Each of us has something worth being proud of. Minsan nga lang we get too proud of it that it turns bad.
---------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 8
Second Quarter nagsisimula ang TYFC (The Young Footballer’s Champion). Tournament iyon ng iba’t-ibang school na kasali sa asosasyon ng soccer. Maglalaro ang kuponan ng WVS, kasali doon sila Jefferson at Richard.
Medyo malamig sa State gymnasium kung saan gaganapin ang opening ceremonies. Full blast ang aircon dahil sigurado ang mga organizers na maraming manonood. Halfday lang ang pasok sa eskwela para makapanood ang mga estudyante. Puno ang gymnasium noong hapong iyon.
Magkakasama ang mga barkada nila Jeff, Ice at Grace sa iisang malaking bus na tinalaga ng school nila para sa mga athletes at gustong manood. Naka-dance costume na si Ice dahil kasali siya sa cheer-dance team ng school.
Naglakad na ang buong grupo nila na binubuo nang 40 students sa designated seats nila.
Ramdam ni Ice ang lamig ng lugar. Napansin agad iyon ni Richard kahit na nakaupo siya ng tatlong tao ang layo kay Ice. Tatanungin sa na niya ito kung gusto nito ng Jacket pero nakita niyang ibinigay na ni Jeff ang jacket nito upang isuot ni Ice.
Tumayo ang team captain ng football team, ang 4th year na si Daisuke. “Hoy, football team, bakit nagkahiwahiwalay ang upuan natin? Paano kung tawagin ang school natin mamya, para tayong ngipin na bungi niyan! Dito kayo sa side na ito, ‘wag na kayong makipagsiksikan sa upuan ng mga ka-schoolmate natin.!” Utos nito.
Mabuti na laman at hindi pa simula ng ceremony. Hindi naman nagalit ang mga taong nakaupo sa likuran ng school nila kaya naayos ang seating arrangement nila. Ngayon, magkatabi na si Richard at Jefferson kasama ng iba pang bagong miyembro. Ang mga cheerdancers ay sa dulo nakaupo samantalang ang mga estudyante (at iba pang barkada nila Jeff, Ice at Grace) ay nakaupo sa gitna. Nag-aanounce na ang P.A. na magsisimula ang ceremony. Dumilim na ang buong auditorium at pinasimulan ng nakaraang taong Champion School ang pag –awit nang pambandang awit at dasal habang nakatutok sa kanila ang spotlights. Sinundan ito ng pagliwanang ng buong auditorium at isang masiglang cheer exhibition ng paaralang nanalo last year. Tuwang-tuwa ang mga manonood at talaga namang maingay ang buong lugar.
Matapos ang mga mensahe at salita tungkol sa okasyong ito, nagsimula nang ipakilala ang mga manlalaro ng nakapalibot na paaralan. Tuwing tatawagin ang paaralan ay tumatayo ang buong team at buong gayak na ipinagmamalaki ang paaralang nire-representa nila. Nag-usap sila Jeff at Richard.
“Chard, yung sa SDIS, number 23, balita ko magaling yan. Isa yan sa mga promising MVP last year.” Wika ni Jeff.
“Tama, yun nga. Pero malakas naman line-up ng school natin ngayon. Last year daw sabi ni Captain, hirap sila sa mga manlalaro dahil hindi talaga magaling yung iba.”
“Kaya nga, sa tingin ko this year, makakaharap natin ‘yan sa finals. Pero mukhang ‘di pa rin papatalo ang ibang school.”
Tinawag na ang WVS. Tumayo ang mga manlalaro at nagbigay-pugay sa watawat ng kanilang paaralan. Malakas pa rin ang hiyawan ng lahat. Ipinakita sa wide screen ang larawan ng mga miyembro nila. Lumakas ang hiyawan nang ipinakita ang new members picture kung saan kasama sila Richard at Jefferson.
Sumigaw sa direksyon nila si Grace. “Jeff! Chard!, mukhang may fans club na kayo!!”
Tuwang-tuwang ngumiti ang dalawa sa kanya. Nag-thumbs up ito.
Natapos ang roll call ng buong lugar. Bumaba na ang cheerdancers ng lahat ng school upang magprepare sa sayaw nila.
“Grace, malapit na kami!” excited na balita ni Ice kay Grace habang naglalakad ito.
BINABASA MO ANG
SA SUMMER NAGSIMULA
Teen FictionMinsan may nagtanong sa akin, "kailan mo ba masasabi na love na yun at hindi crush lang?" syempre, ang daming theories ang tumakbo bigla sa isip ko... paano mo ba maipapaliwanag 'yun ? magulo eh~~~ AT DUN KO NA NAISIP NA...