CHAPTER 9

49 0 2
  • Dedicated kay Shane Arizala
                                    

CHAPTER 9

Pagbabalanse ng mga iskedyul.

Mula paggising hanggang pagtulog.

Hindi na namalayan ni Ice ang mga araw. Halos hindi narin sila masyadong nakakapag-usap nila Grace at Jeff dahil sa dami ng school commitments. Siguro, mabibilang nalang sa daliri na sabay-sabay silang nag-lunch.

“Huy. Gising.”

“Ah-ano?” gulat na sagot ni Ice sa sinabi ni Richard.

“Hay nako. Pagod na yan, Aicelle. Tigil muna natin ‘tong research.” Si Richard na ang unang tumayo at nagsinop ng mga gamit nila. “Galaw na, isoli mo itong libro na ito sa shelf M.”

Tumayo na si Ice. Sinunod na niya ang sinabi ni Richard. Hindi niya napansin na nakatulugan na niya ang pagbabasa sa library at halos si Richard na ang tumapos sa pagsusulat ng kanilang introductory topic.

“Anong oras na ba?” tanong niya kay Richard pagbalik nito sa lamesa.

“3:30. Bakit, may practice ba kayo?” sagot ni Richard.

“Wala, iche-check ko lang sana yung schedule namin sa annex for next week.” Sagot niya dito.

“Friday naman, bukas mo na tignan yun, sasamahan pa kita.” Tumigil sa paglalakad si Richard. Hinarap niya si Ice. “Alam mo, namumutla ka na this past days. Oo nga, marami tayong tatapusin na school works at syempre, payag naman ako na maging ka-grupo mo pero, ang hindi kasama sa usapan natin eh yang magmukha kang bampira.” Hinalungkat na ni Richard ang bag ni Ice na bitbit niya.

“huy, bag ko yan…..” pagpigil ni Ice.

Nakita na ni Richard ang hinahanap nito. Hinarap na muli niya si Ice. “heto. Ipit sa buhok atsaka suklay. Ayusin mo muna sarili mo. Pupunta tayo sa canteen at nagugutom na ako. 30 minutes ko din tinapos yung mga sulatin nayun habang tinulugan mo lang ako.”

Naglakad na si Richard bago pa man makapagsalita si Ice. Pero dahil sa pagod talaga siya, wala siyang ganang makipag-argue dito. Sinundan na rin niya ito habang ipinupusod ang buhok. “Teka, ako nang manlilibre sa’yo, Chard. Sorry ha, hindi ko na talaga namalayan na nakatulog na ako. Tsaka, gutom na rin ako, light lunch lang kasi nakain ko kanina. May tinapos akong babasahin sa History eh. Hindi ko nagawa sa dorm.”

“Ewan ko ba kasi sa iyo, ang dami mong ginagawa. Hindi mo ba nararamdaman ang stress?”

“Ewan ko din. Hindi kasi ako sanay na maraming vacant periods… nakakapagod, oo, pero kasi hinahanap-hanap ko yung gagawin ko. Bakasyon lang talaga ako nakakapag-pahinga.”

Kumuha na sila ng order nila at nagbayad si Ice. Pero pinigil din siya ni Richard at ito ang nagbayad ng pagkain nila. Nakakita agad sila ng mauupuan at doon na nag-merienda.

“Ang bait mo ngayon? Ano ba meron? Tsaka bakit ka nanlilibre?..... may nakalimutan ba ako?” tanong ng natatawang si Ice.

“Ako? Mabait? Ndi ah. Naaawa lang ako sa iyo kasi mukha kang vampire na hindi kumain ng sampung taon.” Exagerrated na sagot ni Richard.

“Arawch naman, makasagot wagas!” asar ni Ice.

“Kita mo, nagigising ka pag naiinis ka! Hahahaha!” natutuwa talaga si Richard sa usapan nila. “May extra money lang talaga ako. Minsan lang naman ako manlilibre no, kaya wag mo nang punahin at baka ilista kong utang mo yang kinakain mo. Atsaka pala itong kinakain ko.”

“Ayy, grabe ha! Nakakainis ka naman!” sabay na tumawa ang dalawa.

Masaya si Richard ngayon. Wala na sigurong dapat pang ipaliwanag dahil gusto niya si Aicelle. Mabait na kaibigan, seryoso kung seryoso. Pero, syempre, wala nang makakaalam nun. Siya nalang. Magkakaroon kasi ng pakiramdam ng pagka-ilang kung sasabihin niya ito. Tama na yung at ease sila sa isa’t isa.

SA SUMMER NAGSIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon