CHAPTER 3

124 1 2
                                    

CHAPTER 3

Enlistment day na sa WVS. Dalawang araw ito bago ang pasukan. Requirement na maayos na ng bawat estudyante ang room nila at maging pamilyar sila sa mga lugar sa loob ng campus bago ang first day of classes. 

Hinatid na sa gate ng pamilya ni Ice ang mga gamit niya. Malungkot na nagpaalam si Ice sa mama at papa niya at nangakong tatawag gabi-gabi sa telepono. Hawak ang campus map at ilang papeles sa dorm registry, naglakad na si Ice papunta sa long tables para i-confirm at patatakan ang papeles niya for dorm number. Pagdating sa senior students na nag-aayos ng registry, nakita niya na may nakasulat na na pangalan sa room number na niya. Ipinaliwanag sa kanya ng mgs seniors na tatlong tao sa isang room ang patakaran sa campus. Itinuro na din nila ang lugar papunta sa magiging building ng girl's dormotories. Naalala tuloy ni Ice yung mga mini-villages na tinuluyan nla sa Angel's Hills retreat center sa Tagaytay. Malalaking version ng San Lorenzo village ang nasa school ngayon pero kasing ganda rin ng lugar. Hinatak na niya ang bag papunta sa block 3 kung saan matatagpuan ang tutuluyan niya. 

Habang naglalakad siya ay hindi niya maiwasang mamangha sa campus. Sa brochure lamang kasi niya nakikita noon ang mga larawan tungkol sa WVS. Malawak ang lupain at napapaligiran ng mga puno. Nasa ganitong sitwasyon siya ng may malakas na nakabangga sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkaupo. "Aay!" gulat na sigaw niya at ng taong nakabanggaan niya. Nagkalat ang ilang registration papers sa damuhan. Nagmamadali nilang pinulot ang mga ito habang ang ilang estudyante ay nagkusa naring tumulong sa kanila. Nang matapos, tinignan ni Ice ang taong nakabanggaan niya. Kasingtaas niya ito at lampas-balikat ang layered na buhok. Medyo maputi ito sa kanya. Masasabi din naman niyang may hitsura ang babaeng nakabanggaan. Napatingin din ito sa kanya at mukhang nag-aalala. "Sorry ha, di kasi ako nakatingin sa nilalakaran ko. Bago lang kasi ako dito, hinahanap ko pa ung dorm block ko." Paumanhin sa kanya ng babae. 

"Ah, naku, ako rin, bago din lang ako dito. Sa totoo lang di rin ako nakatingin sa dinadaanan ko. Pasensya ka na, mukhang masakit ung pagkakabangga ko sa iyo." Pagpapaliwanang ni Ice. Nginitian niya ang babae at nagtulungan silang tumayo. "Nakakahiya naman ung nangyari. Nakita pa ng mga tao" mahinang bulong niya sa kausap habang tinitignan ang ilan pang mga tao na nakaharap sa kanilangdireksyon. Mahinang tawa ang sinagot sa kanya ng kausap. "Hayaan mo na sila, at least na-entertain sila sa nangyari at hindi nanging boring ang araw nila dahil sa atin." 

Dun na natawa si Ice. Cool kausap ang nakabangga niya. Bigla siyang napatingin sa registration paper na hawak niya. Corbezo, Winter Grace. "Nagkapalit yata tayo ng registration papers" iniabot niya ito sa kausap. "Oo nga no, heto yung reg form mo." Nagpalitan na sila nang magpakilala ang kausap. "Ako nga pala si Winter. Kung gusto mo Grace nalang itawag mo sa'kin." Nagpakilala na rin si Ice. 

"Aicelle. Pero tawag kasi sa akin Ice. Yun nalang." Nakangiti pa rin sa kanya ang kausap. "Ang astig naman ng pangalan mo, bagay sa name ko!" nagtawanan nalang ulit sila. Nawala pareho ang tensyon nang pagiging freshman sa kanila. "Sa block 3 dorms ako papunta, room 206" paliwanang ni Winter Grace sa kanya. "Talaga?! Dun din ang punta ko. Dormmates tayo." Masayang naglakad ang dalawa papunta sa block3. Second floor ang assigned room sa kanila. Mayroon itong sariling CR, malaking bintana na nakaharap sa silangan at may 3 higaan sa sa maluwag na kwarto. Completely furnished ito ng basic na kailangan para sa isang school dormitory. 

"Sino kaya yung isa pang ka-room natin?" tanong ni Ice kay Grace. "Alam ko nagregister daw iyon last week. Siguro bukas pa siya dadating." Inilapag na nila ang dalang mga bag sa tapat ng cabinet. "Tara, gumala tayo sa labas!" Pag-yaya sa kanya ni Winter Grace. Tumakbo sila palabas ng kwarto. 

