"what is essential is invisible to the eye" - antoine de saint-exupery (little prince)
nauubusan na ako ng isusulat~~ hayyy inspi, inspi~~ make it all move....
i hope everyone feels the heart of the story :) salamat sa mga babasa :)
_______________xxx_____________________________OOO__________________
CHAPTER 6
Linggo ng umaga. Dala-dala ni Ice ang isang black trash bag upang itapon sa garbage bin ng school. Habang naglalakad siya at nakita niya si Jeff na may dalang bag.
“Ice!” Sigaw nito sa kanya. Tumakbo ito papunta sa kinaroroonan niya.
“Huy, ano ginagawa mo dito? Wala namang pasok ah? Linggo ngayon diba?” Ibinaba biya ang dala.
“Hindi ako papasok! Loko-loko ka talaga. Bakit ang dami naman niyang dala mo ? Gusto mo tulungan na kita..” Alok ni Jeff sa kanya.
“Uh, magaan lang ito. Nakaligtaan ko kasing magtapon ng basura kahapon. Pumunta kasi ako sa shopping center.” Lumakad na ulit sila patungo sa pagtatapunan.
“No joke? Nandun din ako, mga lunchtime siguro ako pumunta doon.”
“Ha? Nyeh, ‘di tayo nagkita. Sayang. Bakit ka nga pala nandito?” Itinapon na ni Ice ang dala sa loob ng malaking container. Mamayang hapon ay dadaan ang trak ng basura para kunin lahat ito.
“Approved na ang petition ko for residency!” Biglang pagbabalita ni Jeff.
Natigilan si Ice. Kumunot ang noo niya na parang nagtatanong kung ano ang ibig-sabihin ng kaibigan niya.
“Naku, nag-ulyanin ka na naman, yung athletics ko, atsaka dorm, tapos mataas na grade??? Natatandaan mo yung kinukwento ko sa iyo before mag-exams?!” pagpapaalala ni Jeff para mawala ang lukot sa mukha si Ice.
Unti-unting naalala ni Ice ang sinasabi ng Jeff. Ngumiti ito at bahagyang tumili. “Yung Athletic scholarship mo??? Tapos fully paid na dorm??? Yun ba ‘yon?!” Sigaw nito.
“Oo. Naglagay na ako ng gamit sa quarters namin. Approved na nga ako kaya di na ako mahihirapan sa byahe.” Tuwang-tuwa na pagbabalita ni Jeff.
“Yehey!!Ang galing mo!!” Naglulundag sa saya si Ice. Natawa siya ng malakas para sa magandang balita ni Jeff. Para sa kanya, deserve ito ng kaibigan dahil nagsumikap naman siya para makuha itong additional scholarship niya.
Nagtatawa ng malakas si Jeff. Natatawa siya sa saya ng Ice. “Pa’no ba yan, Ice, magkikita-kita na tayo sa campus. Dapat ililibre mo ako araw-araw!” pang-aasar niya dito.
“Hmph! Kapal mo naman, wala kaya akong extra money. Tipid nga ako dito eh.” Natigil ang saya ni Ice sa pagbibiro ni Jeff.
“Eto naman, di na mabiro!” pagpapasaring ni Jeff.
“Weh! Hahahahaha!!!” Tawa ni Ice na sinundan ni Jeff. “Nga pala, may simba sa chapel ngayon. Uuwi din ako mamaya sa bahay kasi hindi ako nakauwi kahapon.” Wika ni Ice.
“Sige. Sabay nalang tayo. Aayusin ko muna itong mga gamit ko. I-meet nalang kita sa chapel, dun sa may angel.” Pagpapaunlak ni Jeff.
“Okey. Sige, mag-aayos na din ako ng gamit.” Naglakad na silang dalawa sa patio.
---------------------------------------
Sa loob ng chapel, marami-raming tao din ang nagsimba.
“

BINABASA MO ANG
SA SUMMER NAGSIMULA
Fiksi RemajaMinsan may nagtanong sa akin, "kailan mo ba masasabi na love na yun at hindi crush lang?" syempre, ang daming theories ang tumakbo bigla sa isip ko... paano mo ba maipapaliwanag 'yun ? magulo eh~~~ AT DUN KO NA NAISIP NA...