CHAPTER 05

289 11 0
                                    

Gen Iris' POV

Kinaumagahan nagising ako dahil feeling ko ang init ng paligid at pinagpawisan ako. Doon ko rin nagpag-tanto hindi pala ako nag-aircon kagabi dahil giniginaw ako.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili, hindi naman na ako mainit. Pero iinom parin ako ng gamot para maka-siguro. Mahirap na pag nagkataon at babalik. Nababagot kasi ako kapag nandito lang ako sa bahay, may sakit, at walang ginagawa. Hindi ko naman ugali ang lumabas o pumunta ng mall. Pupunta man ako ng mall pero ang bibilhin ko lang ay mga kailangan sa bahay.

Bumangon ako at dumeretsong banyo. Naghilamos at nagsipilyo muna ako. At bumaba na ako sa kusina para mag-luto ng aking breakfast. Nang madaanan ko ang sala ay tinanaw ko muna ang malaking wallclock na nakasabit.

Tssk! 9:45 AM na pala!

Napasarap ang tulog ko....

Nag-luto ako ng bacon, ham at nag mash narin ng potatoes. Hindi ako masyadong nagra-rice dito. Kasi nasanay narin ako na bread, oatmeal, potatoes and kinakain as rice.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko agad ang mga pinagkainan ko. At tiningnan ko ang kabuoan ng pad ko.

Malaki naman ang pad ko. Pang pamilya ang laki. Pero ako lang ang mag-isang nakatira. Wala pa akong dinalang tao dito, SINCE!

Kahit si Kirsten na siya lang ang naging close ko dito. Hindi ko kasi feel ang mag-dala ng tao sa lugar ko. Mas trip ko na kasi ngayon ang mag-isa.

Naisip kong maglinis nalang ng pad ko pero hindi lang masyadong magpapagod dahil baka mabinat ako. Hindi na kasi ako masyadong nakakapag-linis dito dahil busy narin sa trabaho.

Nag vacuum, sanitize, at nag arrange lang ako ng mga libro sa aking mini library, nag-linis ng aking kwarto at itinupi ang aking mga damit na nagamit na para dalhin sa laundry. Hindi na ako ang nag-lalaba ng mga damit ko since I moved here in Switzerland dahil nag-simulang hectic ang schedule ko dahil baguhan palang ako noon.

Pero hanggang ngayon kahit na promote na ako to higher position as nurse ay nasanay nalang ako magpa-laundry ng mga damit ko. At lalo na ngayon hindi din ako pwedeng mag-laba dahil nasa recovering stage palang ako sa lagnat ko.

Inilagay ko sa laundry basket ang mga damit na itinupi ko ng matapos. At inilagay muna sa gilid ng kama ko ang basket.

Bumaba ulit ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Kinuha ko ang garbage bag na ipinagtapunan ko ng mga basura galing sa paglilinis ko at lumabas para ilagay sa curb. May dadaan kasi ngayon na garbage truck para i pick up ang mga basura dito sa village.

Nang mailagay ko ang sa curb ang basura ay may nakita akong nagja-jogging sa labas nga curb. Paikot kasi ang kalsada sa part ng village na napili ko tayuan ng pad.

Familliar sakin ang tumatakbo pero hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Hindi ko masiyadong maaninag ang mukha. At napansin ko ring mabilis siya tumakbo paikot at patungo sa gawi ko.

Tumalikod na ako sa curb at papasok na ulit ako sa bahay. Hindi pa ako nakakalayo sa curb. Babaliwalain ko na sana ang nakita ko kanina nang makarinig ako ng yabag ng tumatakbo sa likod ko at malakas na hangin na parang dumaan! Sumunod naman ang napakabangong pamilyar na amoy ng lalaki. Nakalagpas na siguro ang lalaking nakita kong tumatakbo kanina.

Nilingon ko ang left side kung saan siya lumagpas pero nagtaka ako ng huminto siya at pumasok sa bahay na katabi ng bahay ko! Pumasok siya sa gate at sinusian! Pero hindi ko parin masiyadong maaninag ang mukha niya dahil medyo malayo naman ang pagitan ng kada bahay dito sa village. Pero.....

Doon siya nakatira!!!!

Eh ano naman ngayon? As if naman kilala ko ang taong iyon?!?! duh! Erase erase!

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now