Kanina pa sa pila si Jefferson sa pila. Mainit. "Grabe, ambagal, sana kung malamig dito ayos lang maghintay." Wika ni Jeff sa sarili. Hindi na siya sinasamahan ng mga magulang niya sa pag-eenrol dahil marunong na siyang mag-ayos ng simpleng papeles nang mag-isa. Walong tao pa ang nasa unahan niya, pero mukhang labinglima sila dahil kasama ang mga magulang o kamag-anak ng ibang magpapa-enlist at enrol. Para kay Jeff, sa mga simpleng bagay na ganito ay hindi na kailangan pa ng maraming kasama. Maraming common sense at pasensya, yun ang dapat bitbitin. Biglang umurong ang pila, ang isang grupo pala sa unahan ay anim agad ang batang pina-enroll kaya maraming kasama. Buti nalang at hindi siya nagreklamo kundi, nakakahiya ang eskandalong gagawin niya. Isang tao nalang ang nasa harapan niya ngayon nang makita niya si Ice na naglalakad sa likuran ng registration tables. Tinawag agad niya ito. 

"Aicelle!" naglingunan ang mga tao sa pila pati na sa kabilang registration line. Napahiyang yumuko si Jeff. Buti nalang ay narinig agad siya ni Ice at lumapit sa kinaroroonan niya. May dala itong dalawang mineral water. 

"huy, Jeff! Ano ka ba, lakas nang pagkakasigaw mo!" Namumula ang pisngi ni Ice. "Kelan pa ba lumalim ng ganito ang boses ni Jeff? Halos 3 linggo nang nakakaraan nang huli silang magkita sa swimming"pag-iisip ni Ice. Pero masaya siya at nakita niya si Jeff ngayong araw na ito. 

"Sorry, ambagal kasi ng pila kanina pa. Para sa akin ba yang mineral water na yan?" Pagbibiro ni Jeff sa kaibigan. Pero sa totoo lang kanina pa siya nauuhaw. 

"Hay nako, Jefferson ka talaga. Nakalimutan mo na namang magbaon ng tubig no? Sige, sa'yo na nga." Pinagsabihan muna ni Ice bago ibigay ang tubig. 

"Thank you." Sagot sa kanya ni Jefferson. Binuksan na nito ang lalagyan at uminom. Sa ganito kalapit na distansya napatunayan ni Ice na mas matangkad na sa kanya si Jeff. 'Di niya sinasadyang mapatitig sa mukha nito habang umiinom. Napapangiti na siya nang tanungin siya ni jeff kung saan siya papunta. Nagulat siya dahil mukha siyang baliw na nakatingin dito. Galit nalang siyang sumagot. "Hoy, bayaran mo sa akin yan ha!" 

"Saan ka nga papunta?" giit na tanong ni Jeff. May katagalan din kasing mag-enroll ang nasa unahan. 

"Sa may alumni park. May i-me-meet ako dun. Sige aalis na ako at baka naghihintay na yun. Ay! Mali pala! Naku, babalik pa pala ako sa tindahan! Ikaw kasi eh. Iwan na nga kita dyan." Mabilis na naglakad pabalik sa tindahan si Ice. Tatawa-tawa na lamang sa sarili si Jeff. Nakakatuwa kasing magalit si Ice, Bilugan ang mata niya pero kapag napipikon na, nagiging singkit ito tapos namumula ang tenga. Ambilis pang magsalita. Natatawa talaga siya kapag ganito si Ice. Bigla niyang narinig ang sigaw ng mga tao sa likuran "Next na daw!!! Haba pa kaya ng pila!!" 

Aw. Bwisit! Kelan pa natapos yung tao sa unahan niya? Pahiya na naman siya, two points. Lahat, dahil kay Ice. 

"Ice, grabe, antagal mo. Thanks sa tubig." Pagsasalita ni Grace sa bagong kaibigan. "Saan ba yung binilihan mo?" 

"Across lang sa registration field. May nakita pa kasi akong kakilala ko kaya natagalan ako. Ang haba pala ng pila ng late enrollees." Pagpapaliwanag niya. 

"Ah ganun. Okey." Uminom na si Grace ng tubig. Hawak nito ang campus map nila. "Sa tingin ko, puntahan na natin yung classrooms. Dala mo ba ang section assignment mo?" 

"Oo. Teka, kukunin ko sa wallet." Binasa niya ang mga detalye na nakasulat dito pati ang oras. " I-Galileo ang section ko. Ikaw ano?" 

"I-Archimedes ako eh. Don't worry. Parehas naman tayo ng breaktime atsaka elective study periods. Kakaiba nga lang kasi, ikaw palang ang kaibigan ko dito tapos di pa tayo parehas ng section." Pagbubuntong-hininga ni Grace. "Tara, puntahan na natin ang room assignments." 

Mukhang magkakasundo kami ni Grace. Buti nalang mabait ang unang nakilala ko sa campus. Wika ni Ice sa sarili habang naglalakad pasunod kay Grace.

SA SUMMER NAGSIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon