Chapter 13 (Happiness, Surprises and Promises 1)

41 4 0
                                    


PROM DAY.

[Joy's POV]

Excited akong nagising ng maaga. Pupunta pa ako sa salon para magpaayos.  Nakahanda na yung isusuot ko, royal blue ang kulay, sabi ni Mommy bumagay daw yung dress sa kulay ng balat ko. Tinernuhan ko ito ng silver strappy sandals. High heels pa man din. Kayanin ko kaya to buong gabi? Hindi ako sanay mag high heels.

Maganda ang naging resulta ng pagpapaayos ko sa salon, parang hindi ako yung nasa salamin. I put a little tiara on my head, princess-like.

A little minute more, I went off to the venue and I chatted a bit with my classmates before I go outside to look for Luke.

"Wow. Ang ganda ng Kulit ko a."

Busyng busy ako sa paghahanap kay Luke, e eto na pala sa likod ko. I turned around. Bat ang pogi ni Luke?

"Thanks letmaku. Ikaw din. You look nice."

Tagal pa bago nagstart kaya nagpabili muna ko ng softdrinks kay Luke and...

We shared with one straw! Naniniwala pa naman ako sa indirect kiss.

Bago kami pumila sa kanya kanya naming linya, binilinan muna ko ni Luke na siya ang una at huling magsasayaw sa akin. Hindi siya possessive no?

*vibrate vibrate*

Binuksan ko ang purse ko at tinignan kung sino ang nagtext

Si Luke na naman siguro.

You look like a royalty, wearing your royal blue gown. I wish I'm your prince, to hold your hand and show you off to everyone. I had a great time eating and chatting with you yesterday, it reminds me of the same feeling I had when I watched the movie A Walk to Remember next to you. Enjoy the night Beautiful.
- Mr. Hoping Heart a.k.a Partner

SI PAUL AT MR. HOPING HEART IISA????

Bumalik sa isip ko yung nangyari sa radio booth nung foundation day, yung panyo na nasaken pa hanggang ngayon, yung bouquet of red roses nung Valentines...

Wala akong masabi. Wala talaga.

....

......

........

---***---

The program started na wala ako masyadong naintindihan. Absorbed pa rin ang utak ko sa mga nalaman ko. Why am I affected anyway?

Maya maya pa naiserve na yung pagkain. I ate a little, masyado akong excited magsayaw kaya hindi ako kumain masyado.

An hour later, puro party musics na ang pinapatugtog kaya naman hinila na ko ng mga classmates ko para magsayaw. Soon, the music turned into sweet love songs. Umupo muna ko, wala pa naman nagyayaya saken magsayaw.

"Miss, Can I have this dance?"

I smiled. Kilalang kilala ko ang boses na yun.

"Sure Mister. With pleasure."

I lookep up and see Luke's smiling face while he's offering his hand to me.

If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon