Chapter 4 (In like or In love?)

60 6 1
                                    

[Luke's POV]

Tsk. 5 mins. Na lang magiistart na ang first subject. Physics pa naman at sobrang istrikto ang teacher namin sa subject na to. Wala pa si Joy a, dati laging maaga yun. Ano kaya ang nangyari dun?  2 mins. before, dumating siya.

"Bakit ngayon ka lang?"

Ewan ko kung bakit hindi ko sya napigilang tanungin. Ngumiti sya,  nang aasar na ngiti.

Dugdug. Dugdug. Pakshet. Eto na naman ang puso ko. Tsk. Bakit ang ganda pa rin nya kahit nang aasar na yung ngiti nya?

"Namiss nya ko! Uyyyyyy!"

Aba! Mukhang malakas ang loob mang asar nitong babaeng to a.

"Huh! Mahiya ka nga sa balat mo. Natanong lang e."

Takte, defensive masyado yung tono ko. Nagulat ako nung tinusok tusok niya yung tagiliran ko, nangingiliti! Napailag tuloy ako kahit wala naman akong kiliti. Lakas ng trip nito o, kahit andyan na si Sir ayaw tumigil.  Sa halip na maasar, natatawa pa ko sa kanya. Cute niya kasi e. Oo na, aminado na ko. Cute siya.

"Ms. Gil pls. explain the illustration on the board."

Yari! Natawag si Joy kulit sa recitation. Gusto kong matawa ng malakas. Hindi kasi siya makasagot. Kulit kasi e.

"Mr. Locke, its your turn to explain the illustration."

Tumingin saken si Joy na parang nagsasabing "tignan ko nga kung masagot mo". Namilog yung mata niya ng walang kurap kong naexplain ang illustration.

"Sa susunod wag kayong daldal ng daldal during discussion. Understand?"

"Yes Sir." Sabay naming sabi. Tahimik lang si Joy. Pahiya konti, bukas bawi.

Kiniliti ko nga din sa tagiliran. Sobrang lakas pala ng kiliti niya dun! Huli! Haha.

Napatitig ako sa kanya. Bakit mas gumaganda ata sya sa paningin ko?










[Luke's POV]

Nag umpisa na ang groupings namin sa English. Interpretative dance. Bilis talaga ng panahon. 3 weeks ko na ding katabi si kulit.

Teka, pansin niyo ba? Hindi ko nababanggit si men? Tahimik sya lagi e, patanaw tanaw lang kay Joy. Saken? Hmmmm. Ano bang bago? Hindi ko na crush si Jana. Hindi ko na siya naiisip e. Pano ba naman laging si Joy kakulitan ko hanggang sa text.

Maghapon lang kami nagpractice para sa presentation. Final part nun ay magfoform kami ng circle at magkakahawak kami. Kahawak kamay ko si Kulit. Dugdug. Dugdug. Dugdug. What was that?

Ang lambot at ang kinis ng kamay niya.. Parang...

Ang sarap hawakan at hindi na bitawan...

"Oy Luke! Anong itinutulala mo dyan? Aba, kumilos ka! Para kang tuod!"

Ayan! Nasita na ko. Tulala ba talaga ko? Nawawala ata ko sa huwisyo a.

Pinagmasdan ko ang bawat kilos ni Joy habang panay bigay ng instructions sa amin. Naaaliw talaga kong pagmasdan siya e. Sarap sa pakiramdam.

Teka, ano na namang sabi ko? Lately, di ko na kontrolado isip ko a. Nagugulat ako sa mga naiisip ko.

Hindi kaya...

Pero wag naman sana...

May gusto na ko sa kanya?

If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon