Sorry kung maraming Typographical errors :)
My first try at long-writing. Anyway, fictional characters po ito.
----------------------------xxx----------------------------------------------xxx------------------------------------------000
Chapter 1
"Thea, out muna ako" Paalala ni Ice sa kasama. Pasado alas-onse na rin kasi.lunch break muna niya kaya ipinasa na niya ang gagawing order sa kaibigan.
"Okey. Paki-reserve naman ako ng tuna sandwich clubhouse style para mamaya." Bilin ni Thea bago lumabas ng kitchen si Ice.
Magandang magsummer job. Swerte si Aicelle (o mas kilalang Ice) dahil naipasok siya ng alumni ng school nila sa ice cream shop na talaga naman patok na patok tuwing bakasyon. Ganoon kabait ang mga tao sa gradeschool niya. Sila-sila ang nagtutulungan at ramdam mo talaga ang damayan. Kahit 15 years old palang siya, kumikita na siya ng pera. Hanggang 1:30 pm lang naman ang toka niya sa shop, si Thea na ang nagco-cover ng afternoon shift. Para ma-maximize ang oras, nagpa-part time tutor siya sa mga bata sa village nila. Kailangan kasi niyang makaipon ng malaki para sa pasukan. Boarding school kasi ng West Valley Highschool na napili niya. Sampung Highschool lang sa buong Pilipinas ang may permit na magkaroon ng ganoong boarding house at isa ang West Valley doon. Last week lang niya natanggap ang sulat ng WVS na tanggap siya bilang full scholar at excited na siyang pumasok dito.
"Ice! Dito may upuan pa!" kaway sa kanya ng kaibigan na si Jefferson. Palagi niya itong kasabay ng lunch dahil morning shift din ito sa community pool. Summer job din ito ng kaibigan niya bilang swimming instructor at lifeguard. Kinawayan din niya ang kaibigan at itinuro na oorder muna siya ng tanghalian sa canteen. Nakangiti namang tumango si Jeff sa kanya. Pagkatapos kunin ang order ay dumiretso na si Ice sa cottage. Napansin niyang medyo marami-rami ang nagsu-swimming ngayong araw na ito. "Buti nalang at na-reserve mo na ako ng upuan, Jeff. Dami yatang bisita ng resort?" tanong niya sa kaibigan. "Ha? Oo. Nung monday pa maraming guest. Actually overtime na ako this week tapos may mga tip pa kaya okey lang pagod ko. Pagdating kasi ng May, pakonti na ng pakonti ang magsu-swimming kaya sinusulit ko na ang overtime. Saan ka nga pala magha-highschool?" tanong ni Jeff sa kanya habang kumakain. Magkasing-edad sila at sa parehong gradeschool nag-aral. Kakilala na niya ito since grade 5. Hindi talaga ito ang bestfriend niya noon. Close niya ang classmate na si Brian, ung medyo babading-bading. Si Jeff kasi, masyadong ilag sa mga girls tapos, boy groups lang ang sinasamahan. Kaya nung biglaan silang naging partners sa project sa science at P.E., no choice na sila kundi ang mag-usap. Unti-unti naman nilang na-appreciate ang pagiging partners kaya dahil sa kanila, nagkaroon ng peace ang boys at girls ng buong klase. Yun nga lang, ang school nila ay hanggang grade 8 lang at kailangan talaga nilang humanap ng papasukang highschool. Kaya naman hindi nakapagtataka na hindi na isip-bata ang mga graduates sa school nila.
"Tanggap na ako sa West Valley. Full scholarship ang grant nila sa akin tapos half lang ang babayaran ko sa boarding house. Ikaw, san ka? Kasama ka ba nila Brian na mag-eenrol daw sa San Isidro de Labrador?" pagpapatuloy ni ice sa usapan nila. "Wow! Talaga, sa West Valley din ako. Ang swerte mo naman sa scholarship. Hindi na pala dapat ako magtaka kasi mas mataas ang honor mo sa akin." Sagot ni Jeff sa kanya. "Di ko nga lang alam kung pati boarding kasama sa 50% grant na nakuha ko. Next week ko pa ipa-follow-up ang status ng enrolment ko eh. Sila Brian at ung iba tuloy na sa San Ildefonso. Alam ko yung mga barkada mo sa Greenview National Highschool ay sa kabilang bayan mag-eenrol, sila Carla at Grace. Ewan ko na sa iba kasi di ko naman sila madalas nakakausap."
"buti pa nga ikaw may balita sa kanila. Di ko pa nga nasabi kila Brian na boarding school na ang tuloy ko." Biglang na-miss ni Ice ang mga kaibigan. Napakabilis ng panahon at hindi nila namalayan na mag-hihiwa-hiwalay na sila. Ramdam na rin niya ang pagiging busy pero wala naman siyang magawa kasi pag-aaral na niya nag nakasalalay ngayon. Kung magpapadaan naman siya sa kahilingan ng mga kabarkada niya na sa Greenview mag-aral, baka masira ang study schedule niya buong taon. Ang hirap pa namang bumawi kapag bumaba ka ng kahit dalawang puntos lang sa average grade. Dapat mabalanse niya ang pag-aaral at iba pang aspeto ng buhay niya. "Eh, ano naman ang sabi ng mama at papa mo?" naputol ang malalim na pag-iisip ni Ice sa pagtanong ni Jeff. "Ah? Ah, oo yun. Syempre una ayaw nila. Pero pinaliwanangan ko naman sila. Atsaka, madali namang pumunta doon kaya di na sila dapat pang mag-alala."
"Jeff! Ice!!" may sumigaw sa kanilang pamilyar na mga boses. Napalingon ang dalawa at nakita nila sila Brian at Caroline kasama na ang 7 sa mga kaklase nila. Masayang nagtakbuhan sa cottage nila ang mga ito. "AYYIIIIiiiiieeeee!!! Ang sweet nyo naman!!!!!" panunukso pa ng mga ito sa kanila.
"Hay naku!" pagsasalita agad ni Ice sa kanila. " So feeling ninyo spy kayo? Umayos nga kayo at nakakahiya sa amin. Yihee kayo ng Yiheee wala namang ikaka -yihee .Ano bang ginagawa ninyo dito?"
"Kasi dadalawin namin si Jeff ko!" akmang lalapitan ni Brian si Jeff nang simangutan siya nito. "Hoy Brian! Tumigil ka nga diyan! Bawal ang pets at sea creatures dito sa pool, no!! Alis ka, pugita!" Asar na turing ni Jeff sa papalapit na si Brian. "Sungit mo naman kala mo di siya mukhang pusit!!" pang-aasar ni Brian pero umupo pa rin sa tabi ni Jefferson. "Ano na plano nyo sa highschool?" tanong ni Caroline sa dalawa. "Okey na kami ni Brian sa Greenview. Bukas babalik kami for final interview nalang. Ito kasing si Brian nag-iinarte sa init. Sayang tuloy pamasahe namin."
"Brian talaga, maganda kaya sa iyo yung maarawan. Mas bagay kaya sa iyo yung tan color, mas mukha kang lalaki." Patawa ni Ice sa baklang nang kaibigan. "Natanggap na ako sa WVS. Pati Boarding ko. Eh, si Jeff nga din doon, kanina ko lang nalaman." Paliwanag niya sa lahat.
" Wow, astig! Eh ano pa hinihintay natin? Swimming lang ang katapat niyan!!! Agree lahat ha, sabado tayo swimming." Mungkahi ng isa sa mga kaibigan nila. " Jeff, Ice, day-off nyo naman yun diba? Grabe, bilib talaga ako sa sipag ninyo!"
" weh, nambola pa. Sige okey sa akin yang swimming sa Saturday" Sagot din ni jeff. Dito na namin kayo hintayin ni Ice.
~~~~end1~~~
BINABASA MO ANG
SA SUMMER NAGSIMULA
Teen FictionMinsan may nagtanong sa akin, "kailan mo ba masasabi na love na yun at hindi crush lang?" syempre, ang daming theories ang tumakbo bigla sa isip ko... paano mo ba maipapaliwanag 'yun ? magulo eh~~~ AT DUN KO NA NAISIP NA...