CHAPTER 7

54 0 0
                                    

This chapter is dedicated to Winter Grace,

so that we may come to know her more than just a name. 

__________and to you, who still keeps on reading on.  coffee tayo :)____

Chapter 7

Katatapos lang maghugas ng pinagkainan ni Grace.  Nilinis niya ang kusina ng kanilang bahay at pagkatapos nito ay pinatay na ang ilaw. Umakyat siya papunta sa guest room ng bahay nila na may dalang isang pitsel ng tubig at baso. Naabutan niya sa kwarto ang mama niya.

“Mommy, kamusta na po si Lola?”

Inaayos na ng kanyang ina ang unan ng lola niya. “Maayos na ang lagay niya. Mamaya ulit ng alas-diyes ang pag-inom niya ng gamot.” Sagot nito sa kanya. “Baka inaantok ka na, anak. Matulog ka na.”

“Hindi pa naman mommy. Mahaba naman ang tulog ko kaninang tanghali. Baka pagod na po kayo, ako na ang magbabantay para mapainom ko si Lola ng gamot. After that matutulog na po ako.” Alok niya sa kanyang ina.

“Sige, anak. Basta pagdating ng alas-diyes ay matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas. Babalik ka pa sa school, diba? Sige, pupunta  na ako sa kabilang kwarto.” Hinalikan siya sa noo ng mama niya. “tulog na ba si Jasper?” tanong nito sa kanya bilang patukoy sa nakababata nitong kapatid.

“Opo Ma.” Sagot ni Grace. “Goodnight po.”

“ Good night din” sinarado na ng mommy niya ang pintuan. Umupo na siya at pinagmasdan ang kanyang lola. Mahimbing ang tulog nito. Noong Biernes lamang ay nilalagnat ito kaya dinala nila sa ospital. Silang tatlo ng kanyang mommy at ng bunsong kapatid niya na si Autumn Jasper ang halinhinang nagbabantay dito.

Nilingon  niya ang wall clock. 9:45 na ng gabi. Si-net niya ang alarm clock niya ng 10:00 para mapainom ng gamot ang lola niya.

Nakaluluwag sa buhay ang pamilya ni Winter Grace. Ang kanyang ina ay isang nurse sa isang ospital sa Makati samantalang ang kanyang ama naman ay isang inhinyero sa U.S. Ngunit kapalit ng kanilang kaluwagan sa buhay ay ang pagtatrabaho ng mga magulang ni Grace. Maagang namulat sa ganitong sistema si Grace ngunit kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan niya na magbago ng ugali. Dahil siya ang ate, siya na ang nag-aalaga sa kapatid na si Jasper noong maliit pa lang ito. At ang mga gawaing bahay ay natutunan naman niya sa kanyang lola.

“Ay, aayusin ko na pala ang gamit ko para hindi ako ma-late sa pagbalik sa eskwelahan bukas.” Wika niya sa sarili. Simula na kasi ng Second Grading kaya ay ganado siyang mag-aral.  Naka-adjust na siya sa mga sistema sa paaralan at target niyang makuha muli ang full scholarship next year.

 ---------------------

Nag-ring na ang 8:00 bell ng WVS. Naglakad na ang mga estudyante patungo sa kani-kanilang classroom.

“Grace, nakagawa ka ba nung homework sa math?” tanong ni Alyssa kay Grace pagpasok nito sa classroom. Nakaupo na noon si Grace sa upuan niya.

“Oo. Nung Friday ko pa tinapos para wala na akong problema ng weekend.” Nakangiting paliwanag niya kay Alyssa.

“Bakit?”

“Kasi ‘di ako nakagawa. Medyo naintindihan ko lang ang lesson pero nahirapan pa rin akong sagutin kapag iba na ang ginamit na problem set.”  Paliwanag sa kanya ni Alyssa habang  umuupo ito sa pinakamalapit na upuan at nilalabas ang notebook.”Papunta na sana ako nung Friday sa library para sagutan, sinundo naman ako ng service namin dahil nagmamadali daw. Hay, ayun, pagdating sa bahay, nag-alaga na naman ako ng kapatid ko.” Malungkot na pagpapatuloy ni Alyssa.

SA SUMMER NAGSIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon