Chapter 11 (Random Days)

34 4 0
                                    

[Joy's POV]

Sa sobrang bilis ng panahon, tapos na naman ang bakasyon namin. Hmmm.  Di ko na naichika sa inyo. Wala naman masyadong special sa Christmas at New Year ko, syempre naging special lang yun dahil kay Luke.

Gift nya saken?? Pink Stuff toy na Bunny na ang cute cute.

Gift ko sa kanya? Marshmallows lang. Kuripot ako e.

Buena mano ng start ng klase. Groupings agad. Hay nako naman. Role playing at napagkaisahan ako ng grupo na lead actress.

Di bale si Luke naman partner ko e.

Take note ang theme ay RUBY kaya modern ako dito, liberated at nagpapasexy. Hahaha. Malayong malayo sa totoong ako, but i accepted the role. Challenge to e.

Araw araw shooting kaya everyday I'm falling deeper for Luke.. Hay.. Hindi ko na maiwasang mainlove..

At ngayon nga may shooting kami. Taray! Shumushooting. Haha.

"Cut! Ang galing nyong dalawa! Parang totoo."

Si direk namin yan. Hahaha.

"Kulit kiss mo ko."

Tignan mo tong si Luke, nangungulit na naman. Ganyan yan e pag naglalambing. Umiling ako kaya sumimangot siya.

Tatawa tawang lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Lumapad ang ngiti ni loko.

"Yiiiiiieeeeeeehhhh!"

Yan, naasar na naman tuloy kami. Akala ng lahat boyfriend ko na si Luke. If ever, first namin ang isa't isa. :-)

Natapos namin ang mga scenes ng gabi na. Kanya kanya na silang uwian, kaya nag volunteer si Luke na ihatid ako. Kaso naman, sa halip na matuwa, nabwisit pa ko!

San ka naman nakakita ng ikaw ang ihahatid, pero ayun siya nauunang maglakad sayo?

Lumingon siya sa akin.

"Dalian mo baka may makakita sa atin."

E kung pugutan ko kaya to ng ulo para walang makakita sa kanya?

Anong gusto nyang iparating? Ikinakahiya niyang makasabay ako? Kabwisit talaga!

Huminto ako sa paglalakad at hinayaan siyang maglakad ng maglakad. Napansin niya siguro na wala na siyang kasunod kaya lumingon na naman siya. Tingin nya saken? Asong bubuntot buntot sa kanya?

I just crossed my arms and stared at him.

"Uy! Bakit ka nandyan? Halika na."

Insensitive brute! Arrrrgghh!

Lumapit ako sa kanya at nagsalita.

"Kung ikakahiya mo rin lang pala ang paghahatid sa akin, mas mabuti pang hindi mo na lang ako hinatid. Tutal parang wala din naman akong kasama. Umuwi ka na, kaya kong umuwi mag isa."

I said coldly then started to walk.

Sinundan naman niya ko kaya mas binilisan ko ang paglalakad.

"Kulit wag ka ng magalit. Sorry na. First time ko kasing maghahatid ng babae e."

Napakamot pa siya sa ulo at namula. Medyo nabawasan naman yung inis ko. NGSB nga pala tong isang to.

"Kung kinakahiya mo ko, mabuti pang-"

"Hindi kita kinakahiya, sa ganda mong yan? Ikaw nga dapat mahiya na kasama mo ko."

Tamang banat na naman tong isang to.

So siya na nagdrama ganun? Moment ko to e. Hindi na ko kumibo, tahimik kaming naglakad ng magkasabay.

Nang makarating kami sa gate ng bahay ay nagpasalamat lang ako sabay talikod.

"Kulit ko..."

Niyakap niya ko!

First time to!

"Sorry na, hindi naman talaga kita kinakahiya. Mahal ko? Ikakahiya ko? Hindi no!"

"Hoy! Makayakap ka! May makakita saten! Sige na, wala na yun."

"Promise? Hindi ka na galit?"

"Kulit nito. Hindi nga."

"Kiss mo nga ko..."

Pinatulis pa niya nguso niya, napangiti na ko. Tsss. Di ko naman natitiis yan.

"Mukha mo! Uwi na!"

Natawa lang siya at kumaway na saken bilang pamamaalam. Kumaway din ako pabalik.

Nakangiting pinagmasdan ko ang likod nya habang naglalakad siya palayo...

If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon