Chapter 3 (Closer You and I)

69 6 0
                                    

[Joy's POV]

Ako nga pala si Eternal Joy, Joy for short, fourth year student sa ***** High School. Idedescribe ko pa ba ang sarili ko? Hmmmmm... Maputi ako, matangkad, maikli ang buhok at payat. Ewan ko ba, ang takaw takaw ko pero ang payat ko.

Recess namin ngayon kaya konti pa lang kami dito sa room. Wala nga akong magawa e, wala din naman akong makausap. Tahimik kasi masyado tong katabi ko. Permanent seatmate ko pa naman yan. Daldalin ko kaya para may makausap naman ako?

"Luke." Yes. Alam ko name nya. Kilala ko naman lahat ng classmates ko. Beri gud kaya ako magmemorize.

Nakita ko yung reaksyon nya. Gulat na napatingin siya saken. Seriously, anong nakakagulat? Bawal ba siyang kausapin?

"Bakit?" Poker face siya.

"Hi." Namilog yung mata niya. Natatawa ako. Hindi lang sa reaksyon niya, kung hindi pati na rin sa inakto ko. Tinatawag tawag ko siya hi lang pala ang masasabi ko?

"Ahmm. Hello."

Hindi nga siya ngumiti pero yung mga mata niya nakangiti. Paano ko nalaman? Secret ko na yun.

Ayun, kung ano-ano na dinaldal ko sa kanya. Ayokong mapanisan ng laway no.

Noong una, alanganin pa yung mga sagot niya, pero bilib na ko sa daldal skills ko! Maya maya lang nag loosen up siya at nagkekwento na rin siya kahit papaano. Oha?

*clap clap*

"O bakit ka pumalakpak? Budoy lang?" 

See? Makapangbara kala mo close na kami. Hahahaha.

"Wala lang. Kasi may makakausap na ko at hindi mapapanis ang laway ko."

Ngumiti lang siya at tumahimik na.





[Luke's POV]

Dugdug. Dugdug.

Hala? Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko. One week ko na rin tong napapansin a. Lalo na kapag nandyan si Joy. Kinakabahan ba kong makatabi siya? Mabait naman siya, hindi ko nga akalain na hindi ako maiilang sa kanya. Hindi kasi ako katulad ng ibang lalaki, yung kayang makipagclose sa babae? Shy type kasi kaya ako napagkakamalang suplado.

Ayun nga, natanaw ko si Joy, kapapasok lang ng pinto. Papalapit na siya sa akin. Dugdug dugdug. Ay peste. Pilit kong inignora ang tibok ng puso ko.

"Hi Luke." Malapad pa itong ngumiti.

"Aba! Ang saya mo ah. Nakita mo lang ako. Makangiti ka wagas."

Sarap nya talaga asarin.

Umirap siya at saka umupo sa tabi ko.

"Tanghaling tapat, ang lakas mo mang asar."

Pumalatak pa siya. Lalo ko tuloy siyang gustong asarin. Cute niya e.

Anong sabi ko? Tssssss. Nevermind. Aasarin ko pa sana kaso dumating na English teacher namin. Tsssss. May groupings pa. Ayoko ng ganyan e.

Buti na lang kagrupo ko si Joy, leader pa namin.

"Leader may cellphone ka ba?"

"Ayos ka makatanong ah! Tingin mo saken? Taong gubat? Syempre meron."

"Mukha kasi e." Bulong ko.

"Anong sabi mo?!"

At nagulat ako nang bigla na lang niya ko sinakal.

*ubo ubo*

"Papatayin mo ba ko leader? Pambihira, Amasona ka pala sa payat mong yan?"

Pinandilatan niya ko ng mata at umaktong sasakalin ako ulit. Napacross arms ako (yung naka X parang hindi ko kayang tanggapin ni April Boy).

"Hindi na po. Joke lang e."

"Hahaha. Ganda ng joke mo. Sakit sa tiyan."

Nakakatuwa no?  Sa loob ng one week, ganyan na kami kaclose. Sanay na kami sa asaran e. After that, we exchanged numbers.

I saved her number on my phone. And with a smile, i typed.. "Joy Kulit".

If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon