CHAPTER 11

63 1 0
                                        

CHAPTER 11

Sasadyain na ni Ice si Grace sa classroom nito para may kasabay siyang umuwi.

“… sandalii nalang ito ha.” Pahabol sa kanya ni Richard. Sasabay din daw kasi itong lumabas pero dadaan muna siya sa faculty room para magpasa ng quiz papers sa teacher nila.

“Magkita nalang tayo sa hallway ng Archimedes. Pupuntahan ko kasi si Grace dun.” Pahabol ni Ice sa kausap. Naglakad na siya palabas ng classroom. Paglakad niya sa left wing ng floor nila ay nakasalubong niya ang mga estudyante ng I-Socrates. Binati siya ng ilang kakilala niya dito.

----

“Si Aicelle yun oh.” Turo ni Andrei kay Jeff. Cleaners kasi sila kaya naiwan sila sa classroom.

“’San?” Nilingon ni Jeff ang tinuturo ni Andrei.” Hoy, una na ako ikaw na muna maglinis dito. Bawi nalang ako sa iyo next week.” Nagmamadaling kinuha na ni Jeff ang gamit at lumabas ng classroom nila. Naiwan na nagkakamot ng ulo si Andrei.

“Pssst! Ice!” pahabol na sigaw ni Jeff sa kaibigan.

Hinanap ni Ice ang boses ng tumatawag. Nakita niya si Jeff na tumatakbo.

“O, kakalabas mo pa lang sa room?! Kanina pa nag-bell ah.” Bati ni Ice dito.

“Ah. Eh, cleaners kasi kami ngayon, kaya medyo natagalan.” Palusot ni Jeff kay Ice. “Madami nga kaming nilinis eh.”

Nakita ni Ice si Arndrei nakakamot-kamot ng ulong pumasok sa classroom. May hawak itong walis. “Hmmm.. kaya pala sinundan  ka ng tingin ni Arndrei ha…. Maraming nilinis ha…” Sumingkit ang mata ni Ice kay Jeff. “Jefferson, takas ka na naman sa trabaho mo……”

Singkit na naman… bulong sa isip ni Jeff. “Hahahaha! Pahamak talaga tong si Drei. Naglinis naman ako ng konti kanina eh.” Paliwanag niya kay Ice.

“Weh, kala mo ipapasumbong ka naman ni Arndrei sa adviser ninyo.” Ngiting tukso ni Ice sa kausap.

“Eh ‘di maglilinis na po…” Sagot nito.

Natawa si Ice. Lalakad na kasi pabalik ng Socrates si Jeff.

“Ganito nalang,” tinulak niya sa likod si Jeff. “Babalikan kita dito kasama si Grace. Dadaanan ko muna siya, ha. Tapos mag-linis ka para hindi naman kawawa si Arndrei.”

“Yes, Boss!” naglakad na mag-isa si Jeff habang nakasaludo kay Ice. Paatras ito kaya hindi niya namalayan na nasa likuran niya si Arndrei at ang iba pang cleaners ng room. Winagayway nila sa ulo nito ang walis.

“Sunod ka nalang sa classroom ng Archimedes! Papunta ako dun, sabay kami ni Grace ngayon eh.” Natawa nalang si Ice habang lumalakad papalayo. Pihadong nagkukulitan na naman ang barkada ni Jeff sa room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SA SUMMER NAGSIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon