Chapter 8 (Special Days Part 2)

41 5 0
                                    

[Joy's POV]

"Ang bibilhin niyo lang po ay singsing. May marireceive po kayong marriage contract after the wedding at saka po souvenir photos."

Ang lakas mangsales talk ni ate oh. Mukhang hindi kami makakahindi sa kanya e. Hahaha.

"Gusto mo ba?" Tanong saken ni Luke.

"Yuck Kuya! Ang panget mo magpropose!" Singit ni cute girl.

Napangiti ako ng kumamot sa ulo si Luke.

"Eto kuya, bagay tong singsing kay ate, yan na lang gamitin mo para mag propose."

Todo support talaga sya e no? Kinikilig kilig pa e.

Nagulat ako ng kunin ni Luke ang kamay ko at lumuhod.

"Will you marry me?"

Dugdug. Dugdug.

Taeng puso to. Si Luke kasi e! Malay ko bang papatulan niya ung bata at gaganyan siya.

"I will."

"Mapapahiya ka kasi sa audience kapag nireject kita." Sabay belat sa kanya.

Sarap kuhanannng picture yung mukha ni Luke, kala mo totoong kasalan ang magaganap e.

Hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang sa marriage booth. Pinagsuot na kami ng costume na pangkasal. May hawak pa kong bouquet of flowers. Kikita ng malaki ang booth na to for sure.

BM (Background Music): A Thousand Years by Christina Perri

As I walked on the short isle, looking straightly to my waiting groom at the altar, all I can do is sigh. Parang totoo kasi.

At yung groom grooman ko, mukhang ninanamnam din ang mga pangyayari.









[Luke's POV]

Sabi nila, hindi daw marunong kiligin ang mga lalaki but looking at her right now, alam ko kinikilig ako. Pakiramdam ko totoong kasal to. Pero syempre saken na lang yun, asarin pa ko ni Kulit kapag nahalata niya.

"Do you, Luke Andersen, take Eternal Joy as your wife?"

Sabi nung student na pari kuno.

"Yes. I do."

Mabilis kong sagot. Mahirap na, baka maagaw pa ang misis ko.

Tumingin si Father kuno kay Joy.

"Do you, Eternal Joy, take Luke Andersen as your husband, in sickness and in health, for poorer or richer, till death do you part?"

"I do."

Akin na siya! I do daw!!! Okay. OA na. Sensya naman. In love e.

"You may now kiss the bride."

Humarap ako kay Joy at tinitigan siya. Nagkakaingay na ang audience pero malayo na yon sa pandinig ko. Mas malinaw kong naririnig ang malakas na tibok ng puso ko.

Parang kami lang dalawa at lahat sa paligid ko ay slow motion. Totoo pala yun. Akala ko sa movie lang nangyayari yun.

Inangat ko ang belo niya. Hahalik pa ba ko? Nahihiya ako e kahit sa pisngi lang. Nakayuko na siya, nahihiya rin siguro. Ay. Tssss. Bahala na. Yumuko na ko para ikiss sya sa cheek kaso...













*smack*

Kasabay ng malakas na hiyawan at palakpakan ng audience.

Pagyuko ko, nag angat siya ng tingin kaya sa lips niya naglanding ang lips ko! First kiss ko siya, ako kaya? First kiss niya? Sana...

"Maraming salamat po sa pagdalaw sa booth namin. Heto po ang souvenir photos at pakisign na lang po ang marriage contract. 2 copies po yan para tig isa kayo." Si cute girl, ngiting ngiti sa amin.

Walang umimik sa aming dalawa. Malamang, shock pa din.


"Joy."

"Luke."

Sabay pa kaming nagsalita at napangiti.

"Let's not talk about it okay? Aksidente lang naman yun e." - Joy

Tumango na lang ako kasabay ng paghawak ko sa kamay niya at niyaya ko siya sa MAPEH booth.

---***---

Wala ng masyadong tao ng makarating kami sa MAPEH booth. Kumuha ako ng upuan at pinaupo si Joy.

"Watch and feel the song." Then I winked at her.

Naalala niyo ba? Nung iniisip ko yung dapat kong gawin? At kaninang umaga naisip ko, pwede namang pagsabayin, na habang kaibigan ko siya, ipaparamdam ko na special sya saken.

Sumaya ako nung ngumiti sya saken. Mapasaya ko lang siya, masaya na ko. Cheesy ko. Tae. Parang hindi ako to.


"Ang kantang ito ay para sa babaeng pinakamalapit sa puso ko." Ngumiti ako sa kanya. Tanggalin muna ang hiya.

Alam mo ang ganda mo pala
Pag tumawa ang 'yong mata
Hinahabol ko ang bawat mong tingin
Ngunit ito'y di mo napapansin

Wala akong maipagmamayabang
Porma ko pasimple simple lang
Sino ba ako? Walang dating sa'yo
Di tayo bagay sobra mong ganda
Talaga

Habang kumakanta ko, sa kanya lang ako nakatingin. Gusto kong iparating lahat ng gusto kong sabihin sa pamamagitan ng kanta.

Di ko alam hanggang kelan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito

Ang buhay o sinasakyan lang yan
Di mo alam ang tungo kung saan
Pag sama ka sa aking byahe
Iaalay ko ang puso ko

Amin lang ang araw na to. Walang sisira. Mejo namumula ang pisngi ni Joy. Kinikilig ata sya.

O kay sarap mong kasama
Napapawi mga problema
Magaan dalhin, kay sarap lambingin
Yun nga lang ay kaibigan kita

Akala ko ay mapipigil ko
Pero lalong nahuhulog sayo
Nang iyong nabuking
Tinanong sakin
Dapat bang pagbigyan pag ibig natin
Mahalin?

Kinanta ko ulit yung chorus at tinapos ang kanta. Maraming kinilig at nagpalakpakan. Si Joy? Ang lawak ng ngiti.

"Salamat Luke."



If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon