CHAPTER 34

120 5 0
                                    

Gen Iris' POV

Nagising ako na may parang mabigat na nakapatong sa aking dibdib at parang ang sakit ng lalamunan at ilong ko. Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang maliwanag na ilaw at puting kisame.

Where am I?

Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong may dextrose sa gilid at may naka-tusok na needle sa akin. Nakita ko rin ang oxygen tank at amphitheater. Am I in a Hospital? Anong nang-yari sakin?

Nilingon ko ang kabuoan ng kwarto at napag-tanto kong ako lang ang nandito dahil walang tao. Pinikit ko naman ang mga mata ko para alalahanin kung ano ang nang-yari. Pero napatingin nalang ako sa Pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok doon si Ravhester pero hindi siya tumingin sa pwesto ko at dumeretso lang siya sa sofa. Kaya naman tinawag ko siya nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako.

"A-ate? you're awake!" masayang ani Ravhester at parang nanginginig pa ito. Nangunot naman ang noo ko sa inakto niya. Anong meron?

Lumapit naman siya sa akin at nag-alinlangan pa siyang ihakbang ang mga paa niya papunta sa akin. Pero nakalapit parin siya at nakatayo na siya sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

"Ate? okay ka na? A-ate? c-c-can you speak? please?" sabi ni Ravhester sa akin at naluluha. Nag-taka naman ako.

"Why? Are you okay? What's happening to you?" kunot-noong sabi ko at tuluyan nang tumulo ang luha niya. Tumalikod siya sa akin at napasabunot naman siya sa sarili niyang buhok!

"Damn!" impit niyang sabi at parang galit?! "Ikaw ang nakahilata jan sa kama at ako pa ang tatanungin mo kung okay lang ba ako!?" sabi niya sa gitna ng kaniyang pag-iyak at humagulhol siya. Tahimik lang akong tumitingin sa kaniya.

"I should have known! Ate, I should have known! Bakit hindi mo sinabi?!" tanong niya sakin na umiiyak parin. Ano bang sinasabi niya? Naguguluhan na ako!

"Ano bang sinasabi mo?! Bakit bigla ka nalang nagagalit sakin ha?! Ano ba kasi ang nangyari? At bakit nandito ako ngayon?!" galit kong sambit sa kaniya dahil hindi ko napigilan ang pagtataka. Nanlambot naman ang mata niya at umupo sa sofa na nandoon sa room ko. Humagulgol lang siya at inangat niya ang paningin sa akin bago nag-salita.

"Ate...Your phobia attacked you. It was so sudden. Alam naman namin ni Goldiever na may Thalassophobia ka pero nakalimutan namin yon dahil sa excitement namin at hindi ka pa namin nabantayan." umiiyak na sabi ni Ravhester at napatakip naman siya sa bibig niya.

Thalassophiba is a Phobia. Fear in deep waters or in a large deep body of waters. People who has this phobia is mostly afraid in oceans.

Natauhan naman ako sa sinabi ni Ravhester at naalala ko ang nang-yari. Nahulog ako sa tubig nang may tumulak sa akin at nawalan ako ng malay. Pero ano ang sumunod na nang-yari?

"Ate? anong araw ngayon?" tanong sakin ni Ravhester at natigilan naman ako. Hindi maganda ang kutob ko sa pangyayari.

"Monday?" tanong ko naman sa kaniya dahil naalala ko kasing sunday kaming pumunta sa Cebu. Sa Oslob.

"What date?" tanong ulit sa akin ni Ravhester. Why is he asking me those things? Hindi naman ako na comatose diba?

"December 10." sabi ko sa kaniya at yumuko naman siya at narinig ko siyang humihikbi.

"Can you tell me what really happened?" kunot noo kong tanong sa kaniya at inangat naman niya ang tingin niya sa akin at pinunasan ang mga luha niya. Namumula nadin ang mga mata at ilong niya dahil sa pag-iyak.

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now