CHAPTER 10

44 1 0
                                        

Being young means that there are a lot of opportunities for you… napakaraming possibilities.. then as you grow up, syempre… all these are narrowed down.. it takes a lot of joy and pain nga lang to experience what it is to be young~

CHAPTER 10

Maagang umalis ng dorm si Ice. On her way sa building, nakasalubong niya si Jeff na naka-PE uniform.

“Huy. Aga mo namang pumasok.” Bati niya kay Jeff.

“Hay salamat naman, nag-pang-abot din ang mundo natin!” nakangiting bati nito. “Aga mo ring pumasok eh.”

“Kahapon pa kasi ako ndi mapakali. Ewan ko ba, basta, kailangan kong maglakad-lakad., kaya inagahan ko na ang pagpasok.” Wika ni Ice.

“Sabayan na kita. Tapos na ang soccer season namin. Mas maganda siguro na ituloy ko ang early jogging regimen namin para ma-maintain ko ang macho body ko.” Patawang paliwanag ni Jeff.

“Hahahhaha!!! Loko-loko ka talaga. HAAAAnngggYYaaabaaaang!” pag-exagerrate ni Ice sa kaibigan. Dito niya talagang na-aapreciate si Jeff. At ease ang usapan nila.

“Teka, tingin ko, kaya ka di-mapakali, dahil yan sa pag-abang mo sa resulta ng exams?!” Huminto sa paglalakad si Jeff. “Ano, tama ako no?

“Hmmm?” tinignan niya ang kaibigan. Minsan nagtataka siya kasi nababasa nito ang mga reaksyon niya. “Siguro nga…”

“Ano ba sa tingin mo ang standing mo? I mean, ako, I know na maayos naman ang kakalabasan ng grades ko kasi, halos 4 lang sa bawat exams ang hindi ko sure na sagot.. plus factor pa dun na alam kong higher than the passing rate ang iba ko pang components.” Naglakad uli si Jeff at Ice.

“Dun nga din ako medyo nag-aalala. Hindi ko halos napansin ang mga scores ko. Andami ko kasing ginawa this quarter. Alam ko na maayos naman ang mga pinapasa ko na requirements at higher than the passing rate din ang scores ko. Pero, yun nga, sa sobrang ka-busyhan……” hindi na natuloy ni Ice ang sinasabi. Kabado kasi talaga siya sa grades niya this quarter.

“Ice, think positive, walang aayaw” Mariing sinabi ni Jeff. “Tink positib…. Walang aayaw…. Tink positib…. Walang aayaw….” Sumayaw-sayaw ito na parang igorot paikot sa kanya. Natawa si Ice sa ginagawa ng kaibigan.

“Yan, ganyan, dapat tatawa ka tuwing umaga.” Inakbayan ni Jeff si Ice. “Dapat yang ilong mo naginging-flat at lumalaki yang butas kapag tatawa ka.” Naglakad muli sila.

“Bwisit naman to!!” Tumigil ng paglalakad si Ice at paghihimutok na tumingin kay Jeff. “Patatawanin mo ko ‘tas sasabihin mo naglalalapad yung ilong ko. Nakakainis ka naman!!

Natawa si Jeff. “Ito naman, hindi ma-biro. Joke lang kasi yun!” Naaaliw siya na tinitignan si Ice habang nagbabago ito ng expresyon. Na-miss kasi niyang kulitin ito. “Tara na kasi, wag ka nang magalit. Lakad na.” tumatawa-tawang sabi nito.

Hindi makuhang magalit ni Ice kay Jeff. Nakakahawa kasi ang tawa nito. Pero nakakainis pa rin ang sinabi niya.

“Isa, Jeff. Babatukan na kita!” banta niya. Habang tinitignan niya si Jeff ay napapangiti din siya. Ang cute kasi, nawawala na yung mata nito kakatawa.

“Heto na nga, tumitigil na!” Sinusubukan ni Jeff na tumigil tumawa pero, habang nakikita niyang nakangiti si Ice ay hindi rin niya maiwasang ngumiti.

“Jeff!! Dalawa!!!” Tumigil na naman ng paglalakad si Ice, nakangiti siya pero nakataas ang isang kilay.

“Ano?!” harapang tingin si Jeff at Ice. “Hindi nga!, Hindi kita inaasar. Nakangiti lang ako eh.”

SA SUMMER NAGSIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon