CHAPTER 51

103 5 0
                                    

CHAPTER 51

Thorn Zacheuss' POV

Being with Iris is a whole ocean of happiness for me. But being here in here room is making me sweat more than normal. It's making me nervous. Why is it?

Naka-on naman ang aircon pero pinag pawisan parin ako ng todo. Naiwan akong mag-isa dito sa kwarto niya dahil bumaba ulit si Iris matapos niya akong ihatid dito. Sabi niya kasi dito nalang daw ako mag palipas ng gabi. Hindi ko alam kung bakit pero pumayag naman ako agad dahil niyakap niya ako kanina at parang ayaw niyang umalis ako.

It made my heart flew out it's glee, for Iris wanting me to stay.

Inilibot ko ang paningin niya sa kwarto niya. Malinis, organized, and divided. Wala akong makitang kalat at parang kumikislap pa ito sa mga mata ko dahil sa linis. Naamoy ko rin ocean smell na air freshener. So calming.

Naagaw ang atensyon ko sa mga picture frame na naka sabit sa ibabaw ng head borad sa kama niya.

Nakangiti kong tiningnan iyon isa-isa pero unti unti rin nawala ang mga iyon dahil karamihan sa mga litrato'ng nandito ay picture nilang dalawa ni Goldiever noong mga bata pa sila. At ang napakunot pa sa noo niya at sumalubong sa kilay niya ay ang wedding picture nilang dalawa na....

nag-dirty finger?!? What the—

Nanumbalik tuloy ang kinuwento ni Iris ang totoo tungkol nilang dalawa ni Goldiever. Sa una ay hindi ako makapaniwala na ang lalim pala ng relasyon nilang dalawa simula pa noong mga bata pa sila hanggang sa paglaki.

At ang sakripisyo nilang dalawa para sa para sa kanilang pamilya. Medyo kumirot ang puso niya dahil mas mahirap pala ang pinagdaanan nilang dalawa kung ikompara sa akin.

Napangiti naman ulit ako nang makita ko ang isang picture frame at si Iris ang nag-lalaman doon. She looks like sixteen in the picture dahil mas bata ang mukha niya kung ikompara ngayon na 26 na siya.

Saan ko nalaman na 26 na siya? Edi sa personal profile niya doon sa ospital. Pinakiusapan ko si Doctor Taylor na matingnan ang profile niya at pumayag naman ito.

Her birthday was on April 24, 2002. This year is 2027. She's still actually 25 dahil december palang naman ngayon. Next year pa siya sa 2028 mag 26.

May nakita akong parang study table kaya lumapit ako doon. In-on ko ang lights stand na nandoon at nasilayan ko ang mga sandamakmak na librong nasa mesa. Puro novel, at ang nakaagaw sa atensyon ko ang isang novel.

Kinuha ko at tiningan iyon... Ahhhh kaya pala familliar. Ito 'yong novel na binabasa niya noong una kami mag-kita sa Switzerland.

Napaigtad naman ako nang makarinig ako ng pag-bukas ng pinto at pumasok na si Iris! Inilapag ko agad ang libro'ng iyon at humarap sa kaniya.

"I-i'm sorry. I was j-just looking at it." sabi ko pa at nauutal. Tssk!

"Ahh, no. It's fine." nakangiting sabi niya pa at naka-ginhawa naman ako ng maluwag.

Lumapit siya sa kama at umupo doon. Inayos niya ang sheets at tiningnan ako.

"I'm sorry if I let you stayed for the night. It was just..... It's just dangerous outside." mahinang sabi niya.

Napangisi naman ako sa sinabi niya. She's concern for me, and it made my heart thump than it's normal.

Lumapit ako sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya. Natawa naman ako dahil baka akala niya siguro kung anong gagawin ko.

"Thank you..... but I also think that I can go home safe by myself. But if you insist for me to stay, then it won't be a problem. For you, I'll stay." sabi ko sa kaniya.

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now