang? may sakit ka ba? " nag-alalang tanong ni Kirsten sa akin.

"No... wala, mabigat lang talaga ang pakiramdam ko. Hindi na maganda kanina pa ng magising ako." paliwanag ko sa kanya.

"Eh uminom ka na ba ng gamot?" tanong niya ulit at tinanguan na naman.

Isinandal ko ang akin ulo sa mesa pero ginamit ko ang mga braso ko para maging unan ko. Pumikit-pikit muna ako dahil mabibigat talaga ang mga mata ko. Ng biglang may nag text.

Dinampot ko ang cellphone ko at tiningnan ko kung ano. Messenger.

From: Trizia Peralta

"Hoooyyyy! kamusta ka na?!?!?!"

Natawa naman ako. Ever since kasi noong umalis ako sa pilipinas ay parang biglaan ang lahat. Ang mga relatives at family ko lang ang nakakaalam na lumipad ako pa-Switzerland. Ang mga kaibigan ko naman ay nalaman lang sa pamilya ko, hindi kasi ako nag-paalam....lalo na kay Trizia. Kaya alam kong nag-tampo iyon sakin.

"I'm good Zia. Ikaw? kamusta ka na? Hahaha! Saan ka nagta-trabaho?" I tapped send.

She replied "Nandito parin ako sa Pilipinas hahaha! I bet mas lalo kang gumanda dahil sa weather diyan."

"Hindi naman. Nandito ako ngayon sa ospital. Kakapasok ko lang, eh ikaw?"

She replied "Ahh off ko na, night shift ako eh. Kailan ka uuwi? I've heard ikakasal na si Lycha?"

"Ah yeah, maybe uuwi ako January or February para naman mas mas mataas ang panahon ko with the fam at magpapaalam pa naman ako dito eh. And it's still october pa naman."

She replied "Ah, ganoon ba? magcha-chat ako mamaya sayo ah? may chika ako hahaha!"

"Sige sige. Oras ng trabaho eh." sent

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now