CHAPTER 32

131 5 0
                                    

Gen Iris' POV

Nasa loob na kami ng eroplano nyayon at mag katabi kami ni Goldiever ng seat pero hindi ko kinikibo si Goldiever dahil tampo-tampuhan ang peg ko ngayon. Dahil medyo nahiya ako sa part na kasama pala si Thorn at kapatid niya samin papuntang Cebu at feeling ko ang panget ko ngayon. Nasa may bintana ako naka-upo at medyo nakatalikod ako ngayon kay Goldiever. Bahala siya jan! Hmmp!

"Iris?" tawag ni Goldiever sa akin pero hindi parin ako lumingon sa kaniya.

"Iris?! Ano bang ini-emo emo mo jan?! Parang kang tanga." sabi niya at nangunot naman ang kilay ko.

Wow ako pa talaga ang emo ha!

Kaya naman nilingon ko siya na may sarkastikong ngiti.

"Talagang ako pa ang emo ngayon ah? Ang usapan lang naman natin ay tayong tatlo lang ni Ravhester. Hindi mo nga nasabi sa akin na may isasama ka palang.......mga kaibigan." mahinang singhal ko sa kaniya. Pssh.

"They're my friends lang naman. At sasabihin ko na sana sayo noong nasa hotel pa tayo pero bigla ka nalang nawala sa kwarto ko. Wag ka nga!" maarte niyang sabi at sumandal naman sa headborad ng upuan. Inirapan ko lang siya at tumalikod ulit.

Naalala ko naman noong isang gabi na nasa hotel pa kami noong may tumawag sa kaniya at sinabihan niya akong wag muna lumabas pero lumabas parin ako dahil antok na antok na talaga ako. Hindi ko din kasi alam na possibleng si Thorn ang tumawag sa kaniya!! Ehhhh!!

Wala na naman akong magagawa kaya naman ay tinext ko nalang si Maica na nasa eroplano na kami at nag-reply lang siyang tapos na sila lahat. Isinilid ko nalang ulit ang phone ko sa sinuot kong jeans.

Oslob. Oslob. Oslob.

Famous ang lugar na 'yan sa kanilang swim with the whale sharks o tinatawag nilang tuki sa taga doon. Okay naman sana kung hindi ako kulitin nilang lumangoy dahil ayokong lumangoy sa dagat o sa may malalaking isda. Natatakot ako pag nasa ilalim ako ng tubig feeling ko may hihila sa akin pababa at kakagatin ako ng mga malalaking isda at hindi na makaka-ahon.

Napapikit naman ako ng mata sa iniisip dahil nagsi-tayuan lahat ng balahibo ko. Iniisip ko palang ang kulay blue na tubig! Grrrr.

Madali lang ang biyahe from Manila to Cebu para lang kaming sumasakay ng jeep na may mahal na pamasahe hahaha! Kaya naman dahil pa tampo-tampuhan ang eksena ko kinuha ko na ang bag ko at iniwan ko na sila.

"Ate sandali!" hingal na sabi sa akin ni Ravhester. Sumunod pala siya sa akin pero hindi ko siya nilingon hanggang magka-sabay kami ng hakbang.

"Alam mo ang daan ate?" tanong ni Ravhester sa akin at napatigil naman ako ng lakad. Tiningnan ko siya. Oo nga no? Hehehe.

"D-dito nalang tayo. Hintayin natin sila para sabay narin tayong lahat papuntang South Bus." sabi ko at nag-iwas ng tingnin.

"Bakit ka kasi nag-mamadali?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Nilibot ko lang ang paningin ko sa Mactan. Nakalabas nadin kasi kami ng Airport.

Maganda dito, sa Cebu. Pero hindi ako masiyadog nag-pupunta dito. As far as I remembered ay nakapunta lang ako dito noong graduation ni Chequi which is kapatid ni Maica. Kaya naman ay hindi ako masiyadong pamilyar sa mga sulok ng lugar dito sa Cebu.

Ilang sandali pa ay narinig kong tinawag ako ni Victoria na nag-lakad takbo siya papunta sakin.

"I think we should grab a taxi nalang. Wala daw masiyadong taxi dito ngayon dahil siguro nagho-holiday din ang mga drivers." sabi ni Thorn sa amin at nag-simula na siyang mag-grab gamit ng phone niya.

My Sweet LuckWhere stories live. Discover now