Chapter 10 (Jealousy to Cheesy)

38 4 0
                                    

Pagkatalikod ko, nagpasya na lang akong manood ng movie sa AVR (Audio Visual Room). A Walk to Remember, 10 pesos lang ang bayad. Kala ng Luke na yun, susundan ko siya? No way!

Fourth floor pa lang, hingal na hingal na ko. Kulang kasi sa exercise e.

Pagpasok ko sa loob, hindi pa nag iistart at konti pa lang ang tao. Umupo ako sa bandang gitna. Nilabas ko din yung panyo ko para prepared, nakakaiyak daw kasi tong love story na to e. Nang dumilim ay natahimik na ang mga estudyanteng kanina pa nagdadaldalan.

"Miss may nakaupo ba dito?"

Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko siya masyadong mamukhaan, madilim e. Noong umilaw na yung screen, naaninag ko siya konti. Gwapo at matangkad. Parang pamilyar sya sa akin.

"Wala."

"Pwede maupo?"

Muntik ko ng maitirik ang mata ko.

"Oo naman. Hindi naman akin yan e."

Hindi ko naiwasang magtaray. Istorbo kasi sa panonood ko. Hindi na lang umupo kung uupo, dami pang tanong.

Hindi na siya kumibo at umupo na sa tabi ko. Ako naman, nakafocus na sa pinapanood ko. Half part pa lang ng movie napapa awwwww na ang puso ko. Parang ang sarap mainlove. Parang ang sarap maniwala sa FOREVER.

Maya maya pa naluluha na ko. Madali akong maapektuhan sa ganito e. Iyakin ako e.

Kinapa ko yung panyo ko sa kandungan ko, pero wala akong nakapa. Napatingin ako sa floor, yung panyo ko, inaapak apakan lang ng katabi ko!  Grrrrrrr!

"Yung panyo ko! Excuse me!"

Mataray kong sabi. Nakakainis e! Anong ipangpupunas ko sa luha ko ngayon? Magpuputik yung mukha ko.

"Naku, sorry Miss. Hindi ko sinasadya, hindi ko napansin na nalaglag ang panyo mo."

Hmmmm. Deep masculine voice. Nakakakilig! Ay teka, inis nga pala ko.

"Kahit magsorry ka pa, nadumihan na ang panyo ko. Malilinis ba ng sorry mo ang panyo ko?"

Binuksan nito ang bag nito at pagkatapos ay inabot ang panyo nito sa kanya.

"Heto, gamitin mo ang panyo ko. Malinis to, wag kang mag alala. Ipangtuyo mo sa luha mo."

Nagulat man ako sa ginawa niya ay hindi ako nagpahalata. Dahil no choice ako, kinuha ko yung panyo niya at bahagyang idinampi sa mga mata ko. Nagustuhan ko ang amoy ng panyo niya. Ang ganoong pabango ang tipo ko sa mga lalaki. Very manly.

Sakto din namang natapos na yung movie. Tumayo na ko tapos inabot sa kanya ang panyo.

"Salamat sa pagpapahiram mo sa panyo mo."





"Sa'yo na yan, itabi mo. Wag ka na ulit luluha ha? Mas bagay sayo ang nakangiti."

Tumayo na rin ito at agad tumalikod. Hanuuuuu dawwwww?

Naguluhan ako sa sinabi nya a. Hahabulin ko sana siya, kaso nawala siya agad. Nilagay ko yung panyo niya sa bag ko at bumaba na. Uuwi na ko, wala na naman akong gagawin e.

Naglalakad na ko sa corridor ng biglang...









May humatak ng kamay ko at iposas ako! Help!!


Pero wala akong nagawa para makatakas, dalawang lalaking mas matangkad sa akin ang may hawak ng braso ko.

Namalayan ko na lang, pinapasok na nila ko sa jail booth. Sino kayang maglalabas saken dito? Kelangan klasmeyt ko ang magpiyansa sa akin e.

Umupo na lang ako sa isang sulok, ako lang ang bilanggo e. Mukhang nakalaya na yung iba.

"Bitawan niyo sabi ako e! Babayaran ko na lang kayo. Magkano ba? Dodoblehin ko pa."

Nabuhayan ako ng loob kasi may makakasama na ko, kaso parang pamilyar saken yung boses ng sumisigaw e.



"IKAW?????"

Di bale na palang wala akong kasama at mapanis ang laway ko, kesa kausapin ko yang insensitive na yan.

Hindi kumibo si Luke pero ramdam ko yung mga titig nya saken. Yumupyop ako sa tuhod ko. Naramdaman ko yung pagtabi nya sa akin.

"Kulit, sorry na. Galit ka ba?"

Tinusok tusok pa niya yung tagiliran ko.

"Ay hindi! Tuwang tuwa nga ko sayo e. Sarap kasi sa pakiramdam na bigla kang talikuran at iwanan e. Nakakatuwa ka nga no?"

Punong puno ng sarkasmo na sabi ko.

Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko, ganyan yan pag naglalambing. Talo pa ang pusa.

Pigil Joy! Wag kang bibigay! Sungitan mo pa! Tinulak ko siya.

"Tse! Alis nga!"

"Wag mo na kong itaboy oh. Sorry na. Kasalanan ko bang..."

Pabulong lang yung huli niyang sinabi.

"Kasalanan mo kung ano?"

Humarap na ko sa kanya. Wrong move. Magkalapit pala kami masyado. Bumalik tuloy sa isip ko yung accidental kiss namin. Ay peste! Erase!

"Wala!" Umiwas siya ng tingin kaya ako naman napaisip.

*TING!*

"Teka, nagselos ka?!"

Hindi siya kumibo pero namula siya. Oh well, silence means yes di ba?

"Sorry na ha? Wag ka ng magalit."

Kinurot niya yung pisngi ko at nagpaawa look kaya natawa na lang ako.

"Ang seloso ni Letmaku."

Sinandal niya yung ulo nya saken at bumulong.





"Ganun talaga. Mahal kita e."


If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon