CHAPTER 38

112 5 0
                                    

Gen Iris' POV

It's already 3:00 in the afternoon. Philippine time. Nasa veranda ako ng bahay ngayon, nakaupo at tinatanaw ang buong paligid sa labas ng bahay namin.

Umuwi na ang mga pinsan at kaibigan namin pagkatapos ng tanghalian kaya naman tahimik na naman ang bahay.

Sinalubong ko ang simoy ng hangin dito sa veranda. Hindi kasi ako makatulog kahit anong pikit ko. Kaya dito ko nalang pinalipas ang oras ko.

"I knew I'd find you here." nilingon ko ang pinanggalingan ng boses sa likod ko at napangiti naman akong si Goldiever iyon papalapit sa akin. Hindi ko nakilala agad ang boses niya dahil paos ito ngayon. Masiyadong marami kasi ang naimon niya kagabi tssk!

Humila siya ng isang upuan at tumabi siya sakin. Sumandal din siya sa bakal na nandoon gaya ng ginawa ko. Tiningnan ko siya at natawa naman ako ng tumingin din siya sa akin. Kaya ang ending.......        

"Pfffftt! BWAHAHAHAHA!" so yon natawa kami sa mga pagmumukha namin. Hays mga abnorms.           

"Nasan ang regalo ko? ikaw ah!" biro ko sa kaniya. Natawa naman siya sa tanong ko.         

"Tanga ka ba? eh yung binigay ko sa'yo kagabi?" natatawang tugon niya sa akin. Hinampas ko ang braso niya dahilan na matawa siya at umiwas naman.           

"Eh isang plastic ng candy yon eh! Anong akala mo sakin?!" nakasimangot kong sabi sa kaniya pero tinawanan niya lang ako ng tinawanan. Nang ma kontento na siya sa tawa niya ay sumeryoso naman siyang nakatinging sa labas.          

"Actually nasa kwarto pa ni Ravhester eh. Kukunin ko nalang mamaya, I'm sure magugustuhan mo yon." sabi niya at hindi ko naman mapigilang mapatili dahil na i-excite ako!

Hahaha! The last time kasing sinabi niyang surprise ang regalo niya niregalohan niya ako ng sasakyan. Nasa Switzerland kasi kami noon pero ang sasakyan na sinasabi niya ay nandito sa Pilipinas. Kaya mukha kaming tanga.

"Ang boring na dito. Ang tahi-tahimik na ulit ng bahay. Ano kayang magandang gawin?" tanong naman niya at umakto naman siyang nag-iisip. Kaya nag-isip naman ako hahaha!         

"Mag mukbang kaya tayo?" suggest ko sa kaniya pero hindi siya kumibo at nag-iisip parin.         

"Road trip?"               

"Ano ba yan-"                  

"Pumunta kaya tayo sa Enchanted Kingdom?" nanlaki at hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya, habang siya naman ay abot tenga sa lawak ng kaniyang ngiti. Kulang nalang mag flap ang mga tenga niya dahil sa saya. Tssk!

Napag-isipan ko naman, Enchanted kingdom isn't a bad idea. I mean.............      

"Ngayon? Agad-agad?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya at nag-isip naman siya ulit. Loko talaga tssk.        

"I was thinking na bukas pa sana eh. Pero today is more fun isn't it? HAHAHA. Maliligo na ako! Sasabihan ko na din si Ravhester!" nakangiting aniya at nag-mamadali naman itong tumakbo palabas. Natawa nalang din ako sa inakto niya at napailing.

Alam kong seryoso si Goldiever sa kaniyang mga gusto kaya naman ay naligo na din ako at nag-suot ako ng maong shorts at beige U-back top. Pinaresan ko iyon ng Keds white shoes. Inayos ko ang buhok ko, nag-ponytail lang ako at naglagay din ng konting make-up sa mukha.            

Alas singko ng hapon na kami natapos sa aming ginagawa before kami pupuntang Enchanted Kingdom.

Ewan ko ba kung ano nalang ang biglang pumasok sa isipan ni Goldie na gusto niyang mag E.K. Hays.

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now