when thou have faith, thou recieves.
CHAPTER 5
Kakatapos lang ng first quarter exams.
Usapan nila Ice ay magkikita-kita sila ng mga kaklase sa malapit na mall sa WVS. Inaabangan niya sila Shane, Dilpreet, Nica at Alexa sa isang fastfood chain. Mas nauna kasi siyang nagising kanina.Wala siyang kasama sa dorm since last night dahil nag-paalam si Grace na uuwi at bibisitahin ang maysakit na lola niya. Monday na ng umaga ang balik nu’n.
Papaubos na ang iniinom niyang lemonade with cherry nang mamataan niyang padating na sila Shane. Mayroon pa siyang namumukhaang kasama, yung kaklase nila na si Richard. Kumaway sa direksyon niya si Alexa.
“Kanina ka pa?” tanong nito sa kanya.
“Medyo. Pero Ok lang, maaga kasi akong pumunta dito. Sarado pa naman ang ibang mga shop.” Paliwanang niya sa mga kaibigan. Umupo na ang mga ito.
“Ice, sinama na namin si Richard sa lakad natin. Wala namn siyang gagawin ngayong araw”. Paliwanag ni Shane sa kanya.
“Actually, wala kaming training ngayon, naisipan ko rin namang pumunta dito. Pero, nakita ko silang naglalakad kaya nagpumilit na akong sumama.” Nakangiti si Richard habang nagpapaliwanag. “Pero kung barkada n’yo lang ang lakad na ito, ok lang sa akin na humiwalay muna ng gala.”
“’Ano ka ba, the more, the merrier, di’ba sabi ng 7 dwarves!” pagpapaulak ni Dilpreet sa kaklase. “’Wala namang magagalit sa amin kung sasabay ka ng paggala. Basta may dala kang pera. Allergic kami sa utangan, eh.” Nagtawanan sila sa sinabi ni Dilpreet.
Athlete scholar si Richard ng WVS. Kaklase nila ito at kasali sa mga nag-ta-try out para sa team A juniors ng soccer team nila. Matangkad, moreno ang kulay ng balat, matangos ang ilong at bilugan ang mata nito. Masayahin siya at matalino rin. Ilang beses na rin itong sumasali sa group review nila Ice sa school park.
“Okey lang na sumama ka sa amin. O, ano? Mamaya –maya pa dadami na ang tao dito sa shopping center. Buti pa, maglakad na tayo.” Tumayo na si Ice kasunod ang mga kaibigan.
--------------------------
“Hi, Jeff!” nakita agad ni Grace ito sa sakayan ng jeep. Lumapit siya dito. “Aga mo namang babyahe?”
“Uy, oo nga eh, may mga bibilhin kasi ako sa center. ‘San ka pupunta?” Nakangiting tanong ni Jeff.
Mula nang masalimuot na akisidente kung saan nagkakilala sila ni Grace ay naging kaibigan niya ito. Madalas niya itong makita sa hallway na nag-aaral tuwing breaktime at pagkaminsan naman ay nakakasabay niya ito sa library. Sayang nga lang at hindi pa niya ito naipapakilala kay Ice.
“Kakabalik ko lang actually. May binili ako sa Mercury Drugstore para sa lola ko. Medyo maaga pa kasi at puyat sa pagbabantay sila Mommy.” Paliwanang nito sa kaniya. “Kamusta exams?”
“Ah, ganoon? Ang bait mo naman pala! “ pabirong salita ni Jeff.
“Sira! Mabait talaga ako no!” Pabiro ding irap ni Grace.
“Hmm, medyo nadalian ako sa exams ngayon kumpara sa last 2 quizzes ni Ms. Magallon. Tingin ko, nasa lima lang ang maximum na mali ko kung aabot man. Pero, madali lang talaga.” Kumpiyansang paliwanag ni Jeff kay Grace. Namataan na nilang may paparating na Jeep.
“Oo nga eh, medyo madali ang items ngayon. Buti natatandaan mo ang mali mo. Kasi, p’wera sa akin, yung kaibigan ko na si Ice lang at ikaw ang nagbibilang ng mali sa test. Isa pa yung matalino eh.” Nakangiti niyang paliwanang.
“Ice? Si Aicelle ba yun? Tiga- I-Galileo?” Nanlaki ang mata ni Jeff. ‘Di niya akalain na magkakilala pala si Grace at Aicelle. Umiral na naman ang katamaran ni Ice na magkwento. Talag yun, Oh! Kapag-nag-aaral, lahat nakakalimutan... pag nakita ko yun talaga.. wika ni Jeff sa isip niya.
“Oo. Siya yun. Maganda din kaya yun.” Nagmamadaling paliwanang ni Grace. Huminto na kasi ang jeep na sasakyan niya. “Alis na ‘ko Jeff, baka hinihintay na ito sa bahay eh. Bye. Kita –kita nalang sa Monday.”
“Ingat nalang. “Hi” mo nalang ako kay Ice!” Tinulungan muna niyang sumakay si Grace bago kumaway at tumawid pakabila. “Tama, si Ice nga yun, matalino tapos maganda, ulyanin nga lang” wika niya sa sarili. Masaya siya at magkakilala pala ang dalawa.
May nakahinto na FX na naghihintay mapuno ng pasahero. Nanumbalik sa isip niya ang kanyang pupuntahan... Bibili nga pala siya ng ilan pang personal na gamit dahil aprubado na ang kanyang petition for athletic residency sa school. Free na ang pag-dorm niya sa WVS starting second quarter dahil mataas ang grades niya at pasok siya sa try-outs kagabi nang soccer team.
Sumakay na siya sa likuran ng FX. “ Manong, bayad po. Papuntang Shopping Center, isa lang.”
--------------------------------
Patapos na ang laro nilang shoot-out. Kakaiba ito, kasi, maliit na stuff-toy ang premyo kapag nalampasan mo ang fifty points, pero bigla nalang itong mahuhulog mula sa pipe line. Hindi mo alam kung saan ito babagsak kaya swerte kung marami kayo. Si Richard ang naglalaro para siguradong maraming puntos. Naka-74 points ito at tumunog na ang time-out whistle.
“Chard, akin nalang yung premyo!” Sabay-sabay na sigaw ng magkakaklase. Tumawa nalang si Richard dahil napagod din siya sa paglalaro. Maingay ang loob ng game arcade sa dami ng tao. “Eh, kung sino ang makasalo, kaya na!” Natatawang sigaw niya sa mga ito.
“Aahhh!!!!” tumili ang apat niyang kasama nang may mahulog na kunehong stuff toy. Nasalo agad ito ni Ice.
“Yeheeeyy!!! Akin to!!” Masayang sigaw ni Aicelle sa mga kasama.
“Andaya!!! Gusto ko rin niyan! Pabirong sigaw ni Alexa at Shane.
“Weehh!! Ang ingay!!! Bibili ako nyan mamaya!” pabirong sigaw din ni Dilpreet. “Aicelle, benta mo nalang sakin!”
“Ayaw! Wahahhaa!!” mamaya laro ulit tayo dito.” Wika ni Ice.
“Pagod na kaya ako! Almost 11:45 na ... kakain ba tayo? Gutom na ako.” Yaya ni Richard sa kanila.
“Basta ikaw ang manlilibre!” sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga kasama.
“Lugi ako sa inyo!!!!” Paghihimutok ni Richard. Lumakad na ng mabilis sila Shane, Alexa at Dilpreet.
“Tara na. Maraming tao sa food court! Dalian na natin” Hinatak na sa braso ni Ice si Richard.
Natawa nalang ulit si Richard. Hindi naman niya akalain na ganito kakukulit kasama sila Ice. Sa school kasi ay talagang seryoso ito. Tumakbo siyang bigla at hinatak sa kamay si Ice para makahabol kila Shane.
“Tekaaa!” Natatawang sigaw ni Ice.
BINABASA MO ANG
SA SUMMER NAGSIMULA
Teen FictionMinsan may nagtanong sa akin, "kailan mo ba masasabi na love na yun at hindi crush lang?" syempre, ang daming theories ang tumakbo bigla sa isip ko... paano mo ba maipapaliwanag 'yun ? magulo eh~~~ AT DUN KO NA NAISIP NA...