Chapter 18 (Change of Heart)

81 3 0
                                    

Simula ng araw na yun, I sensed a different Luke. Minsan, tinawagan ko siya (take note ako pa una tumawag ha?), nagkwento ako tungkol sa mga nangyari saken for the past few weeks sa university. Puro "ahhh" at "ganun" lang ang sinasagot niya saken. Halatang bored at napipilitan lang siyang makipag usap. Ako namang makulit, I insisted a conversation with him kaya siya naman ang kinamusta ko in which he replied "eto ganun pa din". He's as cold as ice. Will somebody tell me what in the world is in that guy's head?

Namalayan ko na lang, pumatak yung luha ko pagkababa ko ng phone. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

May ikinagalit kaya siya? Bakit hindi niya sabihin? Kesa nahihirapan akong manghula. Masakit e...

---***---

Nakahalata sina Cha at Jess pagpasok ko kinabukasan. Halata daw na malungkot ako. Napakwento tuloy ako ng love story namin. Nung una, kinikilig pa sila, they're talking about destiny and similar stuffs pero nalungkot sila sa observations ko ngayon.

"Bigyan mo muna kaya siya ng space? Baka may problema lang siya?" Komento ni jess. Tahimik lang ako.

"Bakit kasi ayaw niyang mag open sa'yo. Ikaw tuloy napapaisip." Sabi naman ni Cha.

"Secretive talaga yun e. Hindi siya comfortable iopen yung nararamdaman niya kahit kanino. Kaya mahirap, kasi manghuhula ka."

"Naku wag ka na nga malungkot. Ikain na lang natin yan." suhestyon ni Cha na nakangiti pa ng malapad.

Lunch break namin at dahil naka 1 month na kami sa school sawa na kami sa pagkain sa canteen. We have other options pa naman, yun nga lang pupunta pa kami sa likod ng university. Naglalakad na kami palabas sa likod nang makaramdam ako ng...

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

I ignored the fast rate of my heartbeat, but as I drew nearer the exit gate, my heartbeat went wild. What the heck!

Nang makarating kami sa kainan sa labas at habang umoorder kami, hindi ako mapakali. Yumuko at nilaro laro ko ang kamay ko. When someone passed by, I immediately turned my head up and my eyes widened in surprise.

So... this explains the fast beating of my heart. Even my own heartbeat recognizes only HIM.

"Luke." Yun lang ang nasabi ko, nakatitig lang ako sa mukha niya...

SA MUKHA NIYANG WALANG EMOSYON!

His eyes... nag iba, wala akong mabasang emosyon. Nakatingin lang siya saken.

Then, without saying a word, he left.

I was dumbfounded. Ngayon, harap harapan niya na kong binabalewala. Gusto ko siyang habulin at tanungin kung ano nangyayari sa aming dalawa pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Nakatanaw lang ako sa daang nilakaran niya palayo saken...

Pumatak ang luha ko, sunod-sunod. Namalayan ko na lang, nakakulong na ko sa yakap ng dalawang kaibigan ko. Pinapatahan nila ko.

But I can't... I'm hurting.

---***---

Wala na kong gana maghapon. Hindi din ako nakikinig sa mga professors ko na nagdidiscuss ng lessons. Wala akong ibang naiisip kundi yung mukha nyang walang emosyon. Nangilid na naman ang luha ko, pasimple ko itong pinunasan. Nasasaktan talaga ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko, nasanay kasi ako na palagi syang nandyan kaya ang sakit sakit ngayong ganito siya.

Pag uwi ko sa bahay, hindi na ko nagdinner, dumerecho na ako sa kwarto ko at nagmukmok hanggang sa makatulog ako.

If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon