Chapter 12 (Valentines + Prom)

63 4 0
                                    

Feb. 14.

Araw ng mga puso. First time kong may ituturing na special someone. Si Luke...

Sayang nga lang, hindi natapat na may pasok ang araw na to. Sunday ngayon, hindi kami magkikita ni Luke.

Naggreet na siya saken sa text. May "mwah" pa nga yung nalalaman e. Kaso sana talaga kasama ko siya. Namimiss ko sya e. Alam niyo yung ganung pakiramdam? Nasanay kasi akong lagi syang kasama, nagkukulitan at nagtatawanan. Boring tuloy kapag wala siya.

*vibrate vibrate*

This day I'm fully surrendering my heart to you. I promised Cupid that I will take care of your heart, if given a chance. Happy Valentines beautiful lady. - Mr. Hoping Heart

Huh? Nagtext si Mr. Hoping Heart? San nya nakuha number ko?  Grabe makapagpakilig. Pero wala akong pakialam. May Luke na ko e.

*Ding dong Ding dong*

Ako lang ang tao sa bahay kaya naman ako ang nagbukas ng gate. Tssss. May nantrip lang siguro sa doorbell namin. Wala namang tao e. Sasara ko na sana yung gate nang mapansin ko bouquet of red roses. Kinuha ko yung card at binasa.

Cupid's arrow got me bull's eye. Happy Valentines Beautiful.

- Mr. Hoping Heart

Seriously, Mr. Hoping Heart is getting into my nerves. Creepy.

Pinalipas ko ang maghapon ko na nanonood lang ng tv. Nabobore ako e. Malapit ng maggabi ng may magdoorbell na naman.

Sino na naman kaya to? Baka si Mommy na. I opened the gate and saw nothing again. Kumunot ang noo ko.

*Love Me For A Reason ringtone*

"Ay unggoy ka!"

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla na lang nag ring.

"Unggoy nga! Hahaha. Hello?"

"Hello kulit! Ang ganda mo, wala ka pang kaayos ayos nyan a."

Eeeeehh? Anong sinasabi nito?

"Nasaan ka ba?"

"Secret. Kulit pakidampot yung roses sa paanan mo."

Automatic akong napatingin sa paanan ko, 3 white roses at heart shape na box. Pinulot ko yun at napangiti.

"Anong pakulo mo Luke?"

"Happy Valentines Kulit ko. See you tom. Labyu."

*tooot tooot*

Tignan mo tong lalaking to, wala na kong nasabi, bigla na lang binaba yung phone.

Binasa ko yung nasa card.

Everyday with you is a special day, ano bang pinagkaiba ng Valentines?
Still, Happy Valentines Kulit ko.
Mahal kita.

- Luke

Tulungan niyo ko. Tumitiklop ang tuhod ko...

Sa kilig...!

Pagkapasok ng bahay, inopen ko agad yung heart shape na box. Di ako masyadong excited e. Hahaha.

At...

My heart melted...

Why is he so sweet? Sa loob ng box ay heart shaped chocolates na napapatungan ng heart shaped ding marshmallows. Naka form sila ng words na i heart joy.

Hay. Sabihin niyo saken, paano kong hindi maiinlove kay Luke?

---***---

[Luke's POV]

Hindi ko niyaya si Joy para magdate kahit Valentines. Kulang pa ko sa lakas ng loob e. Kaya nag effort na lang ako kahit papaano, espesyal sya saken e.

Natuwa na naman ako nung nakita kong napangiti ko siya habang pinupulot yung flowers at box.

I gave her 3 white roses, symbolizing my pure love for her and my sincerity. And the chocolates? Favorite nya yun e.

Worth it ang effort kapag ang nag appreciate ay yung taong mahal mo. Ang sarap sa feeling...

---***---

After Valentines, busy naman kami sa pagpeprepare para sa Seniors prom. Once in a lifetime lang to no. Excited na nga ko e kasi eto yung major event bago kami grumadweyt. Start ng practice namin ngayon. Kelangan kasing praktisin yung entrance namin e.

Nakapila ang girls at boys oppositely sa magkabilang building in a way na magmimeet kami sa gitna. Ako na next sa pila. Sino kayang kapartner ko? Sana si Luke.

Nothing's gonna change my love for you
You ought to know by now how much i love you

Naglakad ako papunta sa gitna and met my partner. He smiled at me and offer his arm. He's so charming and admittedly handsome. Kilala ko siya kasi tennis player siya.

Paul Ivan Smith. Automatically, I smiled back. Goodness! Heartthrob lang naman siya sa buong campus.

Plus he's my ultimate crush since I was in third year.

I super adore his chinky eyes that form into slits whenever he smiles. I almost fell in love with him, if only I let myself...

One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love

And now he's my partner. What a lucky day!

---***---

After the practice, gutom at uhaw na ko. Buti na lang bukas pa yung canteen kaya dun ako agad dumerecho. Pagkabili ko ng juice at japanese cake, inoccupy ko na yung isang table. Ang daming estudyante e, puro galing sa practice.

"Pwede makishare ng table?"

Napatingin ako sa nagsalita at bahagyang kinilig.

"Sure. Ikaw pala partner." I kidded and he smiled.

"Hindi ko alam kung tanda mo pa, pero naipakilala na tayo sa isa't isa dati sa church. Still, I want to introduce myself formally, I'm Paul Ivan Smith." He offered his hand and I took it.

"Eternal Joy Gil, oh yes, I remember. You are a part of the choir."

Umupo na sya sa tapat ko then we had a little conversation after. Nakakatuwa nga siya e. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang. Parang hindi sikat sa buong campus ang kausap ko. Ni hindi niya nga napapansin ang mga tingin at bulungan nga tao sa paligid namin.

Parang ako lang ang nakikita niya. Syempre feeling lang ako. Hahaha.

"Joy kulit, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

"Nauhaw ako sa practice e. Nga pala, Luke, si Paul, churchmate ko. Paul, si Luke, kaibigan ko."

Tumango lang si Luke at ngumiti si Paul. Tumayo na rin siya.

"Sige Joy, Luke, see you around."

Pagbaling ko kay Luke, nakasimangot siya.

"Problema mo?"

I examined his face with a curious look. I may be inquisitive at times.

"Siya yung Paul na crush na crush mo diba? Yung kinekwento mo saken?"

"Yup. He is. Then?"

"Wala. Close na pala kayo a."

Natawa ko.

"Nagseselos ka na naman? Nag usap lng kami e."

"Mukha ngang nag enjoy ka sa pakikipag usap e."

"Nakakatawa ka."

"Mahal kita Kulit."

Dugdug. Dugdug.

He never fail to make me feel that special kind of feeling..

Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinalikan...

If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon