Chapter 6 (Awkward or Not?)

40 6 0
                                    

[Joy's POV]

Malamang intrigang intriga na kayo kung ano reaksyon ko nung nabasa ko text ni Luke.

O.O

Ganito. Hahaha. Oo! Sobrang gulat! Nagbibiro lang naman ako nung tinanong ko siya. Hindi ko akalaing... May SOMETHING!

Sabi ko nga baka pinagtitripan na naman ako nun e. Alam nyo naman kung paano ako asarin nun. Wagas!

Seriously, pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala naman akong makapang pagtutol o inis dahil nagkagusto sya saken. Hindi ako tulad ng ibang babae na kapag napagtapatan ng pag ibig, makaiwas, wagas. Hep! Nagkakamali kayo sa iniisip nyo! Hindi dahil flirt ako o paasa, unfair kasi pag ganun. Hindi naman nila kasalanang nagkagusto sila sayo diba? As long as malinaw sa kanila na hindi mo sila pinapaasa, walang problema. Wag lang silang lalagpas sa limitasyon at aabuso. Tama ba?

In fairness, naflattered ang lola niyo sa unexpected confession na yun. Lam nyo naman, snob sa girls ang lolo niyo. Hihi.

Makatulog na nga. Nahahawahan na ko ng kaabnormalan ni Luke.

---***---











[Luke's POV]

Sh*t! Kinakabahan akong pumasok. Di ko alam kung ano gagawin ko kapag anjan na si Joy.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Luke."

Andyan na sya! Pesteng puso! Awat!!!!

Teka, bakit mas gumanda sya at...

Nakasmile sya. Hindi sya galit dahil sa... Dahil .... Oo na! Dahil DUN!

Kaso di talaga ko mapakali..

"Uhmmm. Joy.. Tungkol dun sa.. "

"Hep! Kung totoo yun, so be it. Friends pa rin naman tayo."

Aray! Friends daw. Hindi ba pwedeng more than?

"Aray! Bat mo ko binatukan kulit?"

"Anong sinasabi mong hindi ba pwedeng more than friends?"

Ay takte. Nasabi ko pala yung nasa isip ko?

Napakamot ako sa ulo.

"Bwahahahahahahahaha!"

Hay naku tong babaeng to. Ang lakas ng tama. Tumawa ba naman ng tumawa, may papadyak padyak pa! Ano kayang katawa tawa sa sinabi ko?

Baliw ata to. Bakit kaya sa kanya ako nagkagusto?

Pero sa totoo lang, kapag ganun sya kasaya ang sarap niya pagmasdan...








[Joy's POV]

Tawa pa rin ako ng tawa. Hindi naman dahil sa sinabi niya... Kundi dahil...

"Kahit pala maitim, namumula pa din? Uyyyyyy! Nagbablush!"

Nakahawak na ko sa tiyan ko. Hindi ko talaga mapigil ang pagtawa ko. Kahit yung dulo ng tenga nya namumula.

"Ah ganon. Gusto mo tumawa maghapon?"

"Hahahahaha." Nagbelat lang ako sa kanya.

Nagulat ako ng bigla nya akong kilitiin sa tagiliran. Malakas kiliti ko dun! Napatayo ako.

"Ops. San ka pupunta?"

Nahawakan niya yung braso ko habang yung isang kamay nya nangingiliti pa din. Halos malupasay na ko sa kakatawa at kulang na lang ay gumulong gulong ako pero ayaw pa rin niya kong bitawan. Hindi naman talaga siya maitim e. Nang aasar lang ako.

Bawi bawi din pag may time. Haha.

At para makatakas...



"Arayyyyyy! Bat mo ko kinagat?!! Hoy kulit! Bumalik ka dito!!"

Nagtakbuhan at naghabulan kami sa corridor na parang mga grade 1 pupils. Nang mapagod, dumerecho kami sa canteen para bumili ng makakain at drinks. Libre nya syempre. Aba ! Dapat lang ! Pinagod niya ko e. Ang bilis tumakbo.

Oh diba? Mas okay yung ganito kami. Open at walang awkwardness. Agree ba kayo dun?





If This Was A Movie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon