CHAPTER 44

132 5 0
                                    

Gen Iris' POV

Nag-bihis ako ng white dress na hanggang tuhod at nag-lagay din ako ng light make-up at pinaresan ko naman iyon ng red na flat shoes. Magkikita lang naman kami ngayon ni Trizia hehehe. Nag-usap na din kasi kami kanina nang magising ako na mag-kita kami ng 10AM sa usual place na pinupuntahan namin noong college pa kami. JoRavina's Café yiieeekk.

Patalon-talon pa akong bumaba sa bawat hakbang sa hagdan. Gumawa iyon ng tunog at naagaw ang atensyon ng mga taong nasa sala na nakatingin na sa akin ngayon.

Nandoon sina mama at papa sa kusina na nagsa-snacks at si Goldiever naman at Ravhester ay parang isang metikolosang nanay na sinusuri ang kabuoan ko from head to foot! Nakita kong nalukot ang pagmumukha ni Goldiever. Pffttt! Nag-tataka siguro siya kung bakit ganito ang sout ko pero inilabas ko lang ani dila ko at nag make-face na ikinatawa naman ni Ravhester.

Nilagpasan ko nalang sila at nakangiting dumeretso pa ako kina mama at papa at sinalubong sila nga halik yiieeekk ang sweet ko talaga! Natawa naman sila sa inakto ko at maging si mama ay nag-taka din sa sout ko.

"Mukhang maganda ang gising mo ah! May lakad ka?" nakangiting tanong pa ni mama sa akin at nakangisi naman akong tumango.

"Magkikita ko kasi kami ni Trizia ngayon hehehe—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil mula sa sala ay biglang sumingit sa Ravhester.

"Si Trizia nga ba? hmmm parang hindi naman yata! Ma, pansin niyo? ang blooming ni ate ngayon at parang mapupunit na ang mukha dahil kakangiti. I smell something fishy ate ah!" pang-aasar niya pang sabi at napairap naman ako at nakapamewang na hinarap siya.

"Wow! Hindi ba pwedeng kahit minsan man lang ay hindi mo ako pinag-iisipan ng ganiyan?! Bakit?! Bawal na ba akong maging blooming? at teka? ngayon lang ba ako blooming?! Everyday kaya!" maarte kong sabi at narinig ko naman natawa si papa.

"Hayaan mo na ang ate mo Ravhester! Matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya. Mas dapat nga tayong matakot kung matanda na siya at wala pa siyang nobyo! Mag mamatandang dalaga ang ate mo hahaha." sabi pa ni papa at napanguso naman ako sa pang-aasar niya! Sinuway naman si ni mama at natawa naman ako.

"Maganda lang ang gising niyan dahil nagkausap na siguro sila ni Thorn kagabi." mahinang sabi ni Goldiever pero narinig ko parin. Tiningnan ko siya at nakangisi lang siyang nakatutok sa TV! Abaaa! Inilalag-lag niya ba ako! Siya lang din kaya ang nag-bigay ng number ko no! Nanlaki naman ang mga mata ni Ravhester at tumingin sa akin na napatakip pa sa bibig! Ang OA talaga ng batang to! Kulang nalang ay mapagkakamalan ko siyang bakla.

"Sinasabi ko na nga ba na may something talaga sa kanilang dalawa ni kuya Thorn! Ayyy bet ko siya para sa'yo ate! Hahaha!" natatawang sabi niya at napa cross-arms naman ako.

"Chee! May gusto ka lang kay Victoria eh!" natatawang sabi ko at napatigil naman siya sa kaniyang pang-aasar sa akin at lahat ng tingin ng mga tao dito sa bahay ay nasa kaniya na! ha! Ano ka ngayon!

Parang nangangapa siya sa katawan niya kung anong masasabi niya sa sinabi ko! Luuuhh! Kahit kailang ay naduduwag talaga ang taong to! Lalaki pa naman! Hays. Tiningnan ko na ulit si mama at papa at nag-paalam na ako ulit.

"Take care anak, drive safely." nakangiting ani papa at kinindatan ko lang si Goldiever at ngumisi lang ito. Si Ravhester naman ay tulala na kailangan ko pang tapikin ang balikat niya para matauhan siya. Hahaha!

Nakangiti lang ako habang nagda-drive ako papuntang usapan namin ni Trizia. 9:10AM palang naman at sinadya ko pang umalis ng maaga dahil nagki-crave na naman ako ng McDonald's fries. Dahil wala naman akong nakitang McDonald's malapit dito sa JoRavina's ay pinark ko nalang ang kotse ko sa parking lot ng isang mall. Papasok nalang muna siguro ako para pasulubong ko din kay Trizia, hindi ko siya natabihan kasi ng regalo noon kaya ngayon ko nalang siya bibigyan.

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now